Chapter 19: Decisions

153 8 1
                                    

Antonette's POV

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!! Bakit hindi ako makatulog? Paguwi ko naman nakatulog ako ahh. Bakit bigla akong nagising? Nakakainis naman." Sabay higa ko ulit. Nagbabasakaling makabalik ako sa pagtulog ko.

Baling sa kaliwa.

Baling sa kanan.

Tihaya.

Dapa.

♪♫ OPPA GANGNAM STYLE HEEEEEEEY! SEXY LEYYDEEE! 

"AAAAAH! PALAKANG BUNTIS!!" Sigaw kong sambit. Pagtingin ko sa phone ko, si Michelle tumatawag. Yaman ahh nakaunlimited call! Nakakainis! Papatayin pala ako sa takot ng buset na babae na to! KABUTE kahit kelan!

"Hello?!!! Gabing gabi na ah? Napatawag ka?? Ginulat mo ko sa tawag mo!" Galit kong sagot sa kanya.

"Galit galit? Chillax baks! Tumawag si boss sakin kanina, may pasok na daw tayo this Saturday." Sagot niya.

"Ohh. Mabuti yun! Nang mawala na stress ko sa buhay. This past few weeks kasi nastress ako dahil sa sobrang boring. Walang trabaho at magawa. Sumasabay pa lovelife ko kahit wala." Pagdadrama ko.

"Ako din gerrrl! Need ko na din magwork. Nasstress na din ako sa buhay ko. Nagbreak na kami ng boyfie ko." Nangangarasgas yung boses niya habang sinasabi niya yun.

"Oh anong nangyari?!! Since 1st year High School kayo na diba? Akala ko ba walang iwanan? Bakit kayo nagbreak?" Pagaalala ko. Pagkakaalam ko kasi mahal na mahal nila ang isa't isa. Walang araw na di sila magkausap. Sila na ata ang pinakasweetest na couple na nakita ko!

"Hindi niya ko sinundo ngayon. Text ako ng text tapos bigla akong hinatak ng kaibigan ko. Tapos hinarap niya ko sa isang shake parlor. Tinuro niya yung lalaking nakatalikod na nakaupo sa loob ng shake parlor na may kaakbay na babae. Nagtaka ako kung bakit niya sinasabi sakin yun tinanong ko siya kung sino yun tapos sabi niya tignan ko lang daw. Nakacross pa yung mga arms niya nung sinabi niya yun at parang galit diko alam kung bakit. Hintay kami ng hintay dun sa couple na lumabas. Nagyakapan at naghalikan at lahat lahat na ng mga gawain ng couple na private nakita na namin. Hanggang sa makita namin kung sino yung lalaki. Yung boyfriend ko, may girlfriend na iba. Siyempre di ako nagpahalata, umuwi ako at nagunli call para tawagan siya at makipagbreak. Kahit masakit, dignidad ko naman noh geerl! Diko hahayaang tapakan niya. LETCHE SIYA! ISA SIYANG MALAKING SALOT SA MUNDONG ITO! DAPAT SA KANYA PINAPALAYAS SA MUNDONG ITO!!!!!" At dun na nagsimula. Dun ko na narinig na umiiyak siya. Actually humahagulgol na siya hanggang sa marinig kong humihilik na. WOW AH! Bilis ahh.

Binaba ko na yung phone. Nagisip. Sana katulad na lang ako ni Michelle na ganun lang kadali matulog. Na sa ganun paraan nailalabas ko yung mga sakit ng nararamdaman ko at pagkatapos wala na. Tapos diko na alam kung anong iisipin hanggang sa mawalan na ko ng malay at tuluyan ng makatulog.

Jake's POV

Time Check: 5:00 PM

"Grabe ang tagal ko na palang natutulog kaya pala ang sakit ng buong katawan ko." Bumangon na ko sa kama at naghilamos.

Hinanap ko agad si Marvin para magpasalamat sa kanya. Wala akong time kagabi para magpasalamat sa kanya sa pagpaparaya niya sakin ni Antonette.

Naikot ko na buong bahay pero wala pa din siya. May pinuntahan ata siya. Pumunta na lang ako sa kusina para maghanap ng makakain nang may mapansin ako sa refrigerator.

Note from Marvin:

"Brad, by the time you'll read this, I'll probably in plane already.

I thought it would be hard to move on if I live here in Philippines.

I guess I have to go back in America even I didn't want to. I just want

to relax and heal this broken heart of mine. Kaya siguro hindi ako

nagka-chance magtry out kasi this would happened. It was meant to

be. Hayaan mo, makakamove on din ako. Soon. Watch! Don't worry 

about me. Ang gusto ko lang ngayon ay alagaan mo si Antonette.

Kapag hindi, mapapatay na kita kapag nalaman kong sinaktan mo siya.

Pero joke lang yun. Ingat ka brad. Wag mo kong mamimiss  masiyado ahh?"

"HAHA! Kahit kelan to. Ang cool kahit nasasaktan na nagagawa pa ding magpatawa. Sorry kung inagaw ko sayo yung taong nagpatino sayo pero pinaraya mo naman siya eh pero sorry talaga. Sana makapagmove on kana. Salamat talaga."

Binalik ko ulit yung note sa fridge at naghanap ng makakain. Itlog at hotdog lang nakita ko. Pambansang ulam. Ito na lang kakainin ko.

Habang kumakain, naisip ko bigla si Antonette. Kamusta kaya siya? May mukha pa ba akong maihaharap sa kanya? Parang nahihiya na ko. Pero di pa naman niya alam na mahal ko siya eh so I will act normal na lang sa kanya. Next week bisitahin ko siya. For now, text ko muna siya para kamustahin.

Marvin's POV

Mahal ko siya pero mahal ko din bestfriend ko kaya siguro kelangan ko umiwas para sumaya sila. (It was Marvin!!! Remember? From Chapter 15? Someone's POV? ^__^)

Pagkapasok ko sa kwarto, binuksan ko agad yung laptop ko saka naghanap ng plane ticket para makabalik ako agad ng America bukas. Kinuha ko yung first class at 11 AM. Pagkatapos ko magpareserve ng ticket, nagimpake ako agad.

It was 6 AM already. 7 AM, I'm leaving the Philippines already. Bago ako umalis nagsulat ako ng note para kay Jake. Diko siya tinext kasi baka magising at pigilan ako sa pag-alis ko masira pa plano ko. Si Antonette ang tinext ko para sabihin sa kanya ang nararamdaman ng bestfriend ko. Ayaw ko naman mangyari yung nagparaya ako at nasaktan lahat tapos hindi sila magkakatuluyan. Sayang effort, luha at pagpaparaya ko kung nagkataon.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ATTENTION! THE LAST CHAPTER IS FOR FOLLOWERS ONLY. IF YOU WANT TO READ THE FINALE, KINDLY FOLLOW ME AND REFRESH YOUR PAGE THEN YOU CAN READ IT HERE >> http://www.wattpad.com/16398705-friendship-o-love-life-chapter-20-finale#.UYTDr7WG0rU

THANK YOU! PLEASE DONT FORGET TO VOTE COMMENT AND SHARE IF YOU LIKE IT!

Friendship o Love-life? (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon