Chapter 17: Cry it OUT!

100 4 0
                                    

<Antonette's POV> 

Sa Canteen:

"Huy babae! Sino yun?! Kanina pa ko nagtatanong dito di mo naman ako pinapansin." Inis na sabi ni Michelle habang kumakain ng cupcake. Mabilaukan sana. HAHAHA! Siyempre joke lang.

"Huy! Potek na babae to oo! May kausap pa ba ako dito?" Sabay tingin niya sa padaan na lalaki at hinarang at tinanong, "May nakikita ka bang babae na nakaupo sa harapan ko?" Sumagot yung lalaki, "Oo, bakit?" "Wala makakaalis kana." Taray niyang sagot.

"May kausap pa pala ako akala ko kausap ko na lang sarili ko." Biglang tahimik niya.

"Huuuuuuuuy! Balik mo sakin yan! Di ko pa nasesend yan! Hoy!" Hinablot niya sakin yung cellphone ko, ang dahilan kung bakit di ko siya pinapansin, saka siya tumakbo habang binabasa yung text ko.

"Bestfriendd, pasensya diko nasagot yung tawag mo ahh. May pinuntahan kasi ako ehhh, Nasa school na ko ngayon. Text kita maya, usap tayo ahh. Ingat! I love youuuu~" Malandi niyang tono at binago pa ang pagkabasa sa totoong text ko.

Bigla siyang tumigil sa pagtakbo pero tinaas niya yung kamay niya habang hawak cellphone ko, "Kaya pala di mo ko pinapansin kanina pa. Eto ang dahilan. Akala ko ba galit ka sa kanya? Eh bakit may pa ingat ingat ka pang nalalaman at  I love you huh?! Ikaw haaa!" Sabay tingin niya sakin ng masama na parang nagdududa. "Wala akong sinabing I love you noh! Balik mo na sakin yan, diko pa nasesend yan. OO! Galit ako sa kanya pero diko kayang magalit sa kanya ng matagal eh. :(" Sabay yuko ko. Way na din yun para ibalik niya yung cellphone ko. Di ko pa talaga nasesend yun, baka magalit sakin si Jake. Kakaiba pa naman magalit yun.

"Ok. Bibigay ko sayo to sa isang kundisyon? Sino muna yung papables kanina?" Sabay ngiti niya ng parang baliw.

"Bestfriend nga ni Jake. Balik mo na sakin yan. Kelangan ko na i-send yan. Kuwento ko sayo yung nangyari, bigay mo muna sakin yan." Sabay abot niya sakin ng phone ko at naupo na para bang hinihintay ako magkwento. Kahit kelangan itong babaeng to ang hilig sa chismis lalo na sa mga lalaki. Tsk!

Kinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari. Ayun ang bruha di mo malaman kung kikiligin o maiinis sakin. Bakit di ko pa daw sinagot? Bakit ko sasagutin? May mahal ako iba.

UWIAN NA!!! WAAAH! NAKAKAPAGOD MAGARAL! SALAMAT NAMAN MAKAKATULOG NA KO NITO. BUKAS KO NA GAGAWIN HOMEWORK KO. NAKAKAPAGOD ANG ARAW NA TO.

"Huy bruha! Susunduin ka ni Marvs ngayon diba? Sama ko sayo para makita ko siya." Eto talagang taong to kahit kelan bigla na lang sumusulpot na parang kabute.

Pag-labas namin ng gate nakita namin si Marvin, naghihintay na sakin.

"Uuuuuy, Kilig siya!!! Aminiiiin!" Sabay tulak sakin. Ako naman tong napapangiti na lang bigla. Diko mapigilan ehhhh. :">>

Nag-agaw attention sa buong school yung sasakyan na humarurot na lang bigla na muntik ng makasagasa ng mga taong tumatawid. Angas nun! Pero parang pamilyar sakin yung sasakyan.

"Ang angas naman nun! Inaangasan ba ko nun?" Biglang salita ni Marvin na parang naiinis.

"Sino kaya yun. Parang kilala ko yung kotse." Sabi ko sa kanya. Para kasing pamilyar talaga sakin.

 "Kilala mo yun? Sino yun? Sabihin mo sakin. Hahamunin ko ng karera yun." Paghamon ni Marvin na parang nagseselos.

"Ang yabang mo kahit kelan! Parang lang kako. Di ka ba marunong makaintindi? Saka wala naman akong masiyadong kilalang may sasakyan dito pwera na lang sayo saka kay....." Biglang tigil ko. Naalala ko kasi kanina yung mga missed calls ni Jake. Siya siguro yun. Kaya siguro tumatawag para sunduin ako pero andito si Marvin.

"Kaaaaayyy? Sino?" Pagtataka na tanong ni Marvin.

"Si Jake. Pero naisip ko anong gagawin nun dito diba?" Sabi ko habang iniisip kung siya nga talaga yun.

"Tama nga naman. Saka naglalaro ng online games yun sa bahay ngayon eh kaya hindi siya yun. Tara hatid na kita." OUCH! Ni hindi man lang nagkatotoo yung inisip ko! Nakakainis kahit kelan! Wala na ba siyang pakelam sakin?! Tinuring na bestfriend pero nakakalimot din pala! >.<

"Uy, Ganda! Bye! Suplada ahh. Nakakotse lang di na namamansin. HUUUUY! Suplada talaga. Cheeeee! Bye Pogi! :>" Sumbat ni Michelle. Hindi ako makasagot kasi naiinis akooooo! 

Habang pauwi kami ni Marvin. Nakatulala lang ako buong biyahe kakaisip kay Jake. Hindi man lang niya ko naalala. Bakit niya ko tinatawagan? Para saan? Para ano? Para bakit? PARA PARA! Wala na tayo sa tamang tanong. Ulit ulit! Para saan? Para ano? Para magparamdam lang ganun? Kainis ahh.

"Ang saya mo lang kanina nung paglabas mo ng school. What happened? Bakit parang naging sad ka?" Nabulabog ang isipin ko nung nagsalita bigla si Marvin.

"Wala. May naalala lang ako." Mainahon kong sagot. Sabay tingin sa bintana.

"So anong sagot mo dun sa ginawa ko kanina?" Tanong niya. Bigla kong naalala yung nangyari kanina. Hindi ko pa alam isasagot ko sa kanya. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa kanya.

Kakaisip ko kung paano ko sasabihin sa kanya, hindi ko namalayan nandito na pala kami sa apartment ko. Ayaw kong masaktan si Marvin. Pero mahal ko si Jake eh kaya sasabihin ko na lahat sa kanya ngayon.

Nangyari na ang lahat. Nasabi ko na sa kanya ang lahat. Alam kong nasaktan ng sobra si Marvin. Kitang kita ko sa mga mata niya. Hindi ko napigilan lumuha dahil sa kaisipan na sobra ko siyang nasaktan at sa sobrang higpit ng hawak niya sa mga braso ko. Hindi ko alam kung sasaktan niya ba ako o hindi hanggang sa bitawan niya ako at pinababa ako sa kotse niya.

Pinaharurot niya ng takbo ang kanyang sasakyan. Ako? Eto nakatayo lang sa gate ng apartment ko. Nakatulala. Diko alam kung papasok ba ko o hindi. Hanggang kusa ng naglakad ang aking mga paa papasok at diretcho pasok sa kwarto na para bang may sariling pagiisip ang katawan ko.

Nahiga ako at tuluyan ng bumuhos ang luha ko hanggang sa pagtulog ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Thanks for reading. Dont forget to vote comment and share if you like it. Thank you :)

Friendship o Love-life? (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon