Kabanata 248
JacuzziNoong mga sandaling iyon gusto ko na lang rin tumalon para mahawakan si Kuwai ngunit nakakulong ang dalawa kong braso sa kamay ni Daniel.
Hindi ako makagalaw sa sari-saring emosyon na lumulukob sa dibdib ko. Sinisigaw ng puso ko na magpumiglas ngunit pinipigilan ako ng isip, kailangan kong umalis. Hindi ko puwedeng bawiin kung ano na ang napagkasunduan at pinangako ko.
Umagos ang masaganang luha sa mata ko. Tuluyan nang umangat ang helicopter. Halos hindi ko na makita si Kuwai na agad nilamon ng tubig. Idagdag pa ang dilim ng gabi, tanging malalakas na alon na lamang ang nakikita ko.
"Let me go!" sigaw ko at pabalyang nagpumiglas sa hawak ni Daniel. Ngayon, nanaig ng bahagya ang puso.
I hold the corner of the door and tried to see Kuwai despite the tears that keep flowing down my cheeks. Marahas ko iyong pinunasan.
"Ano tatalon ka?" asik ni Daniel at hinawakan ang braso ko pero marahas ko iyong iniwas. Malakas ang ihip ng hangin dahil mataas na rin ang lipad ng helicopter. Imposible na talagang makita ko si Kuwai sa ganoong layo.
Umangat ang dibdib ko sa marahas na pagbuga ng hangin.
"Ano Raiven? Itatapon mo na lang lahat ng hirap at sakripisyo na ginawa namin para makuha ka sa kanila? Hindi ba at ito rin naman ang gusto mo? Ang umalis?!" sigaw ni Daniel. Pumikit ako ng mariin at kinuyom ang kamay. Hinarap ko siya na nanginginig sa nag-uumapaw na galit.
"Sinong nagpaputok?!" mariin ang tinig ko habang nanginginig ang kamaong lumapit para tanongin si Daniel.
He look at me but he didn't answer my question.
Inilibot ko ang tingin at hindi na siya hinintay pang mapigilan ako nang makita ko ang isang matangkad na lalaking may hawak na baril. I immediately inch our distance and they all cursed when I landed a hard punch on his jaw. Natumba ang lalaki at halos mahulog pa sa helicopter kung hindi agad nahawakan ni Daniel ang braso.
"Pigilan niyo siya!" agad na sigaw ni Daniel nang akmang dadagdagan ko ang suntok. Alam na alam niyang kaya kong makapatay ngayon. Dalawang tao agad ang lumapit para umawat sa akin.
"Who fucking told you to pull the trigger!!" I scream. Sinapo ng matangkad na lalaki ang bibig niyang agad na pumutok sa suntok ko. Umismid siya at matapang na tumingin sa akin.
"Kung hindi ko iyon ginawa, tayo ang mamamatay kapag bumagsak ang helicopter!" sigaw niya pabalik. Mahigpit na hinawakan ng dalawang lalaki ang braso ko pero nakapagpalipad pa rin ako ng mga suntok patungo sa panga ng lalaki. He groaned when I hit his jaw this time!
"Tang ina mo!" mura ko at marahas na tinulak ang dalawang lalaki na hinahawakan ako. Bumunggo ang isa sa pinto at bumukas iyon. Pumasok ang marahas na hangin. Habang ang isa tumilapon sa upuan kaya tumagilid ang helicopter. Nagkaingay sa loob dahil sa kaguluhan na nilikha ko. Nagpapanik sila.
"Sige murahin mo ako hangga't gusto mo! Niligtas ko lang ang buhay natin!" napamaang ako. Hanga rin naman ako na may tapang pa siyang sumabat.
"Huwag ka nang sumabat pa!" sigaw ng nagmamaneho ng helicopter. Susugod sana muli ako pero nagmamadaling kumilos si Daniel at may kung anong tinarak sa braso ko bago ko pa madurog ang mukha ng lalaki.
Bumaling ako sa kanya at nakita ang isang syringe na nakatusok na sa braso ko. Natigilan ako. Hinawakan ni Daniel ang likod ko.
"Sleep for now. Hindi makakatulong ang galit mo. Sabay sabay tayong mamatay kung hahayaan kita." ani Daniel at hindi na ako nakapagsalita nang mapasapo sa ulo dahil sa biglaang pag-ikot ng paningin.
BINABASA MO ANG
Ruling The Last Section (Season 3- Final)
General FictionRenesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in her heart and still in the process of healing through the last section's arms, but the wound was start...