Kabanata 233

8.3K 462 342
                                    

Thank you so much for the greetings everyone! I love you all Lollypops! ♡

Dedicated to: Noela

Kabanata 233:
Father

Zillah's POV

"Kamusta ka? Anong pakiramdam mo?" iyon ang sinalubong kong tanong sa bata pagkatapos niyang mahimasmasan nang magising. Pinagmasdan ko siyang kusutin ang mga mata. Nakatayo ako sa gilid at sakto na kakabalik ko lang mula sa pagbili ng pagkain. Inayos ko ang apat na paper bag sa side table bago siya harapin.

She immediately raised her look on me when she heard my voice. Nang humakbang ako papalapit ay sumandal siya sa headboard ng kama, umiiwas sa paglapit ko. Natigil tuloy ako sa paghakbang. Dumaan ang kaba sa mga mata niya at humigpit ang hawak sa kumot.

"Hindi kita sasaktan. Nagugutom ka na ba? Kumain ka. Iyon ang sabi ng Doctor na kailangan mo para lumakas ka." saad ko sa mahinahon na tinig. Namumungay pa ang mata niya dahil sa pagtulog. Hindi siya umimik. Saglit lang na sumulyap sa akin at muling yumuko.

Mukhang hindi siya makapagsalita dahil nanghihina pa o dahil wala pang gana at kagigising lang.

Bumalik ako sa side table. Nilabas ko ang mga pagkain na naroon at sinalin sa malinis na plato. Nilagay ko ang ulam at kanin sa isang plato, sa pangalawa ay prutas. Para ganahan siya at itinabi ko ang isang baso ng gatas at bottled water. Dahan dahan kong nilapag ang mini table sa harap niya para makapagsimula na siyang kumain.

I caught her looking at my uniform. Nang mapansin ang titig ko ay nag-iwas ng tingin. Nakasandal siya sa unan na nasa head board ngayon. Iminuwestra ko sa kanya ang pagkain.

I heard a low growl from her stomach. Narinig niya rin iyon kaya mas lalong yumuko. Hindi na ako nagbigay ng reaksiyon dahil baka mas lalo pa siyang mahiya. Hindi ko alam kung nahihiya o natatakot ba siya sa akin.

Tumikhim ako para gawing marahan ang tinig.

"Kumain ka na. Hindi ako masamang tao, kaya huwag kang matakot. Mukhang ilang araw ka nang hindi kumakain, kaya sige na." saad ko sa marahan na tinig. Sinulyapan niya ang pagkain na nasa harap. Hindi pa rin siya umiimik.

Ang sabi ng Doctor ay wala namang mali sa kanya maliban sa walang laman niyang sikmura at panghihina. Iniisip ko kung may kapansanan ba siya sa pagsasalita o natakot ba siya kanina sa nangyari na muntik na namin siyang mabunggo. I don't know if she's traumatized on it that she couldn't speak now.

I sigh in relief when she slowly move towards the small table. Umawang ang labi ko nang kamayin niya ang kanin at kumuha ng maliit na parte ng ulam at sinubo iyon.

"Uh, puwede mong gamitin ang kutsara.... pero kung komportable ka riyan walang problema. Puwede ka namang maghugas ng kamay mamaya." saad ko pero agad ring kinagat ang pang-ibabang labi nang sumulyap siya sa akin. Hindi na dapat ako sumabat pa, baka mamaya ay mahiya na siyang kumain.

Pagkatapos niyang lumunok ay tumingin siya sa kubyertos na nasa gilid. Tumango siya sa akin at kinuha iyon kahit na may ilang mumu na sa kanyang kamay. Kinuha niya ang kutsara. Ginamit iyon pang kuha ng ulam habang ang isa niyang kamay ay pangkuha ng kanin. Hinayaan ko na lang siya na kumain sa ganoong paraan.

Sa tingin ko ay komportable nga siya roon dahil bumilis ang bawat kuha niya ng pagkain. Nabahala ako dahil parang hindi na nga yata siya ngumunguya at panay lang ang paglunok. Tahimik lang ako na nakatayo sa gilid niya. Nakahalukipkip habang pinapanood siya.

"Dahan dahan lang." bilin ko dahil nag-aalala ako na baka mabulunan na siya. She glanced on me again. Akmang pasubo na ng panibagong pagkain nang matigil. Ngumuya siya at dahan dahang lumunok. Binawi niya ang tinginsa akin at binagalan na ngayon ang pagkain.

Ruling The Last Section (Season 3- Final)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon