Kabanata 261:
Auction"Ang daya kung sa kanila may yakap at samin wala?" ngumisi si Rolfe at mas lalong nalukot ang mukha ni Pierce doon. Tinignan siya ni Acid na nakataas ang kilay.
"Puwede yumakap, huwag niyo lang tagalan." ani Pierce at humalukipkip habang nakahilig sa gilid. Tila ba doon siya pumwesto para mabantayan niya talaga ang paglapit ng last section sa akin.
"Are you her bodyguard dude?" Sixto asked him with his creased forehead. Light is smiling as he eyed Pierce. Para bang may naalala siya sa ganitong tagpo kaya natatawa.
"Puwede yumakap, Raiven?" tanong naman ni Russel sa akin. Saglit akong nag-isip at tumingin sa akin si Pierce na para bang nagsusumamo na tumanggi ako.
Kaya ganoon na lang ang lakas ng halakhak nila Keilander nang dahan dahan akong tumango. Bumagsak ang balikat ni Pierce. Umayos naman ng tayo si Helix.
"Puwede." I said and everyone hurriedly went to me like they were all excited children who would receive a gift.
Helix snorted on that and he even stood beside me. Pabiro pang tinulak si Russel palayo na umiiling kay Helix. Naunang lumapit sa akin si Rylan dahil nasa harap ko na rin naman siya.
"Braso mo!" suway ni Helix nang unang yumakap sa akin si Rylan at tinapik ako sa likod.
"Yumayakap lang ako!" tanggi naman ni Rylan nang hinatak na siya ni Helix palayo sa akin. Nagrereklamo pa si Rylan nang may pumalit na sa kanya sa harap ko. Bumaling ako doon at nakita si Lexus na nakangisi na sa akin. Tinapik niya ang balikat ko pagkatapos marahang yumakap.
"Gumanda ka lalo." aniya at ngumiti sa akin. I chuckled lightly. Still the same, Lexus I know before. Kahit noong unang kilala ko sa kaniya, ganito siya.
"How's your wife?" tanong ko sa kaniya. Gulat ako na talaga palang narito silang lahat ngayon. Alam ko namang ilang taon na rin ang lumipas at ang iba sa kanila ay marami nang pinagkakaabalahan katulad ng pamilya. Isa na roon si Lexus.
"She's fine. We're fine, Raiven. Ikaw kamusta?"
"Ayos lang." sagot ko at alam kong sabik na sabik ang lahat na makipagusap sa akin kaya nagtatagal sila sa harap ko para sa kuwentuhan.
Kaya nga lang kapag sobra nang nagtatagal ay sinusuway na ni Pierce o kaya ay ni Helix. Natatawa ako sa dalawa dahil nagrereklamo ang ilan roon.
"Alam ko namang maganda ka na noon pa, pero iba pala kapag lumayo ka sa amin nang ilang taon. Mas lalo kang nakakahanga ngayon." ngisi ni Yoske nang pagmasdan ako nang matagal.
Ilang beses ko na iyang narinig mula sa kanila pero hindi pa rin talaga ako nasasanay. Nag-iinit ang pisngi ko. Sa kanila rin naman ay may mga ilang pagbabago na nakakahanga pero mas lubos ang papuri nila sa akin. Hindi ako hinahayaan na magsalita nang marami dahil natatameme sa mga puri nila.
"Stop the praises, Yoske." Pierce hissed. Kumunot ang noo ni Yoske.
"What? I'm telling the truth."
"Pati papuri bawal din?" sumingit na ngayon sa harap ko ang humahalakhak na si Caleb na katabi ni Treyton.
"You should be thankful na iyan lang dalawa ang narito. Kung umuwi na iyong isa ay baka hindi niyo na mahawakan iyang si Raiven." ani Zillah na pinagmasdan si Caleb at Treyton na kinamayan lang ako. Hindi na yumakap. Rinig ko pa ang panunuya ng iba na para bang hindi makapaniwala sa dalawa.
I paused a bit on that. Napakurap-kurap.
"I'm in relationship so... I should act like a man." ani Caleb na nagkibit balikat at pabirong sinapak namin ni Russel.
BINABASA MO ANG
Ruling The Last Section (Season 3- Final)
General FictionRenesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in her heart and still in the process of healing through the last section's arms, but the wound was start...