Chapter 11: Walang tiwala? :(

135 6 0
                                    

[Antonette's POV]

"Bayad po manong." Abot ko sa jeepney driver habang nagiisip ako.

*Konti lang pinagsasabihan ni Jake nito yung mapagkakatiwalaan lang niya*

* yung mapagkakatiwalaan lang niya*

 *yung mapagkakatiwalaan lang niya*

*mapagkakatiwalaan lang niya*

*mapagkakatiwalaan lang niya*

mapagkakatiwalaan lang niya*

MAPAGKAKATIWALAAAAAAAN.

"ARRRRRRRGH! SUMASAKIT NA ULO KO!!!" Biglang huminto yung jeep. Ang tagal namang umandar.

"Miss bababa kaba?" Sabi ni manong driver. Dun ko lang napag-tanto na malakas pala yung pagkasabi ko nun.

"Ay hindi pa po. Pasensya po." Sabay ngiti ko kay manong. Umiling na lang siya. Kahiya naman. Buti na lang dalawa lang kaming pasahero niya.



(Inisip ko na naman yung nangyari kanina) Totoo ba yung sinabi ni Marvin? So hindi ako pinagkakatiwalaan ni Jake? Bestfriend niya ba talaga ako? Sabagay bestfriend niya lang naman ako di naman niya ko kapatid o ano para pagkatiwalaan niya ng ganun pero kaya nga sinabing bestfriend diba para pagkatiwalaan? Pero sino nga ba ako? Pero bestfriend niya nga ako. AY ANG GULO! SAKIT SA ULO!

"Para po." Nagiisip ako nung biglang umandar yung jeep. Nakakainis kasi, bakit di niya ko pinagkakatiwalaan? AH tigilan ko na nga to.

Pagtingin ko sa daan. WAAAAAAAAAH! LAGPAS NA KO!

"MANOOOOOOOOOOOOOONG! PARAAAAAAAAAAAAA POOOOOOOOO!"

*BOOOM!*

Kaninang nasa dulo ako ng jeep. Nasa tabi na ko ni manong. Napasobra na naman ako sa sigaw.

"Ano ka ba ineng? May problema ka ba sa pandinig? Abay aatakihin ako sa puso sa ginagawa mo niyan eh." 

"Sorry po, may problema lang."


"Kung may problema ka, wag mong iisipin kapag nasa publiko ka kasi hindi lang ikaw ang mapapahamak kundi pati nasa paligid mo. Paano kung tumawid ka tas nagiisip ka edi nasagasaan ka naperwisyo pa yung sasakyan."


"Hala si manong. Akala ko concern, sa sasakyan pala concern."


"Eh ako eh ineng nagbibiro lamang. Eh siyempre concern din naman ako sa iyo. Sinabi ko lang iyon eh para mawala yang iniisip mo."


"HAHAHAHAHAHA! Manong salamat po! Pano po baba na ko nasa gitna po tayo ng kalsada eh nagagalit na po yung mga sasakyan sa likod."

Friendship o Love-life? (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon