Kabanata 263

2K 190 176
                                    

Kabanata 263:
Cell

"Is there something wrong?" tanong sa akin ni Xerox nang dumating siya sa lamesa at napansin na tahimik ako. Pierce is eyeing me silently like he knew what was running on my mind.

"Ayaw mo ba niyan? Ikukuha kita ng bago." ani Pierce nang mapansin na tinitigan ko lamang ang pagkain. Agad akong umiling sa kaniya nang akma siyang tatayo. Hinawakan ko na ang kubyertos.

"Hindi na, Pierce. I'll eat this." saad ko. Nag-angat naman ako ng tingin kay Xerox na senenyasan siyang maupo na.

"Then eat now, Raiven. Kanina ka pa hindi kumakain." saad ni Pierce na hindi rin binabalingan ang pagkain ngayon dahil hindi pa ako nagsisimula.

"Hindi ka pa kumakain, Raiven?" gulat na tanong ni Xerox. Nilapag ang mga pagkain sa lamesa.

"Hindi mo napansin?" Napaangat lahat ng tingin namin sa dumating at nakita ko si Helix. He put his phone inside his pocket as he look at me.

"Kakain na ako." nakanguso ko pang saad bago iangat ang kutsata at sumubo na. Pierce sigh in relief on that.

"Oh? Akala ko hindi ka na susunod. You're so busy calling with someone." natigil ako sa pag-nguya sa pagpuna ni Xerox noon kay Helix na naupo sa tabi niya. Nakatingin siya sa akin. Sumunod naman ang tingin ko kay Helix na agad na bahagyang nagkasalubong ang kilay.

"It's about work." aniya kay Xerox. Nakita ko naman agad ang pagtaas ng sulok ng labi ng isa.

"Nah, it's just your secretary." panunuya niyang saad kay Helix na agad siyang inismiran.

"Your food, Raiven." paalala ni Pierce na parang nakalimutan kong kumain dahil nalibang sa dalawa. Tumango ako sa kaniya at nagpatuloy sa pag-nguya.

"I can't believe you're hitt---" Helix immediately cut Xerox's sentence while frowning.

"Shut up, Xerox. Kumain ka na lang." pigil niya at bahagya pang umismid sa huli. Natigilan naman ako.

"Will you be busy tomorrow, Raiven?" sabay baling niya sa akin nang tuluyang manahimik si Xerox. Bago pa ako makapag-isip ay sumagot na para sa akin si Pierce.

"She'll be busy tomorrow. We'll have an important meeting." aniya kay Helix.

"You're not, Raiven." si Helix at napalingon naman sa kanya si Xerox dahil doon.

"Kumakain siya kaya huwag mong kausapin." striktong sinabi ni Pierce kay Helix at sinulyapan ako na ngumunguya. Biglang nasamid doon si Xerox. Naubo siya at agad namang binigyan ni Helix ng tubig.

"I'll be busy the whole day, Helix." sagot ko sa kaniya habang hinahagod naman ang likod ni Xerox na hindi ko alam kung bakit nasamid.

"Bakit?"

"It's about our mission. Pero nasa headquarters ako buong araw. We need to settle something." saad ko at dahan dahan naman siyang tumango na parang naunawaan iyon. May kaunti nga lamang na panghihinayang sa ekspresyon niya.

"I can't believe you're doing this kind of risky work for years."

"I need to. Isa pa, nakasanayan ko na at masaya naman ako sa ginagawa ko."

"Ikaw, Helix? Do you love your work?" singit naman ni Xerox sa usapan.

"Or do you love your employee?" Xerox burst on laughing after asking it. Nagtiim bagang si Helix na parang naiirita na.

"Ikaw? Do you love someone who always wears a white uniform? " Xerox stopped laughing immediately. Mabilis na sumeryoso si Xerox.

"Don't mention it here." he said coldly. Natigilan ako. Habang ngumisi naman ng nanunuya si Helix.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 2 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ruling The Last Section (Season 3- Final)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon