The Cookie Promise

2.6K 75 6
                                    

Pasinghot singhot pa habang naglalakad ang singkit na batang babae, namumula ang mata at ilong nito dahil sa kakaiyak, medyo nahihirapan pa itong maglakad dahil medyo mahapdi ang tuhod nito dahil na rin sa sugat.

"Saan kita ihahatid?" Tanong ng batang si Bea.

Ngunit hindi sumagot ang batang babae.

"Tiger, wag ka nang umiyak."

Lumingon-lingon ang batang si Bea na tila ba may hinahanap, at napangiti ito noong tila ba nahanap nya na ang kanyang hinahanap.

"Halika upo tayo dun, oh." sabi ng batang si Bea habang tinuturo ang isang park bench na di naman kalayuan.

Noong makaupo na sila doon, tahimik pa rin ang singkit na batang babae

kaya naisipan ng batang si Bea na kunin ang isang pouch na may lamang tatlong cookies sa loob ng bulsa nya na ang mommy nya pa mismo ang nagbake.

"Tiger, ito oh." inabot ni Bea ang isang pirasong cookie sa batang ang tawag nya ay Tiger, nag-aalangang tinanggap naman ito ng bata

"T-thank you" nahihiyang sabi nito kay Bea

Noong kunin ito ng bata ay agad na kinain din ni Bea ang hawak nyang isang cookie

Tila ba excited na excited na tanungin ni Bea ang batang kung tawagin nya ay Tiger, kung masarap ba ang cookie na bigay nya, at nang matanong nya na ito tila ba di naman sya nabigo nung bigyan sya nito ng isang napakatamis na ngiti.

ginantihan din ito ni Bea ng isang ngiti, ngunit laking pagtataka nya noong biglang tumawa ng pagkalakas lakas ang batang kanina ay tahimik lamang na umiiyak.

"Bakit?" takang tanong sa kanya ni Bea

"Isa ka nang tunay na monster." natatawang sagot nito, pano ba naman kasi may tsokolateng nakalagay sa ngipin ni Bea, na malamang sa malamang ay galing sa chocolate chip cookie na kinain nya kanina.

Napangiti naman si Bea noong sabihin nitong isa syang monster

Pero napawi ang ngiting yun sa sunod na sinabi ng bata

"Isang cookie monster"

noong mapansin naman ng batang kung tawagin ni Bea ay Tiger na nakabusangot si Bea tinanong nya agad ito kung bakit

"Eh kasi naman hindi ako cookie monster, no! I am Bea the monster! the cutest and nicest monster ever!"

Napangiti naman ang batang kung tawagin ay Tiger

"Ay ubos na pala yung cookie mo, pati yung akin, isa na lang ang natira gusto mo sayo na lang?" pag-aalok naman ni Bea kay Tiger

Walang pag-aalinlangan namang tinanggap ito ng bata, pero laking gulat ni Bea noong hatiin iyon ng batang si Tiger

Nagtatakang tinignan ni Bea ang bata

"Alam ko gusto mo rin nito." sabay bigay ng isang matamis na ngiti at binigay ang kalahati ng cookie kay Bea

"I know you're the one and only Bea the monster, kaya para maging happy ka na ulit, can you promise that the next time we meet and eat a cookie together youre still my one and only Bea the monster that would take care of me?"

"Promise." sabi ni Bea at ipinagdikit nila na parang puzzle ang dalawang cookie

"Cookie promise" nakangiting sabi ng batang si Tiger

Speak NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon