[Jake's POV]
Time Check: 5:00pm
Ang tagal naman matapos ng practice namin. Gusto ko ng puntahan si Antonette. Minsan lang yun umoo kapag sinasabi kong pupuntahan ko siya.
*Prrrrrrrrt~ <tunog ng whistle yan sa basketball)
"Practice dismiss! Nice job team! See you tomorrow! Huwag kalimutan next week na ang championship. Kaya keep on practicing para magchampion ulit tayo."
Sakto! Alam ko ang idadahilan ko kung bakit ko siya pupuntahan. Malamang tatanungin ako nun kung anong naisipan ko at dinalaw ko siya. Parang di kami magbestfriend kung magtanong. Minsan may pagkamasungit din yun eh. Sarap halikan. ^____^
Nagbihis na ko ng sobrang bilis. Daig ko pa si superman kung magpalit ng damit. Minsan ko na lang kasi siya makita kaya diko na palalagpasin to.
"HAHAHAHA! Tignan mo tong si Jake, parang may lakad sa sobrang bilis magbihis. San ba punta mo pare at nagkakandapa dapa ka na diyan sa kamamadali? Kay sino kasi yun?" Sabi nung isa kong ka-team mate.
"Si Antonette! HAHAHA! Ano kaya pinakain ng babaeng yun sa kanya at nagkakaganyan siya." Sagot naman ng isa.
Kilala nila si Antonette kasi madalas siya lang kinukwento ko kapag tinatanong nila ko kung may gf na ko. Sa sobrang dami kasi ng nagkakagusto sakin, parang araw araw na lang tinatanong nila ko kung may gf ako. Kasi palagi akong maaga umuuwi kapag tapos na ang practice. Hindi kasi ako makapaghintay i-text si bestfriend kahit di nagrereply. Pinapaload ko naman siya kaso kinabukasan na nagrereply. :(
Tapos na ko! On my way to Antonette's work. I can't wait to see her beautiful brigthening glooming face kahit haggard look pa siya. (=^‥^=)
Feel ko nagba-blush ako. Nagiinit kasi mga pisngi ko. Dinaig ko pa babae sa sobrang kilig ko. Kasi naman eh! Namimiss ko na si Antonette talaga. =.=
[Antonette's POV]
Time Check: 6:30pm
Ang tagal naman ng unggoy na yun. Naiinip na ko kakahintay. Wala pa kaming gaanong costumer.
Ano na kaya hitsura niya? Matagal tagal na din nung huli ko siyang makita. Siguro gumwapo siya lalo. Tumangkad, naging hunk na. Sarap niya siguro yapusin. Tas yung mga abs niya sarap siguro titigan. ^___^ Ay bad! Sarili kong bestfriend pinagnanasaan ko.
*beep beep~ <busina ng kotse)
Ayan na siya! OMG! Ang lakas ng tibok ng puso ko. Parang sasabog! Ay ano ba to! Para namang prince charming lang. Antonette! Maghunos dili ka! Bestfriend mo yan! Nakuuu! Kung bakit naman kasi naging bestfriend ko pa siya. Sana naging prince charming ko na lang siya.
Ayoko masira friendship namin. Kaya hangga't maaari kailangan kong pigilin tong nararamdaman ko para sa kanya.
Pagtingin ko sa kanya. Pababa na siya ng kotse. Ayan na! Parang telenobela lang slow motion yung pagbaba niya. :)))
@__@ <Expression ng mukha ko)
Si Bestfriend ba yung nakikita ko? Kinurap kurap ko yung mga mata ko para malaman ko kung di ako nagkakamali sa nakikita ko.
SIYA NGA!!
Gumwapo siya. Naging bato bato na yung katawan niya. Tas lalo siyang tumangkad. Diko na maabot yung mukha niya. Nakaka-inlove. ♥____♥
"Huy bestfriend!" Inalog alog niya ko at sinarado yung bibig ko. Diko namalayan nakanganga na ko. Nakngtipaklong naman! Nakakahiya! >/<
"Coffee ko. Alam mo na yun." Sabi niya.
Sa coffee shop kasi ako nagtatrabaho.
Black coffee ang palagi niyang inoorder. Ewan ko kung bakit yun ang favorite niya. Ang pait pait nun eh. Gusto pa niya 1tbsp of sugar lang. Kapag 2tbsp, naku yung mukha niya di na maipinta. Alam na alam niya yung lasa. bakit kaya takot sa asukal to?
Naalala ko nung unang pasok ko sa work ko pumunta siya at umorder ng black coffee. Usually ang black coffee namin is 2tbsp of sugar. Nung sinerve ko na sa kanya galit na galit siya. Ano bang malay ko kung anong klaseng black coffe hinihingi niya. Sa susunod daw 1tbsp of sugar ang ilalagay ko.
Sa takot kong makita ulit ang malademonyo niyang mukha (HAHAHAHA yes~ demonyo, kung makatingin kasi para akong pinapatay sa isip niya.) Sinunod ko yung utos niya. Ang sama noh? Para akong katulong niya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
Friendship o Love-life? (EDITING)
RomanceSi Antonette. Simpleng babae, kalog, makulit, cute at mapangasar. Kaya naman tong bestfriend niya na si Jake tuwang tuwa tuwing kasama siya palagi kahit napipikon na siya sa kaaasar ni Antonette. Ikaw ba naman kasing asarin sa ibang babae dika mapip...