Kabanata 242

9.3K 381 286
                                    

Kabanata 242:
Tampo

I groaned as I went back on consciousness. Unang dilat ng mata ay malabo ang paningin ko kaya naman kumurap-kurap ako at kinusot iyon. I can feel a soft matress in my back and a comforter covering half of my body. Akala ko normal na gising iyon para sa isang panibagong araw ngunit nagkrus sa isip ko ang nangyari kagabi.

Nang maalala ang tagpo bago ako mawalan ng malay ay mabilis akong napabalikwas ng bangon. Na pinagsisihan ko rin agad dahil mabilis kong nasapo ang ulo sa pag-ikot ng paningin sa agarang kilos.

Shit.

I cursed and pinched my eyes closed as I feel how my head turn. Parang may kamao na pinupokpok ang ulo ko. I groaned more and let the pain fade before I move again.

Nang luminaw ang paningin at bumalik ito sa dati, inaasahan ko na masalimuot na tagpo ang sasalubong sa akin pero kasalungat iyon. My eyes dropped first on the clean and fresh bed where I am right now. Mabango pa iyon at komportable. The soft matress were soft as a cloud.

Hinaplos ko pa ang kamay. Tinitignang mabuti kung hindi ba iyon nakagapos. There's no rope in my hands. Walang kahit anong nakalagay.

Kumunot ang noo ko. I should wake up in my tent, why I'm on this unfamiliar bed?

"Where I am?" tanong ko sa sarili nang binagsak ang tingin sa kung nasaan ako.

Mas lalo lamang akong nahulog sa malalim na pagtataka nang sumalubong sa akin ang malawak at malaking hindi pamilyar na kuwarto. I look at my bed and I can tell that it's a queen size bed.

Ang puting kurtina na nasa bintana hindi kalayuan ay sumasayaw dahil sa mahinang ihip ng hangin mula sa maliit na siwang noon. The rays of the sun were trying to sneak inside the room. I can hear a little sounds of the water from here. Dahan dahan akong tumayo mula sa kama.

My feet landed on the squeaky clean cold floor. There were side tables with an intricate designs beside the bed. A dresser, a full-length mirror, and a sofa are on the left side of the room. May nakalatag na kulay nude na carpet sa ilalim ng kama at sofa. The room was mixed with light brown and nude colors. Nagkrus rin ang paningin ko sa mga painting na nakasabit sa gilid ng pader.

Bukod sa pintuan na sa tingin ko ay labasan ng kuwarto na ito ay meron pang isa sa bandang kaliwa na sa tingin ko ay patungo sa bathroom ng kuwarto.

Lahat ng kagamitan rito ay hindi pamilyar sa akin. Hindi ko alam kung nasaan ako at kaninong kuwarto ito. Nahagip ng tingin ko ang salamin at bumaling ako roon para tignan ang itsura.

I am wearing a pink silk satin pajama. My hair was a bit messy. This is not what I'm wearing last night.

Who changed my clothes?

Hindi ko alam kung dapat bang magpanik na ako o mabahala.

I was puzzled on what's happening when I had the glimpsed of the window. Nakuha ng atensiyon ko ang kulay asul na asul na kalangitan at puno ng niyog sa labas kaya naman lumapit ako roon. Hinawi ko ang puting kurtina na nakatabing sa bintana.

Umawang ang labi ko nang makita ang tanawin sa labas. Halos masilaw ako nang bumagsak ang paningin sa kumikislap na asul na malawak na dagat. Next to the bluish sea water were the white sand that the waves were trying to reach. Sumabog ang buhok ko nang buksan pa nang mas malaki ang siwang ng bintana at pumasok ang malakas na ihip ng hangin mula sa karagatan at naamoy ko ang alat noon. Naging mas malinaw rin sa pandinig ko ang lagaslas ng alon at ihip ng hangin.

Wala akong matanaw na tao sa dalampasigan. I can only see an empty reclining chairs and tables. Kung merong mga lamesa at upuan roon, ay ibigsabihin may tao rito!

Ruling The Last Section (Season 3- Final)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon