Chapter 13: Magnanakaaaaaw~

96 4 0
                                    

[ANTONETTE'S POV]

"Haaay. Grabe nakakapagod ang araw na to. Matutulog na lang ako. Sa Friday pa naman test namin eh."Sobrang busog ko. Ngayon na lang ulit ako nakakain ng ganung kasarap na pagkain. Puro ako lang kasi nagluluto ng mga kinakain ko minsan di na ko kumakain kakasawa na kasi yung puro prito saka para tipid na din sa budget. ^___^

*KRIIING KRIING KRING* <tunog ng phone kapag may tumatawag> :DD

+639666666666's calling

"Anong klaseng number to?"

"Hello? Sino po ito?"

"Hello beautiful. Akala mo ba makakaligtas ka na lang ng ganun ganun? Hindi ahh. May bukas pa. Gagambalain kita araw-araw. HAHAHAHA!" *BEEP* 

Argh! Sino yun?! Naman oh. Nakakatakot naman. Mag-isa pa naman ako dito sa bahay.

"Bestfriend, pwede makitulog sa inyo? Natatakot kasi ako dito." Kapag sinend ko to, makikita ko si Marvin tapos ma-aasar lang ako ah wag na nga lang. Lock ko na lang lahat ng dapat i-lock. 

-delete-

Time Check: 8:00 PM

Gabi na. Inaantok na ko. Makatulog na nga.

~BOOM!~

Nagising ako sa napakalakas na ingay na nanggagaling sa kusina. Ano kaya yun?

Time Check: 12:00 am

Gabing gabi na ngayon pa mangiistorbo kung ano mang bagay yun.

~BOOM~ ~BOOM~ ~BOOM~

Nagsimula na kong matakot nung nagsunod sunod na yung kabog.

Teka nasaan ba yung baseball bat na binigay sakin ni bestfriend? Binigay niya sakin yun para daw kapag may magnanakaw mapagtanggol ko sarili ko.

Ayun nasa gilid ng aparador. Kinuha ko saka ko binuksan yung pinto ng kwarto ko ng dahan dahan.

Naririnig ko pa din yung kumakalabog. Diyos ko bakit sakin po nangyayari to? Hindi po ako mayaman anong nanakawin nito sakin?

Habang papalapit ako sa kusina, biglang bumukas yung pintuan sa likuran. Natatakot na ko kaya nagtago ako sa ilalim ng lamesa.

Pumasok na yung taong nagsira ng pintuan ko sa kusina. Habang naglalakad apat na paa ang nakita ko. Dahan-dahan silang pumapasok...

Hindi ko alam paano ko sila hahampasin ng hawak ko. Walang silbi! Hawak hawak ko lang.

Habang naglalakad sila. Nakita ko papunta silang sala at patungo sa kwarto ko. :OOO

Ako ang kailangan nila hindi mga gamit. Paano na to paano ako makakalabas ng bahay? Ang layo ng pinto.

Para may silbi tong baseball bat na to ihahampas ko sa kanila. Timing lang! Timing!

Dahan dahan akong lumabas sa ilalim ng lamesa. Nakita ko sila papasok na ng kwarto ko. Dapat mahampas ko na sila bago pa sila makapasok sa kwarto ko baka makita nila wala ako dun at makita pa ko.

Malapit na ko. Konti na lang.

"Ahhhhhh!" Pinaghahampas ko yung malaking mama na nahuhuli. Hanggang sa mawalan siya ng malay. "Mga walanghiya kayo! Anong kelangan niyo sakin." Yung isa naman yung hahampasin ko nung pinigilan niya yung kamay ko. Waaaaahhhh!

"Wag kang magalaw kundi mapapahamak ka." Hala. Diyos ko tulungan niyo po ako.

"Asan ang switch ng ilaw mo?" Tanong niya.

"Bitawan mo ko para maturo ko."

"Ayoko. Baka hampasin mo ko."

"Paano ko masisindi yung ilaw? Sige bahala ka maghanap."

"WAAAAAAH! San mo ko dadalin?!!!" Bigla niya kong kinarga.

"Ayaw mong buksan yung ilaw edi sumama ka sakin para di mo ko hampasin."

"Ibaba mo ko bubuksan ko na yung ilaw!" Pagsusumamo ko para di na niya ko dalin kung saan man niya ko dadalhin.

Binaba niya ko saka ko binuksan yung ilaw. Pagbukas ko ng ilaw parehas kaming nasilaw pagtingin ko sa kanya nakayuko pa din siya.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Disente naman siyang manamit.

Nakasweat-shirt. Naka-sweat pants at nakarubber shoes lang. Simple lang suot niya.

Pagtingin ko sa mukha niya ulit.  O____O <<<Hitsura ko.

"Walangya ka! Langya kaaaaa!" Sigaw ko habang hinahampas ko siya.

"Relax!" Pagpipigil niya sakin.

"Paano niyo nagawa sakin to?! Saka gabing gabi na bakit kayo nananakot?! HUH?!" Sabay buntong hininga ko.

"Diba sabi ko gaganti ako? Gagambalain kita araw araw dahil sa ginawa mo."

Bigla kong naisip yung tumawag sakin saka tumingin sa kanya ng masama.

"Ikaw yun?!" Sabay ngiti niya na parang adik.

"Sabagay, bagay sayo yung number puro six. HAHAHA!" Pangaasar ko sa kanya.

"Huwag ka ngang tumawa. Favorite number ko yun kaya yun ang binili kong sim pagkadating ko dito saka para diko makalimutan number ko." Explain niya.

"Nageexplain kapa, bakit pala andito ka? Saka sino yung kasama mo?" Bigla kong naalala dalawa pala sila.

"Bestfriend mo lang naman. Lagot ka kapag nagising yun. Magagalit sayo yun. hmmmp~" Pangaasar niya.

Waaaaaaaaah! Si bestfriend nasaktan! Naku! Sabay takbo kung nasan siya. 

Nakita ko gising na siya, hinihimas yung balikat niya. Nasobrahan ata ako ng hampas. :3

"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya habang kinakabahan.

"Oo... Aray aray..." Habang tumatayo siya.

"Tarantado kasi tong si Marvin eh. Dinadamay ako sa mga kalokohan niya. Ako pa tuloy yung napahamak." Bigla niyang sabi.

"Ano ba kasi ginagawa niyo at sa likod pa kayo dumaan? Pede niyo naman akong tawagan o katukin eh."

Nagtinginan sila.

"Kasi si Mar...." "Kasi ganito yan, gusto ka sana naming sorpresahin kaso kami ang nasorpresa."

"Anong klaseng sorpresa naman?"

"Wala. Saka na lang. Antok na din kami eh. Uwi na kami. Bye!" Sabay hila niya kay Jake at lumabas na.

Ang weird nila sobra. Makabalik sa pagtulog.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

DONT FORGET TO COMMENT VOTE AND SHARE THANK YOU :)

Friendship o Love-life? (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon