[Antonette's POV]
"Eto na po ang BLACK coffee niyo sir. Enjoy!" sabi ko with matching pa-cute. Alam ko kasi may problema na naman to kaya napakatahimik nito. Kaya siguro pinuntahan ako nito para may mapagsabihan.
Humigop siya ng kape at nagsimulang magsalita. "Alam kong tatanungin mo na naman ako kung anong ginagawa ko dito kaya bago ka pa man magsalita sasabihin ko na sayo na next week na ang championship namin at DAPAT andun ka kung hindi! Hindi na kita kakausapin kahit kelan , hindi na rin tayo magiging bestfriend kalimutan na! Ilang beses na kitang pinapapunta kahit sa championship lang okay na ko pero hindi ka pumupunta alam mo ba kung gaano nakakatampo yun? HUH? Hindi mo alam kasi busy ka. Kaya ngayon sinasabi ko na sayo para alam mo, kaya dapat kang pumunta sa ayaw mo at sa gusto! Gets?!"
ANO DAW?! CHAMPIONSHIP NILA? NEXT WEEK? KAPAG HINDI AKO PUMUNTA? HINDI NA KAMI BESTFRIENDS?! Nakakatakot naman. Busy kami next week, darating yung may ari ng shop namin para i-check yung shop. Patay! Paano na yan? Dapat pumunta ko. :(
Ayoko mawalan ng bestfriend. Siya na nga lang sandalan ko at parang pamilya ko dito sa Maynila eh simula nung hayaan na ko ni mama magsarili.
Para di ako makapunta nagkunwari ako. "Anong sabi mo? Ang dami naman masiyado nun. Ang bilis bilis mo naman kasi magsalita. Diko tuloy nakuha lahat ang narinig ko lang yung championship." Sabay simangot para tumalab. HOHOHO! *EVIL LAUGH*
"In short. Pumunta ka sa championship kung hindi.... Pagsisisihan mo. Next week na yun. Saturday. Bye!" Sabay bigay ng 500 at umalis na siya. >___<
ANO BA YAN!!! HINDI AKO NAKALUSOT DUN! Halatang galit siya. :((( paano na yan?????
~AFTER A WEEK~~ THE DAY OF CHAMPIONSHIP
Time Check: 7:00 am
*Ding dong<tunog ng message remember?)
"Pumunta ka ah. Kung hindi pagsisisihan mo! mamayang 2pm! See you! :)" Amp! Tae! Umagang umaga problema na agad.
Nagready na ko for work. Habang nagbibihis pinoproblema ko paano ako makakapagpaalam sa boss namin. Hanggang 5pm daw kame magwowork ngayon. Paano yan. :(
~AT WORK~~~
"Huy Antonette! Kanina mo pa pinupunasan yang lamesa na yan kulang na lang kumintab na yan. Ano bang problema mo at tulala ka diyan?" Si Michelle nga pala. Katrabaho ko. Working student at kalog din. Kaso panira ng moment to eh. Iniisip ko yung problema ko bigla na lang manggugulat.
"Micchhhellleeee! Tulungan mo ko T___T! Ngayon ang championship ng bestfriend ko sa basketball. Gusto niya kong pumunta kapag hindi daw ako pumunta hindi na kami bestfriend at kalimutan na. Palagi kasing hindi ako pumupunta sa championship nila. Ayoko mangyari yun pero hanggang 5pm tayo magwowork ayoko din mawalan ng trabaho." Nangingilid na luha ko at nangangarasgas na yung boses ko. Ganun kahalaga si Jake sakin. Ayoko siyang mawala.
Tumawa lang siya. Mapang-asar din eh noh. Sabay sagot. "Ano ka ba?! Pede ka naman mag-day off bakit dika na lang nag-day off? Kahit na pumunta dito boss natin hindi naman nun matatandaan kung sinu-sino mga workers niya at wala siyang pakelam as long as maayos yung takbo ng shop at malinis. Saka isa pa hindi ka pa nagdeday off! Anong pinoproblema mo diyan?! Kahit kelan talaga hina ng kokote mo. Iwan na nga kita diyan! Teka! Tigilan mo na yang kakapunas mo ng mesa na yan baka kumintab yan at pagagawan ng customer maloka pa ako dito. Saka umalis kana sabihin ko na lang sa manager natin yung pagalis mo. Ako ng bahala sayo. Goodluck!"

BINABASA MO ANG
Friendship o Love-life? (EDITING)
RomanceSi Antonette. Simpleng babae, kalog, makulit, cute at mapangasar. Kaya naman tong bestfriend niya na si Jake tuwang tuwa tuwing kasama siya palagi kahit napipikon na siya sa kaaasar ni Antonette. Ikaw ba naman kasing asarin sa ibang babae dika mapip...