[Antonette's POV]
"Huwag ka ngang mag-inarte diyan. Para namang kidnapper kami kung maka-piglas ka. May pupuntahan lang tayong exciting. ^__^" Sagot ni Marvin. Nanahimik na lang ako habang pasakay kami sa sasakyan. Kay Marvin ata to kasi hindi ito yung sasakyan na gamit ni Jake nung championship nila.
Nakasakay na kami sa sasakyan. Napakatahimik habang papunta kami sa kung saang lupalop ng mundo man yung pupuntahan namin. Nabibingi ako sa katahimikan. Ano ba to nagluluksa kami?
"Buksan niyo nga yung radio. Naiinip ako." Utos ko sa kanila. Parehas kasi silang nasa harapan tapos ako mag-isa lang sa likod. Kawawa naman tuloy ako.
"Please muna." Hirit ni Marvin.
Humarap ako sa kanya saka sinabi, "Pleaaaaaaase? (^/\^)" with puppy eyes. HAHA tignan lang natin kung hindi gumana yan.
Ngumiti siya ng pagkagwapo gwapo na parang matutunaw na ko sa kinauupuan ko nung bigla niyang kurutin yung pisngi ko ng pagkasakit-sakit. ARGH! ><
"BAKIT MO GINAWA YUN?!" Sabay hampas ko sa kanya sa balikat niya. AW! Ako pa ang nasaktan. Bato bato din pala tong halimaw na to. >/<
"Ang cute mo kasi. Wag mo ng ulitin yun kung ayaw mong makurot sa pisngi. ^___^" Saka niya binuksan yung radio.
Radio: "Kadyot lang kadyot lang! ♫♪♫♫♪♪ OPPA GANGNAM STYLE! ♫♪♪" Waaaaah Favorite song ko! Di ako makasayaw dito ! Kainis. >___<
"♫♪♫♫♪♪ Heeeey! Sexy laadyy! Op op..." Argh ba't nawala?
"Andito na tayo." Sabi ni Marvin.
Pagtingin ko sa labas. Woooooow! Ganda dito!! Nasan kami? Ngayon ko lang nakita to ahh. :? Nasa Manila pa ba ako? Pero 30 minutes lang kami bumiyahe papunta dito kasama pa traffic dun. Malapit lang sa apartment ko. Saan to?
"Nasaan tayo?" Tanong ko sa kanila.
"Nasa Eastwood tayo. Taga dito ka di mo alam kung san to? Psh!" Ismid niya. Sungit!
"Ayan na naman kayo. Palagi na lang kayo nag-aaway. Marvin, hindi kasi gumagala yang maganda kong bestfriend saka hindi siya lumaki dito kaya walang alam yan dito sa Manila. Alam lang niyang puntahan yung school, trabaho, at bahay ko. HAHAHA" Sabay pa silang tumawa.
"Akala ko pagtatanggol mo ko isa ka din palang mapang-asar! hmp!" Nakakainis sila.
"Huwag ka ng magalit samin, I'm sure matutuwa ka sa pupuntahan natin." Sabay akbay niya sakin at hinila ako sa pupuntahan namin.
"Tanggalin mo nga yang braso mo sa balikat ko! Nasasakal ako saka si Jake lang pedeng umakbay sakin! Alisin mo!!!!" Pilit kong tinatanggal yung braso niya sa balikat ko pero ang lakas niya talaga ang bigat bigat nung braso niya.
"Huwag mo ng pagpilitan kung ayaw mong masaktan." Sabay ngiti niyang nakakaloko.
Tumakbo ako para maalis na yung braso niya pero nahabol niya ko saka ako niyakap ng mahigpit. Waaaaah! Totoo ba to? Parang bumagal yung takbo ng oras habang nakayakap siya sakin. Biglang bilis ng takbo ng puso ko, critical level na. Sobrang bilis at lakas ng tibok. Ngayon ko lang naramdaman to. Waaaaah! Anong gagawin ko. Ang daming nakatingin samin. Parang eksena lang sa movie!
"Sabi ko kasi sayo wag mo ng pagpilitan eh. Yan tuloy nayakap kita." Sabay tanggal niya ng pagkayakap sakin at inakbayan ako. Feel ko nagbablush ako. Hindi ako makakaalis sa kinatatayuan ko kung di pa niya ko hinatak.
BINABASA MO ANG
Friendship o Love-life? (EDITING)
RomanceSi Antonette. Simpleng babae, kalog, makulit, cute at mapangasar. Kaya naman tong bestfriend niya na si Jake tuwang tuwa tuwing kasama siya palagi kahit napipikon na siya sa kaaasar ni Antonette. Ikaw ba naman kasing asarin sa ibang babae dika mapip...