Hellooo, before you start reading I just want to thank you all for sharing your thoughts and theories! Sobra kong nag-enjoy sa pagbabasa at ang wild ng mga imagination niyo hahaha. Sorry sa mga sumakit ang ulo at na istress! And please avoid spoilers po for those readers who are not in this part yet. 'Yon lang, enjoy reading!
Kabanata 204:
HushMalakas ang kabog ng puso ko at bahagya pang hinihingal. Ang malakas na kabog noon ay hinaharang ang pandinig ko na hindi ko na tuloy mapakinggan ang nangyayari sa paligid.
"Gulat na gulat ka?" ani ng lalaki na nasa harap ko. Pinalilibutan ng ilang lalaking nakaitim na mukhang kasama niya. Ang mga ilang pasahero na inosente ay nasa gilid ko, nagtataka pa rin sa nangyayari kaya nanatili lang sa puwesto.
Nasa isang diretsong linya ang labi ko. Hindi ko talaga magawang matanggap na sa dami dami ng pinaghinalaan kung tao, ay siya pa na hindi ko kailanman inakala.
Inisip ko na si Addison, si Daniel kaya kasi nakita ko siya noon, o isa ba ito sa mga pinsan ko na naghahangad ng paghihiganti sa akin dahil sa mabigat na parusa na pinataw sa kanila noon. Pero sa lahat ng nabanggit ko, hindi iyon ang lalaki na nasa harap ko. Wala siya sa kahit na sino.
I blink, trying to test if I'm hallucinating or what.
"Papaanong.... ikaw?" saad ko. Kunot ang noo at suminghap sa dulo ng mga salita. Halos manatili akong estatwa sa gulat.
"You didn't expect it huh?" he ask and the side of his lips curl up. Titig na titig ako sa kanya. Hindi ko alam kung hihilingin ko ba na nag-iilusyon lang ako ngayon. His face didn't change, so this is real. My lips went in thin line again.
"Hindi mo inaasahan na ang adviser niyo pala ang nasa likod ng lahat ng ito?" ani ng isang lalaki na nasa kanan niya. Ngumisi sa akin. Sa pagkakaalam ko, siya iyong tumawag kay Sir kanina na Tanner, kaya nakutoban ko.
"Sir Agape..." I said and shook my head. Halos tumawa pa ng pagak. Is this even happening?! Nakatulog ba ako sa kalagitnaan ng biyahe namin ni Kuwai kaya naman ngayon ay nananaginip ako ng isang kalokohan?
I can't believe this!
Hindi ko alam kung sinadya ba nila ang pagbangga sa akin kanina para ipaalam na narito siya, pero siguro ganoon nga. They planned this. Mabusising plinano at ngayon nabitag nila kami roon. Nahulog kami sa patibong.
Trinatrato ko lamang kalokohan ang mga nangyayari dahil sa isip ko parang napakaimposible na si Sir Agape ay si Tanner.
"Ikaw.... si Tanner?" mabagal kong sambit halos hindi talaga paniwalaan iyon. Ngumisi si Sir Agape na hindi ako sanay na makita sa kanya. He always looks formal and serious, like a professional teacher to us. He never shows this kind of expression. Kaya ang makita siyang nakangisi ngayon, ay sobrang nakakapanibago sa akin.
Napasulyap ako sa likod ko at nakita na naroon pa rin si Kuwai. He's still slamming the glass door as if it will open if he will keep on pushing it. I gasped. He's doing everything to be with me here. Kahit na imposible iyon dahil sa susunod na estasyon pa muli ang pagbubukas ng pinto. Halos kinse o kalahating minuto pa ang bubunuin para huminto ang tren sa susunod na estasyon.
"Ako nga, Raiven." pinukaw muli ni Sir Agape ang atensiyon ko at napasinghap ako nang may nakatutok ng patalim sa leeg ko. A swiss knife. Napasinghap ang mga iilang pasahero na kasama ko sa section na ito sa tinutok sa akin. Simpleng bumagsak ang tingin ko roon. Kumislap ang dulong bahagi ng patalim, at naging mas malinaw sa paningin ko kung gaano iyon katalas.
"Kailan pa? Bago pa ba ako pumasok sa Olavarrio? Plinano mo na 'to?"
"Too curious eh?" mas lalong nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Ruling The Last Section (Season 3- Final)
General FictionRenesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in her heart and still in the process of healing through the last section's arms, but the wound was start...