----------J H O--------
The date was fun, and Therese enjoyed it, pag pinagsama kami ni Bea we could ruin a should have been perfect date if we want, pero di ko inaasahan na pag pinagsama pala kami ni Therese sa isang date, magiging masaya yun.
Pero isa lang ang ikinababahala ko, mga ten na kami nakabalik ni Therese sa dorm, pero wala dun sina Maddie, at hangang ngayon wala pa rin sila.
pumunta ako sa dinning area, at nadatnan ko dun ang ilan sa mga team mates ko
“Ate Ells, nakauwi na po ba sina Maddie?”
“Huh? Akala ko ba kasama nyo ni Therese”
Takang sabi ni Donya
“Di naman po namin sila kasama”
“Talaga? Eh nakita kong lumabas yun kasama si Bea, kaya akala namin lumabas kayong apat”
sabi naman ni Mich
“Anong oras nakauwi sina Bea?” napalingon kami sa nagsalita, si ate Den lang pala
napayuko kaming lahat sa tanong nya
“Hoy kinakausap kayo” sabi ni ate Den
bigla namang siniko ni Mich si Jia
“Ah eh, ate Den, kasi po”
“Ano yun baby Ji?”
“Jho ikaw na” sabi naman saakin ni Jia
“Ah ate Den kasi---ate Ells ikaw na”
“Ayel ikaw na” sabi naman nito habang siniko si ate Ayel
napakamot naman sa batok nya si Ate Ayel
“Hoy! tigil tigilan nyo ako dyan ha! naiinis na ako sainyo! Asan na nga sina Bea at Maddie?!”
“Ate Den kagabi pa po sila nawawala”
kinakabahang sabi ni Jia
“KAGABI PA SILA NAWAWALA?!?!”
patay! bumubuga na ng apoy si iron eagle
“Oh anong nangyayari dito?”
tanong naman ni ate Ly
“Nawawala sina Bea at Maddie! Kagabi pa!” Sabi naman ni ate Den
“Ano?! Pano kung may nangyari na dun sa dalawa?!”
“May nangyari na sa dalawa?!” tila gulat na sabi ni Donya, medyo loading kami dun hanggang sa batuhin sya ni Mich
“Ang dumi ng utak mo!” at dun namin narealize kung anong ibig sabihin ni Donya
Ngumisi lang si Donya Ells
“Madumi? Baka ikaw” sabi naman ni Donya Ells
“Ano ba kayo?! Nawawala na nga yung dalawa nakuha nyo pang magbiruan!” inis na sigaw ni ate Ly
napatahimik kaming lahat
“Breakfast po kaya muna tayo ate Ly, sigurado naman po akong iingatan ni Bea si Maddie eh” sabi ko nmn kay ate Ly
“Mabuti pa nga, Pero mauna na kayo at may pupuntahan pa ako, itxt nyo nalang ako kung nakauwi na yung dalawa” sabi nmn ni Ate Ly
pagkatapos naming kumain ay kumukulo na naman ang dugo ni ate Den
tinawagan nya na kasi si Bea ang sabi pabalik na daw, pero magdadalawang oras na wala pa rin sina Bea
“Asan na ba sina Bea?!”
BINABASA MO ANG
Speak Now
FanfictionSometimes you just have to face your fears, and say all those words that you kept inside your chest, and the greatest thing to do is, SPEAK NOW... this story is purely fictional, no hate please... if you dont like this kind of story, please leave si...