What you see is not always what it seems like.
---------------------
Girls are easy to understand, because to them NO means No and NO means MAYBE and NO means YES, and so on.
___________
B E A
“WTF?! Anong ginagawa mo dito ha Audrey? At pano mo nalaman na nandito ako?”
tumawa lang sya
“Naamoy kita hahahaha, joke, namention kasi ni Tita Det na uuwi ka, tara punta tayo sa mall”
binatukan ko naman sya
“Pupunta ka lang sa mall isasama mo pa ako!”
kumapit naman sya bigla sa braso ko
“Eehhh syempre para may driver ako”
sabi nito sabay pacute
“Wow Audrey, akala ko ba friends tayo, driver lang pala tingin mo saakin”
“Eh sige na Bea, I know you treat me naman as your super adorable, sexy, and drop dead gorgeous sister eh, kaya alam kong di mo ako matatanggihan.”
tinanggal ko ang pagkakakapit nya sa braso ko
“Hay may choice pa ba ako? Eh baka pag di ako pumayag isumbong mo lang ako kay mommy”
---------------
Nasa starbucks kami ngayon, ang tagal umorder ni Audrey kanina pa ako nakatunganga dito ang awkward tuloy, feeling ko pinagtitinginan na ako ng mga tao dito eh...
“Hi Bea, sorry natagalan ah, nakita ko kasi tong si Ej”
“Hi Bea” bati saakin ni Laure
“Hi Ej”
kakaupo palang nila ni Audrey pero ito namang si Audrey tumayo agad
“Oh? san ka pupunta?” tanong ko sakanya
“Wait lang, naiihi na kasi ako”
pagalis nya bumalik naman sya kaagad
“Oh bat ang bilis mo?” tanong ni Ej sakanya
“Walang cr dito eh, sandali hahanap lang ako ihing ihi na talaga ako eh”
tapos umalis na sya kaagad
“Tignan mo yung babaeng yun pwede namang humanap na kaagad sya ng cr nagpaalam pa talaga saatin”
natatawang sabi ni Ej
“Eh parang bata si Auds eh”
tinignan nya bigla yung mukha ko
tapos lumapit sya at para may tinanggal
“Oh” sabi nya saakin habang nakatapat yung daliri nya sa mukha ko
“Ano yan?” tanong ko sakanya
“Ung pilikmata mo, ihipan mo bilis tpos magwish ka!”
napatawa naman ako bigla
“Para ka namang bata Ennajie! hahaha ibang klase talaga”
“Ang sama mo noh, wala namang masama kung susubukan mo”
“Sus ang drama mo naman”
“Did I miss anything?”
nagulat naman ako si Audrey lang pala
“Wala naman masyado” sabi naman ni Ej
Nasasakyan ni Ej ang trip ko kaya agad kaming nagkasundo, eh halos kulitan lang kami eh
BINABASA MO ANG
Speak Now
FanfictionSometimes you just have to face your fears, and say all those words that you kept inside your chest, and the greatest thing to do is, SPEAK NOW... this story is purely fictional, no hate please... if you dont like this kind of story, please leave si...