Spark

2.8K 73 21
                                    

Have you ever been hurt, so much tha you feel nothing at all, but the tears just fall without you even noticing it.

_________________

J H O A N A

I'm staring at the ceiling, isang buwan nalang tapos na ang school year. Pero heto ako, nagpapakatanga pa rin, mahal ko sya pero kaibigan lang ang tingin nya saakin, we've been to dates and stuff pero friendly dates lang ang tingin nya sa lahat ng iyon, ganito ba ang feeling ng broken hearted? Your heart feels heavy, your chest hurts, you feel sad, and you dont feel like moving at all. I felt tears building up. i tried to surpress it but a few seconds later, i felt some hot liquid flowing down my face, a felt a lump on my throat, it just hurts too much, i feel like choking.

Kung hindi ka ba mahal ng mahal mo ibig sabihin nun hindi kayo para sa isat isa? Sa totoo lang wala naman akong maisasagot eh, sa totoo lang di naman ako takot na mareject eh, takot lang akong mawala kung ano ang meron kami, dahil itong friendship lang namin ang meron ako.

Tumingin ako sa katapat kong kama, mabuti ka pa himbing na himbing sa pagtulog, siguro napapanaginipan mo si Rex ano? Therese bakit ganun? Noong una si Bea, tapos si Rex naman, bakit hindi naging ako?

Any minute from now alam kong hahagulgol na ako kaya minabuti kong umalis, pumunta ako sa rooftop sinigurado kong walang nakakita saakin.

naupo ako sa sahig at tumingin sa mga bitwin, sa totoo lang halos di ko makita ang mga iyon dahil sa mga luhang umaagos mula saaking mga mata

“Bakit ganito kasakit?”

“Bakit kailangan ikaw pa?”

“Bakit hindi mo maramdaman?! Manhid ka ba?”

“O sadyang may ibang laman lang iyang puso mo?”

yan yung mga binulong ko sa hangin

makakarating kaya iyan sayo Therese?

Napapansin mo ba ang pagmamahal ng isang Jhoana Maraguinot?

Sa tingin ko hindi mo pansin eh, bumibilis ba ang tibok ng puso mo pagnakikita mo ako? kahit man lang simpleng pagsikdo? Nakakaramdam ka ba ng mga nagwawalang paru paro tuwing nahahawakan ko ang kamay mo? Meron bang spark? Kasi ako? tuwing kasama kita? Nararamdaman ko ang buong zoo sa tyan ko, para pang tumatalon ang puso ko tuwing tinitignan kita, at para akong lumalakas tuwing napapangiti kita

Naalala ko tuloy yung unang beses na nagdate tayo

-------Flashback------

“Ang ganda tignan ng mga fireflies oh” nakangiting sabi ni Therese sa totoo lang di ako makapagsalita pakiramdam ko kasi sasabog ako sa sobrang saya

“Oh bat natahimik ka dyan?”

parang nagwala naman bigla ang mga butterfly sa tyan ko

kaya tinakpan ko ang bibig ko at sinabing

“Baka kasi lumabas lahat ng butterflies galing sa tyan ko kapag nagsalita ako”

mahina naman syang tumawa

“bakit?” tanong ko sakanya habang nakatakip pa rin ang palad ko saaking bibig

“ikaw talaga” nakangiti nitong sabi at nagulat naman ako noong bigla nyang pinatong ang kanyang ulo saaking balikat

“Basta, this feels like a fairytale”

----------EOFB---------

---------------

“Jho, bumangon ka na dyan! Baka malate ka”

Speak NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon