Kabanata 262

6.4K 319 252
                                    

Hello, Lolypops! Malapit na tayo sa exciting part and sana ma share ko siya sa inyo before the year ends >⁠.⁠<

Kabanata 262:
Partner

Iginiya ako ni Xerox patungo sa entrada. Tulala pa ako na nakatayo roon habang tinatanaw ang kabuoan ng apartment. Ilang linggo din akong hindi nakatanaw rito. Lagi akong emosyonal kahit sulyap lang sa ilang beses na pagbisita rito. I couldn't help but reminisce all the memories here with them.

The moments where I couldn't get out of my mind. Iyong mga pagkakataon na bumibisita sila sa apartment, mga kalokohan nila, kuwentuhan at halaklak. Mga alaala na nakaukit na sa lugar na 'to. Suminghap ako nang pukawin muli ni Xerox ang atensiyon ko. Bukas na ang pinto ngayon at nakatayo siya sa hamba noon.

"You don't want to enter your own home, Raiven?" my chest heaved as I smiled and slowly went to him.

I don't know but the moment I stood up on the window and look inside, I was suddenly pulled back on the past. Namilog ang mga mata ko nang makita ang pamilyar na pamilyar na ayos ng sala. Ang iilang furnitures, picture frames, carpet at kahit ang tsinelas na nasa gilid ay parehong pareho pa rin ang ayos kagaya noong huli ko 'tong iniwan. Walang nagbago.

Hindi ko alam kung nanaginip ba ako o nag-iilusyon pero pakiramdam ko bumalik ako sa highschool. Iyong Raiven na masayang uuwi sa lugar na 'to.

Mas lalo lang pinatotoo iyong ngayong narito si Xerox. Kagaya ng mga pagkakataon noon, hinatid nila ako ni Helix sa apartment at bago umalis sinisiguradong papasok muna ako sa loob. Kakaway ako sa kanila habang tinatanaw silang lumalayo.

Ramdam ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata. Suminghap ako at ramdam ko ang titig sa akin ni Xerox. Pinagmamasdan ang reaksiyon ko. Hindi ko alam kung siya ba ang nasa likod ng lahat ng ito. Surprisa niya ba ito sa akin?

"It's clean." puna ko nang bumagsak ang tingin sa makintab na sahig at mga furnitures. Parang walang kahit anong alikabok na kakapit sa daliri ko kung papasadahan ko iyon.

"I always make sure its clean." nag-angat ako ng tingin kay Xerox. Namilog ang mga mata ko roon.

"What? Pumupunta ka dito?"

Kung ganoon siya nga ang nasa likod nito? I love this place, pero aminado ako na hindi ko na ito ganoong napagtuonan ng atensiyon sa pagiging abala sa mga nangyari.

"Noong narito pa ako. I miss you so much. I came here. I thought the longing would ease on being here but it always makes it worse, Raiven" aniya at sinulyapan din ang loob. His eyes twinkle as he looks at the living area like he's also reminiscing something.

Umawang ang labi ko. Nilahad niya sa akin ang loob at pumasok naman ako. Agad kong nilibot ang tingin sa sala. I gasped again when I see that even the TV is still here.

"Do you want a new TV? Bibili na sana ako kasi medyo luma na 'to kaso ayaw ko namang tanggalin pa dahil wala ka pa. Kailangan munang magpaalam sa may-ari." tumawa ng bahagya si Xerox nang tignan ko ang TV.

Umiling agad ako.

"Hindi naman ako mananatili rito kaya sayang lang." mahinahon kong saad. Umupo siya sa sofa. Pumalumbaba at tinignan ako. Noon, nakauniporme pa siyang nakaupo riyan. Silang dalawa ni Helix. Ngayon ay naka suit at pormal na pormal ang ayos. Naninibago tuloy ako. Parang pinapamukha sa aking, oo nga pala ilang taon na ang lumipas. Hindi na kami highschool kagaya noon.

Hindi na kami mga teenager. I sighed as I realized that truth.

Nakakamangha lang na sa paglipas ng panahon, may ilang bagay pa ring nanatiling pareho katulad noon. Hindi nagbago. Kagaya ng ngisi ni Xerox na kumikislap.

Ruling The Last Section (Season 3- Final)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon