[Antonette's POV]
Ako si Antonette Liong. Half Chinese, half Filipino. Kalog, makulit, cute, sweet at mapangasar.
18 years old. College Student. Working student na din. Simple lang ako. Hindi kami mayaman hindi kami mahirap. Average lang. Nagaaral ako sa public college lang, hindi kasi ako nakapasok ng university kasi hindi naman ako ganun katalino kagaya ng bestfriend ko.
Si Jake Lazaro. Matangkad, gwapo, 19 years old, matalino, matipuno. Nagaaral sa isang kilalang university dito sa pinas. Ang daming babaeng nakapalibot sa kanya. Ikaw ba naman ang gwapo gwapo, ang yaman yaman pa.
Ewan ko kung paano ko naging bestfriend to ang naalala ko lang..
~~~FLASHBACK~~~
1st year highschool. Kinakabahan ako. Bago lang kasi ako sa lugar na to. Lumipat kasi kami ng Maynila nung nagkahiwalay si mama saka yung stepdad ko.
Pumasok ako sa classroom ko. Naupo. Halos lahat sila may kanya kanyang kausap. Forever alone ako. Wala akong kausap. T__T
Nagbell na.
Pumasok na yung adviser namin. "Welcome to our beautiful school freshmen! I'm Miss. Heidi Flores. and just call me Ms. Flores. Ang una kong ipapagawa sa inyo ay tumayo kayo at may sitting arrangement ako para sa inyo para makilala ko kayo agad. Agree?"
"Yes Ma'am" sabay sabay naming sabi.
Nagsisimula na si Ms. Flores sa pagtatawag ng pangalan at pag-aasign. Ang tagal ko gusto ko ng umupo. Kung bakit naman kasi letter "L" pa yung first letter ng last name ko. >.<
At sa wakas natawag na din ako. Sa sobrang bilis mag-arrange ni Ms. Flores diko namalayan yung makakatabi ko nakasunod na sakin. Ang gwapo niya, ang tangkad, matipuno! Nasa heaven na ba ako? O_O Pero mukha siyang suplado. Hindi nakangiti.
"Okay class now let's proceed. Para makilala kayo ng mga classmates niyo. Anong dapat gawin?"
Para kaming grade 1 na tinuturuan dito.
"Introduce ourselves." sagot nung katabi ko. Naks englishero! Natakot ako baka mapasabak ako ng englishan dito. Biglang tumulo dugo sa ilong ko nito.
"Right! Ikaw na mauna chinitong pogi!" sabi ni Ms. Flores na parang nagagwapuhan din sa katabi ko.
"Hi. I'm Jake Lazaro. 19 years old. I came from America. I'm new in this school. Thank you." Wow! Ano daw? Ang bilis niyang magsalita. Yung name lang niya namemorize ko saka yung thank you. O_O
Parehas pala kaming bago dito. Aha! May kasama akong magtutuklas ng iskwelahan na to. *Evil Laugh* HOHOHO!
Kinausap ko siya. *Clear throat* "Hi! I'm Antonette. I'm a new here also. Do you want to go with me to explore the school?" HUH?! Anong pinagsasabi ko? Ako ba si Dora? Para akong nag-aaya ng date. Tae. Nakakahiya! >.<
"Pwede ka naman magtagalog naiintindihan naman kita." Anak ng kabayong buntis oo! Marunong naman pala magtagalog pinahirapan pa kong magenglish!
"Marunong ka naman pala magtagalog pinahirapan mo pa ko mag-english! Sakit ng brain ko dun!" Sagot ko. Sabay peace sign.
Simula nun palagi kaming magkasama at ineexplore ang school. Nakagaanan ko na siya ng loob. Hindi naman pala siya ganun kasuplado. Ang kalog din niya katulad ko. Kaya naman pinakita ko na sa kanya yung super Antonette na kalog at makulit at mapangasar.
Isang araw. Nagpunta kami ng park. Umupo kami sa bench nang bigla niyang nilagay sa mukha ko yung right hand niya na parang makikipagshake-hands sa mukha ko sa sobrang liit ko.
"Bestfriends?" sabi niya. Ako naman walang alinlangang nagisip at sumagot ng bestfriends! ng pagkalakas lakas at niyakap siya.
~END OF FLASHBACK~

BINABASA MO ANG
Friendship o Love-life? (EDITING)
RomansaSi Antonette. Simpleng babae, kalog, makulit, cute at mapangasar. Kaya naman tong bestfriend niya na si Jake tuwang tuwa tuwing kasama siya palagi kahit napipikon na siya sa kaaasar ni Antonette. Ikaw ba naman kasing asarin sa ibang babae dika mapip...