CHAPTER 62

13 4 0
                                    

Lex Pov


Wala na yon selp oo kalimutan ang lahat TAMA! maglilinis nalang ako ng kwarto tama.Grabe parang hindi nililinis ang kwarto ko ang dami kasing gamit.


Pagkatapos ko naman magwalis walis. Ay napagisipan ko nang magtapon. Hindi nanaman ata kaylangan yung mga ibang bagay dito.


"Oh nak! kapanipanibago naglilinis ka" natawa naman ako kay mamshie. At napunta ako sa mga photo album ko nung bata bata pa ako. Grabe mahilig ba talaga sila ako picturan kada galaw ko dejk.


Eh paano ba naman kasi. Ang dami talagang photo album, ang galing naman nina mamshie at papshie i treasure ang mga picture na toh. Ems para sa memories din ganon.


"Ay nandyan parin yan. Akala ko pa naman nasa kwarto ko ang mga iyan" sabi naman ni mamshie. At tiningnan ko narin tong mga picture.


At ang aalikabok narin. Sayang naman, yung unang photo album na napansin ko is hindi naman ganoon ka alikabok. At unang buklat ko palang. Nabigla naman ako, sa tingin ko mga 5 years old ata ako nito? may kasama akong batang lalaki? at may nakalagay pang iyang dito sa parang polaroid na picture.


"Mamsh! sino po toh?" tanong ko naman. At bakit parang familiar nga sakin yung iyang? atsaka ang bata ko pa non. Hindi ko naman maalala ng ganoon ganoon lang.


"Ah hahaha! nakakatawa ang behind story nan" napakurap naman ako. Ha? bakit parang ang cute ng lalaking toh. Nasaan na kaya siya ngayon?

THE TOM & JERRY. (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon