CHAPTER 63

13 4 0
                                    

Lex Pov


Nagkita kami nitong si Glen dito sa park ng subdivision namin. At sana behave naman siya, at alam niya na ngayon si Yangyang tsk.


"I'm hereeee" at narinig ko na nga siya. Napalingon naman ako, malapit toh sa bahay ni Yangyang kaya manahimik siya dyan, char.


"Oh okay, char. Wag kang ano ah" sinabihan ko na ka agad baka may mangyaring ka anuhan pa. Charot! pero kelan ba kami magkaka ayos ng Yangyang na yon? pag ata nahanap ko yung batang nasa picture? haha. So impossible.


"Kwento ko nalang sayo to" pagiba ko naman ng topic at pinakita yung picture sa kanya. Magkakaroon ng mahabang kwentuhan nanaman po ito.


_______


"EH?? Meron kana palang forever naks. Ipa-Kmjs mo kaya? hehe" napakunot naman ang noo ko doon. Kmjs talaga?? haha.


"Luh? atsaka hindi ko naman gusto siya hanapin" sabi ko naman. Kwinento kasi lahat ni mamsh sakin, kung anu yung behind story nitong picture. Grabe, ang bata ko pa talaga non. Ang inosente ko pa tas hinalikan pala ako ng lalaking toh!? pero bata pa nga ako. Atsaka ang cute naman ng humalik sakin.


"What If siya na pala yung tinadhana sayo diba. Need mo siyang hanapin, diba what If nandyan lang sa tabi tabi mo" natawa naman ako. Pero at the same time, na iinterested nga rin ako. Pero gusto ko lang naman siyang kamustahin, hindi ko rin naman siya childhood friend? sabi ni mamsh parang classmate ko daw na may krass sakin non. Bata ko pa non tas nasa kindergarten palang ata ako yawa.


"Layo naman non, anu toh kdrama?" loko ko naman. At nabigla naman ako, may sumingit na epal? bat to nandito??


"Oh speaking of--" sinamaan ko naman ng tingin tong si Glen. Pero bakit nga ba kasi umepal tong si Yangyang?


"Ahm bakit kayo nandito?" tanong naman niya. Eh siya nga bakit nandito eh?


"At ano namang pake mo kung nandito kami? pagmamayari mo?" sagot ko naman. At napairap naman siya sakin. At nashook naman tong si Glen. Tatayo na sana ako ng bigla niyang hinawakan yung wrist ko.


"Anu ba!?" naalala ko nanaman yung ki-- aish. Bakit ba kasi nasulpot toh? everywhere I go? hindi naman siya beatbox na everywhere I go bring the beatbox. Oh eh anung konek nga naman non?


"Naiwan mo kase" sambit naman niya. At ibibigay yung picture. Tsk, nahulog pa nga. Yung picture yung nahulog wala ng issue doon.

THE TOM & JERRY. (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon