CHAPTER 60

18 4 0
                                    

Yangyang Pov


"NAK?? UMAMIN KA?? KISS LANG TALAGA ANG NANGYARI?? IKAW BATANG KA!" ayan bakit ba kasi pumasok sa isipan ko ikwento sa kanila yun. Ayan nasermonan tuloy ni mom.


"Mom, everything is fine. Don't you believe me? siya yung nag first move, and I'm not the type of man that taking advantage in the girl sa sitwasyon pang ganoon" seryoso kong tugon. Gentleman kaya tong anak niyo, ehem.


"Kaya nga Celli! paniwalaan mo naman yang anak mo. Bakit nga nung bata bata pa siya, nung nakahalik siya ng batang babae non nakyukyutan ka pa" sabi pa ni tita. Wait what? anung ibig sabihin ng mga sinasabi ni tita? anung? ha? wala akong natatandaan na may nahalikan ako ng bata? as in bata bata? wait..


"Adsey! bata pa siya non. At hindi naman sinasadya yon, eh ngayon may isip ano na toh" napakunot naman ako ng noo. Anung isip ano? at ha? anu muna yung kwento doon sa bata?


"Wait mom, tita. Anu po yung sa bata pa ako? anung kiss? bata bata? as in? wait what is that? tita are you serious about that?" tanong ko naman. Napatingin naman si tita kay mom na parang na giggle pa nga. While si mom, still in serious mode.


"So are you trying to change the topic Liu Yangyang?" napa gulp naman ako. Sabi na eh mamaya ko na itanong, napa peace sign naman ako.


"Wala ngang nangyari Celli. Kalmahan mo lang, wala kabang tiwala sa anak mo? pero Iyang! yung sa bata bata ka pa noon is mahabang kwento" napakurap naman ako ng mata. Hindi ko lang talaga matandaan, anu naman kaya yon? so hindi pala si Lex first kiss ko?

THE TOM & JERRY. (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon