Kabanata 239

8.3K 349 178
                                    

Kabanata 239:
Tampo

"Kung akala niyo mananalo kayo, hindi!" sigaw ni Winona sa kalagitnaan ng pagtakbo namin ni Kuwai. Napahinto kami sa akmang pagliko sa isang daan nang may sumalubong sa amin na limang lalaki na mula sa fourth section. Hinarangan kami.

Nagtangis ang bagang ni Kuwai roon habang bumuntong hininga ako. Nakarinig ako ng mga yapak papalapit at nang lumingon ay nakita ko si Winona at sa gilid niya ay ang iba pang fourth section.

"Hindi ka ba talaga susuko." si Kuwai na agad tumalim ang tingin sa mga lalaking nakaharang sa amin. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

I think it's really hard for her to let go of us that easy. Gusto niya pa muna kaming pahirapan ng lubusan bago pakawalan.

"You want so bad to win huh?" dagdag ko. Nagtaas ng kilay si Winona sa akin. Nasa gitna siya ngayon ng mga lalaking kaklase.

"Of course, who want to lose anyway? May gusto bang matalo?" aniya habang diretso ang tingin sa aking mga mata.

"You're trying hard, Winona," I said.

"I'm not. Baka ikaw, Raiven." halos matawa ako sa pagbabalik niya ng akusasyon sa akin.

"Sino ba ang despirado sa ating dalawa na lahat ginagawa para talunin ako?" I said sarcastically.

"Excuse me?" madrama at pahisterya niyang tanggi.

I rolled my eyes at her.

"Pigilan niyo ang dalawang iyan. Huwag niyo hayaang makalayo. Ibigay niyo sa akin si Raiven!" utos ni Winona sa mga kaklase niya. Kuwai jaw clenched on it as he squeeze my hand gently.

Is she serious? She's harassing us! Kung saan saan na napunta ang laro. Hindi naman ganito ang nangyari noong retreat huh?

"Stay close, Raiven." kumunot ang noo ko sa sinabi ni Kuwai.

"No, Kuwai. You won't fight alone." alam ko na agad ang ibigsabihin niya sa bilin sa akin.

"You don't need to fight. I can beat them all alone." sinuntok ko ang dibdib niya sa pagmamayabang, at ang loko nagawa pang ngumisi.

"I'll fight too!" giit ko.

"You'll just make your hands dirty." sinamaan ko siya ng tingin.

"Ayaw mo lang akong lumaban kasi takot ka na makalayo ako sa'yo!" Kuwai stared at me when I said that.

"Gusto ko na manatili ka lang sa tabi ko." huminga ako nang napakalalim roon.

"Kung magkalayo man tayong dalawa---" agad na pinutol ni Kuwai ang sasabihin ko na para bang ayaw niyang marinig ang bilin ko para sa kaniya.

"Ayoko na magkalayo tayong muli." hinawakan niya ang braso ko at sinapo ko naman ang kamay niya.

"Huli na iyong sa tren." mariin at pinal na ani Kuwai.

"Hindi na iyon mauulit. Roel is not here anymore. Kung magkalayo man tayo, babalik agad ako sa'yo." saad ko at hindi na iyon nadugtungan pa ni Kuwai nang mahagip ng tingin ko ang isang lalaki sa likod niya.

I simply kick that man to get away from us. Lumuwag ang pagkakahawak ni Kuwai sa braso ko nang mas dumami pa ang lumapit sa amin.

"I won't let you get hurt." aniya.

Kuwai effortlessly punch the man who tried to get me. Namilog ang mga mata ko nang makita na agad dumugo ang ilong ng lalaki nang dumapo ang kamao ni Kuwai sa kaniyang ilong.

Kaso nahinto ako sa pagkakatulala roon nang may humatak nang buhok ko. I moaned in pain. Ang pagkakahatak ay biglaan at mahigpit na pakiramdam ko naputol ang ilang hibla ng aking buhok.

Ruling The Last Section (Season 3- Final)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon