<Marvin's POV>
Sa School ni Antonnette. May isang sasakyan na humarurot na muntik ng makasagasa ng mga taong tumatawid.
"Ang angas naman nun! Inaangasan ba ko nun?" Inis kong sambit.
"Sino kaya yun. Parang kilala ko yung kotse." Pagtataka ni Antonnette. Lalo akong nainis kasi parang kilala pa niya yun.
"Kilala mo yun? Sino yun? Sabihin mo sakin. Hahamunin ko ng karera yun." Paghamon ko sa kanya.
"Ang yabang mo kahit kelan! Parang lang kako. Di ka ba marunong makaintindi? Saka wala naman akong masiyadong kilalang may sasakyan dito pwera na lang sayo saka kay....." Tigil niya.
"Kaaaaayyy? Sino?" Nagseselos na ko.
"Si Jake. Pero naisip ko anong gagawin nun dito diba?" Punto niya.
"Tama nga naman. Saka naglalaro ng online games yun sa bahay ngayon eh kaya hindi siya yun. Tara hatid na kita." Aya ko sa kanya saka ko siya pinagbuksan ng pinto.
"Uy, Ganda! Bye! Suplada ahh. Nakakotse lang di na namamansin. HUUUUY! Suplada talaga. Cheeeee! Bye Pogi! :>" Bati na lang sakin nung kaibigan ni Antonnette.
Bakit kaya bigla nalang natulala tong babaeng to. Baliw lang eh. Kung hindi ko to mahal baka naturn off na ko sa kanya. Ang weirdo niya bigla bigla na lang siyang natutulala. Remember nung unang usap namin natulala din siya. Hayyys. -____-
"Ang saya mo lang kanina nung paglabas mo ng school. What happened? Bakit parang naging sad ka?" Tanong ko sa kanya. Diko na kasi natiis yung katahimikan. Isang oras kaming babyahe kaya. Hindi pwedeng mabingi ako sa katahimikan nitong kasama ko.
"Wala. May naalala lang ako." Sagot niya.
"So anong sagot mo dun sa ginawa ko kanina?" Tanong ko sa kanya. Ayaw kong matapos tong araw na to na hindi niya ko sinasagot.
Hindi siya umiimik. Parang pinagiisipan niya yung sagot niya. Hinayaan ko na lang siya hanggang makadating kami sa apartment niya.
"Andiyan na po tayo mahal kong binibini." Sabay smile ko sa kanya.
Hindi siya tumingin sakin at hindi pa rin siya bumababa ng sasakyan.
Ng bigla siyang magsalita, "Alam mo, nung una kitang nakita crush na kita. (Kinikilig ako) Ang gaan gaan ng loob ko sayo pero naaasar ako sa kayabangan mo. (Uhmp! Di naman ako mayabang ah..) Pero mabait ka, maalaga at sweet. (Alam ko yunnn ^___^)" Bigla siyang nanahimik. Hinintay ko na lang siya kung magsasalita siya ulit. Yumuko siya at biglang tumingin sakin.
"Pero may mahal akong iba eh. Matagal ko na siyang minamahal ng palihim. Hindi ko alam na mamahalin ko siya ng ganito hanggang sa dumating ka, dun ko napagtanto na siya pala ang tunay kong minamahal. Akala ko nung una crush ko lang siya akala ko sayo ako in-love pero habang tumatagal at ikaw palagi kong nakakasama, siya ang pinipili ng puso ko. Sorry kung hindi pwedeng maging tayo. :(" Bigla siyang lumuha at tuluyan ng umiyak.
Para akong binagsakan ng maraming sako ng bigas sa narinig ko. Parang gumuho ang mundo ko sa narinig ko. First love ko siya. Siya lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Ngayon lang ako nagseryoso. Eto na ba ang karma ko?
"Si - sssi- si nno yu-yung taong yun?" Gumagaralgal na tanong ko. Diko namamalayan lumuluha na ko. Sunud-sunod ang patak ng mga luha ko.
"SINO YUN?! SABIHIN MO SAKIN!!" Sigaw ko sa kanya habang hinahawakan ko siya ng mahigpit sa braso niya. Di ko na napigilan ang sarili ko. Mahal ko siya at ayaw ko siyang mawala kaya gagawin ko lahat mawala lang sa landas niya ang lalaking minamahal niya.
"Si Jaaaaake." Sigaw niya habang umiiyak. Nanlumo ako sa narinig ko. Paano ko magagawang saktan ang sarili kong bestfriend.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Thanks for reading. Dont forget to vote comment and share if you like it. Thank you :)

BINABASA MO ANG
Friendship o Love-life? (EDITING)
RomanceSi Antonette. Simpleng babae, kalog, makulit, cute at mapangasar. Kaya naman tong bestfriend niya na si Jake tuwang tuwa tuwing kasama siya palagi kahit napipikon na siya sa kaaasar ni Antonette. Ikaw ba naman kasing asarin sa ibang babae dika mapip...