[Jake's POV]
"Uy! BESTFRIEND! Nadalaw ka! I miss you!" Sabay yakap ko sa kanya. Sobrang namiss ko talaga. Pero anong ginagawa niya dito? Hindi ata siya busy.
"Pasok ka!" Sabay akbay ko sa kanya. Feeling ko lang gf ko siya HAHA! Nakalimutan ko papakilala ko siya kay Marvin pero iniwan lang namin sa pinto. Mamaya na lang. Sarap ng pagka-akbay ko eh. ^___^
"Bestfriend. Ganda nito ahh. San mo nabingwit yan? Galing mo talaga. Bagay kayo." Eto na naman siya, nangaasar na naman. Kahit kelan ang hilig ako asarin nito sa mga magagandang babaeng nakikita niya. Nakakainis!
"Kaibigan ko yan. Yung bf niyan nasa kusina. Sira to." Sabay tingin niya sa kusina. "Sayang ganda pa naman. Bagay kayo. Ayiieh!" Inismidan ko lang siya. Sobrang naiinis na talaga ako sa kanya.
Simula nung highschool. Ganito na siya. Palagi niya akong inaasar sa bawat babaeng makita niya. Malakas din mang-asar eh. Alam niya na napipikon na ko pero di pa rin siya tumitigil. Sarap halikan~
Kesa asarin ko sarili ko papakilala ko na lang siya kay Marvin para matuloy na plano ko.
Sinabi ko sa kanya na may papakilala ako sa kanya. Pumunta kami sa backyard kasi andun si Marvin, nagpapaaraw. Papa-tan daw siya para marami magkagusto sa kanya. Babaero! Di ko alam kung tama ba tong gagawin ko o hindi. Pero bahala na para mawala na din pagmamahal ko kay Antonette.
"Marvin meet Antonette ang pinakamaganda kong bestfriend. Antonette meet Marvin ang pinakagwapo kong bestfriend." Nakita ko si bestfriend na nakasimangot pero biglang ngiti nung nakita si Marvin. Parang tinamaan si bestfriend sa kanya. /Ang sakit. *///*
"Siya ba yung papakilala mo sakin? Maganda siya ahh. Galing mo talagang pumili. I feel like I'm inlove tuloy. Hi ganda!" Sus inlove?! Eh halos yan ang naririnig ko sayo kapag may nakikita kang magandang babae eh. Tsk.
Si bestfriend nakanganga na naman. Sakit na niya ata yun eh. -___-
"Maiwan ko muna kayo diyan huh?" Sabat ko sa katahimikan. Para makapag-usap na sila ng maayos.
Bumulong ako kay bestfriend. "Galingan mo bestfriend. Eto na chance mo. Inlove daw siya. Regalo ko na siya sayo sa pasko." Asar ko sa kanya. Pero kahit asar yun alam ko kinikilig siya. Yan naman gusto niya eh. Edi magsama sila. HAHAHA! Tumatawa ako habang naglalakad palayo sa kanila.
[MARVIN'S POV]
I look on her from toes to head. Wala naman siyang pinagbago sa ibang babaeng nakikita ko. Oo, maganda siya pero average lang. She's not my type but since gusto ata ni Jake na may something samin gagawin ko na lang. Minsan lang humingi ng favor tong bestfriend ko. Kahit di niya sabihin, alam ko favor na din tong ginagawa niya.
"Sooo... Pano kayo nagkakilala ng bestfriend ko?" Tanong ko. Nabibingi na kasi ako sa katahimikan saka naiirita na din ako sa katititig niya. Psh!
"Ahm ehhh. Nung 1st year HS kami. Parehas kaming bago sa school, kinausap ko siya para makipagkaibigan tapos yun palagi kaming magkasama. Tinitignan namin yung bawat sulok ng school hanggang sa magkagaanan na kami ng loob....." Pinagpatuloy niya yung kwento niya pero hindi ko na lang siya pinakinggan. Busy ako nagpapa-tan dito. Istorbo!
"...Tapos sabi niya bestfriend so sabi ko bestfriend! Sumigaw pa nga ako nun ng pagkalakas lakas malamang nabingi siya nun. HAHA! " Cute pala to kapag tumawa eh. Napansin ko tuloy siya.
"Ilang taon kana?" Tanong ko. "18 na ko, ikaw?" sagot niya.
"19 na ko. Magkasing edad lang kami ni Jake."
"Oh, paano kayo nagkakilala?"
"Yung dad ko saka yung dad niya are business partner. Sinama ako ni dad sa company niya tas andun din si Jake. Sabi ng mga daddy namin maglaro daw kami. Kaya yun naging friends na kami. Kaya tuwing may meeting palagi kaming kasama para maglaro kami. Kaso di pedeng palagi kaming kasama kaya nagdecide silang pag-aralin kami sa iisang school. Simula nung namatay yung mama niya palagi na kaming magkasama. Magkapatid na turingan namin kasi parehas kaming walang kapatid. Hanggang sa tumanda kami na hindi naghihiwalay ng school gang sa maghigh school kami umuwi siya dito sa pinas. Iniwan niya ko sa America. Kaya netong College na. Parang di na ko masaya kaya sinundan ko siya dito."
Minsan lang ako magkwento ng ganun kahaba. This girl is amazing. There's something in her. Biglang gaan ng loob ko sa kanya dahil lang sa tawa niya.
"Oh! Namatay yung mama niya? Bakit diko alam yun? Parang gulat pa siya.
"Anong klaseng bestfriend ka kung di mo alam yun? Kinuwento ko pa naman sayo yun akala ko alam mo na. Konti lang pinagsasabihan ni Jake nito yung mapagkakatiwalaan lang niya pero bakit di niya kinwento sayo?" Inis kong pahayag. Bakit ba kasi di sinabi sa kanya ni Jake?
Nakita ko si Antonette ang layo ng tingin parang malungkot. Nakasimangot eh. Kahit pala nakasimangot to maganda din. Pero bakit biglang tahimik niya? Kanina lang di mo mapatigil sa pagdaldal to eh.
Tinulak ko siya ng bahagya. "Ayos ka lang?" Sabay balik sa kalawakan ng pagiisip niya. Ngumiti siya. Ganda niya talaga. "Uy! Punta ka sa work ko. Masarap kape namin dun. Tanungin mo si Jake pano pumunta dun noh?! Hintayin ko kayo dun. Uwi na ko maggagabi na din kasi eh. Maaga pa pasok ko bukas. Bye!"
Ay ano ba yan? Ganito ba talaga to bigla na lang mang-iiwan? Nabitin ako dun ah. Pero bibisitahin ko na lang siya sa work niya. Tatanungin ko na lang si Jake mamaya. Magpapa-tan pa ko dito bago lumubog ang araw. Dapat gwapo ako pagpasok ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
DONT FORGET TO VOTE COMMENT AND SHARE IF YOU LIKE IT THANK YOU :]

BINABASA MO ANG
Friendship o Love-life? (EDITING)
RomanceSi Antonette. Simpleng babae, kalog, makulit, cute at mapangasar. Kaya naman tong bestfriend niya na si Jake tuwang tuwa tuwing kasama siya palagi kahit napipikon na siya sa kaaasar ni Antonette. Ikaw ba naman kasing asarin sa ibang babae dika mapip...