Chapter 8: Who's That Guy? O_O

125 4 0
                                    

[Jake's POV]

It's Sunday morning! Ang ganda ng araw ko. Ang aga kong nagising.

Sinong hindi sasaya? Finally, napapunta ko yung bestfriend ko sa laro ko. Feeling ko na-iinlove na ko ng lubusan sa kanya. Pero kelangan kong iwasan yun para hindi masira pagkakaibigan namin. Baka iwan na lang niya kong bigla. Ano kaya gagawin ko?

Nilibang ko na lang sarili ko para di na ko mamoblema sa kaiisip sa pagtanggal ng nararamdaman ko para sa kanya.

Naglaro ako ng mga computer games. LOL, Dota, DDtank, etc.

*Ding dong* <tunog ng doorbell naman yan) (Gulo noh? hahahaha)

Sino kaya yun? Ang aga namang bisita. Ngayon lang ako nagkaron ng bisita ulit. Hindi naman pedeng si Antonette kasi busy masiyado yun. Hindi naman yung teammates ko natutulog pa yung mga yun.

Pagbukas ko ng pinto. O_____O <expression ko)

"AREN'T YOU SURPRISED THAT I'M HERE?" Sabay pasok niya ng bahay ko kahit wala pa kong sinasabi.

"Ang yaman niyo talaga. Ang laki ng bahay mo. Pwede bang dito ako mag-stay hanggang sa makatapos ako ng college?" Ano daw? dito siya magka-college?

"Anong naisipan mo at umuwi ka ng pinas? Saka bakit dito ka magaaral?" Tanong ko.

"Like what I've said. Dito ako magtatapos ng college. Same school as yours. Magbabasketball din ako. Iniwan mo kaya ako sa America. Wala na kong maka-hang out dun kaya sinundan kita dito." Parang nagtatampo pa habang nagsasalita.

Siya nga pala si Marvin Davidson. 19 years old. Half American Half Filipino. Bestfriend ko sa  America mula pagkabata. Parang kapatid na turingan namin dahil parehas kaming walang kapatid. Makulit din to at kalog. Ayaw niyang nabobored kaya siguro umuwi dito dahil nabobored na din sa America. Marunong din siyang  magtagalog. Hindi siya hinayaan ng mama niya ng hindi matuto magtagalog.

Alam ko na kung paano iwasan ang pagmamahal na nararamdaman ko para kay Antonette. Papakilala ko siya sa kanya. Good idea.

"So what's good dude?" Biglang salita niya. "May papakilala ako sayo." Sagot ko with the big smile.

"Seems exciting." Sabay higa niya sa sofa.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~'

FINALLY MARVIN IS HERE! SIMULA NA NG LIGAWAN, SAKITAN, AT PAGKAKALABUHAN. ANO KAYANG MANGYAYARI NEXT? :D

DONT FORGET TO VOTE COMMENT AND SHARE IF YOU LIKE IT. :)

Friendship o Love-life? (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon