Marvin's POV
Nasa bahay nako. Nakita ko si Jake sa labas, umiinom. Nagdilim paningin ko habang papalapit ako sa kanya.
Konting konti na lang malapit na ako sa kanya at masusuntok ko na siya. Nawala na sa isip ko ang pagkakaibigan namin. Ang tanging naiisip ko ngayon ay siya ang dahilan kung bakit hindi ako makuhang mahalin ni Antonette. Hindi ko alam kung nasasapian ako ng demonyo dahil hindi ko macontrol ang isipan ko. Gusto ko lang gawin ay ang masuntok siya hanggang sa manghina siya.
Susuntukin ko na lang siya nang bigla siyang tumingin sakin. Napatigil ako sa nakita ko. Hindi naman siya ganito dati ahh. Natauhan ako sa hitsura niya. Naawa ako bigla sa nakikita ng dalawa kong mata.
"Anong nangyari? Why are you crying?" Mainahon kong tanong sa kanya. Walang tigil ang pagluha niya habang umiinom siya.
Kumuha ako ng isang bote ng alak sa ilalim ng lamesa at sinaluhan siya sa pag-inom. Hinintay ko lang siya magsalita dahil alam ko mas malaki problema niya kesa sa problema ko. Kahit galit ako sa kanya, bestfriend ko pa din siya. Hindi ko kayang nakikita siyang ganito. Ganitong-ganito ang hitsura niya nung kinuwento niya sakin yung pagkamatay ng mommy niya.
"Mahal mo ba siya?" Tanong niya habang siya ay naka-yuko. Hindi ko alam kung sino tinutukoy niya.
"Sino brad?" Balik kong tanong sa kanya. Gusto ko makasiguro kung sino tinutukoy niya.
"Si Antonette. Mahal mo ba talaga siya? O isa lang siya sa mga pinaglalaruan mo? Alam mo naman bestfriend ko yun. Ayokong nasasaktan yun. Mahal ko yun eh. Mahal na mahal.Pero sa nakikita ko kasi parang minamahal ka na niya. Kaya ipapaubaya ko na lang siya sayo pero gusto ko makasigurado kung mahal mo ba talaga siya." Wika niya sabay tingin niya sakin ng seryoso at suminghot. Hanggang ngayon di pa rin siya tumitigil sa pagluha. Na-shock ako. Kasi diko akalain na ganito niya kamahal si Antonette. Iniiyakan niya dahil lang mahal na mahal niya. Nag-init din ulo ko dahil pareho silang nagmamahalan pero sa tuwing mapapatingin ako kay Jake na lumuluha, di ko maiwasan na maawa.
"Oo naman brad. Mahal ko bestfriend mo. I will honestly say, nung una trip ko lang paglaruan siya pero habang tumatagal, unti-unti na kong na-fall in love sa kanya. Hindi ko alam paano, saan, kailan at bakit. Basta isang araw, all I know is, mahal ko na siya." Pagpapahayag ko at uminom ng alak nang diko namalayan ubos na pala agad yung isang bote na kanina lang ay puno.
Kumuha ulit ako ng isa pang alak at naubos ko na lahat hindi pa rin nagsasalita si Jake. Nakatingin lang siya sa malayo na tila nagiisip. Hanggang sa huling inom niya at bumuka ang kanyang bibig, "Sinabi ba niya sayo na mahal ka din niya?" At sa muli, pumatak na naman ang kanyang luha.
Hindi ko alam isasagot ko sa kanya. Bumalik sa isipan ko yung mga sinabi sakin ni Antonette, gusto daw niya ko pero etong lalaking kaharap ko ang mahal niya. Bumuntong hininga muna ako bago ako sumagot, "Gusto daw niya ko...." "That's all I wanna hear. I'm happy for you. Nahanap mo na yung babaeng mamahalin mong tunay. You should thank me." Sabay smile niya sakin habang walang tigil sa kapapatak ang kanyang mga luha. Nasisiraan na ata ng ulo tong kaibigan ko. Hindi pa ko tapos magsalita eh.
"Pero brad. May problema eh." Pagbasag ko sa katahimikan namin. Mga limang minuto din siguro kaming tumahimik habang pinapakinggan namin ang pagluha niya. Sa ganun paraan kasi alam ko naibubuhos ni Jake ang sakit na nararamdaman niya.
"Ano naman yun? Huwag mong sabihin na nakabuntis ka? ABA! Masasaktan si Antonette niyan!" Galit niyang sambit. WOW ahh~ Protective.
"Hindi brad. Ganito kasi yan eh. Uhmmm. How should I start this? Uhmm. Ganito kasi eh. Gusto niya ko pero iba ang mahal niya. Iba tinitibok ng puso niya. Iba ang nagpapasaya sa kanya. In short, "Crush" lang talaga ako. Paghanga. Crush. Masakit eh. Di ko tanggap." Hindi ko namamalayan, lumuluha na din ako.
Ginawa ko lahat ng makakaya ko hanggang sa tumigil ang luha ko sa pagpatak at tumingin sa kanya at muling nagsalita, "Ang totoo niyan, ikaw ang mahal ni Antonette. Ikaw ang pinili niya kesa sakin." Nakita ko ang expression ni Jake, tila gulat na gulat siya sa mga narinig niya. Tuluyan ng bumuhos ang luha ko. Hindi ko alam kung tatawagin kong bakla ang sarili ko o tunay na lalaki dahil lang sa babae napapaiyak ako ng sobra.
Hindi ko alam kung tama ba tong gagawin ko o hindi pero nakapagdesisiyon na ko na sabihin ang dapat kong sabihin.
"You know what? It hurts so much. You know that I've never ever been this crazy with girls. Ako palagi ang nagpapaiyak sa mga babae diba? Ako yung hinahabol. Ngayon, ako ang naghahabol at ako yung umiiyak. Ngayon lang ako nagkaganito. Ang masaklap pa dun, parehas nating mahal yung babaeng nagpatino sakin. Pero anong magagawa ko? Ikaw ang mahal niya. Mas matimbang ka. Hindi ko tanggap brad. Lahat ng pwede kong gawin na masama, naisip kong gawin sayo para lang mawala ka sa landas namin at matutunan akong mahalin ni Antonette. Pero hindi ko ginawa or should I say hindi ko magawa. Kaibigan kita eh. Hindi lang basta kaibigan, bestfriend kita. Higit pa sa isang kapatid ang turing ko sayo. Sanggang dikit tayo eh. Kaya kahit masakit para sakin, ako yung magpaparaya. You deserve to be happy. Sayo nararapat si Antonette, hindi sakin na manloloko. Karma ko to eh. Kelangan ko lang tanggapin. Alagaan mo si Antonette ahh. Sayo na siya. Ako naman ang magagalit kapag sinaktan mo siya. Pinaubaya ko siya sayo kaya alagaan mo siya ng mabuti ahh." Sabay tayo ko at tapik sa likod niya. Inubos ko na yung alak na iniinom ko at saka ako pumasok sa loob ng bahay habang pinupunasan ko ang mga luha ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
THANKS FOR READING. DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, AND SHARE IF YOU LIKE IT. THANK YOU! :)
BINABASA MO ANG
Friendship o Love-life? (EDITING)
RomanceSi Antonette. Simpleng babae, kalog, makulit, cute at mapangasar. Kaya naman tong bestfriend niya na si Jake tuwang tuwa tuwing kasama siya palagi kahit napipikon na siya sa kaaasar ni Antonette. Ikaw ba naman kasing asarin sa ibang babae dika mapip...