Chapter 9: Am I inlove? :O

123 4 0
                                    

[Antonette's POV]

GOOOOOOOOD MORNIIIIIIIING!

Sinong di gaganda ang umaga, simula kagabi di na mawala ang saya ko sa kaalamang bestfriend ko pa din siya. ^____________^

Wala daw kaming pasok ngayon, paparenovate daw yung coffee shop. Kaya pala biglang bisita ng boss.

San kaya magandang gumala? Ayain ko nga si Michelle.

"Yow Partner! Gala tayo!" Message sent.

*BEEP.BEEP* <tunog ng cellphone)

"AY! ParkNeRs, I HaVe LAkAD, i'LL Go SAGOW sa jOWaAski ketch, mGBa2haii BaHaYan kAMi. ^__^ NeXT TiiME NLaN6s, lammo nEMEEN Mat6aL nDiN taYon6 WaLAn6 Day-OFF! Okeeish? LOveYa! :* <3 " 

Muntikan ng dumugo ang ilong ko. 2012 na di pa rin nagpapalit ng font tong babae na to. Wala na siya sa uso.

San ako gagala nito? Ano nga nga ako?

Linis bahay-luto-nuod tv-tumambay sa tindahan-nuod ulit tv-basa ng magazines-kain-

Mamatay ako sa pagka-boring.

*BEEP.BEEP*

"Hi sa pinakamagandang babae sa balat ng mundo." 

Kahit kelan bolero tong bestfriend ko. Kung hindi ko bestfriend to. Hinalikan ko na eh. :))

AHA! Alam ko na sa bahay na lang niya ko pupunta. Surprise ko siya, matagal tagal na din kaming hindi gumagala saka nagtatampo na din siya sakin.

Meron naman akong susi ng bahay niya pinagkatiwala niya sakin para daw kapag gusto ko siyang puntahan di nako magdoor bell para daw di na niya ko pagbuksan ng pinto. Ang tamad noh?

Nasan na nga ba yung susi na yun? Langya! Nawawala pa ata. >//<

HANAP! HANAP! PUNTA DITO PUNTA DUN! HANAP DUN HANAP DITO! >//< TANGHALI NA! DIKO PA RIN MAHANAP. KAPAG NGA NAMAN MINAMALAS KA OO!

Naupo na lang ako sa sofa sa sobrang pagod kakahanap. Napakainit, nakatapat pa sakin yung araw. Bigla akong nasilaw nung tumama sakin yung reflection ng araw sa isang bagay sa mini table. Teka ano ba yun?

Pagtingin ko, nasa ilalim siya ng mini flower vase na  nakatapong sa mini table. Kalahati lang yung nakikita, nakakasilaw kasi yung araw nakatapat dun.

Ano yun kayamanan? Gold? Mayaman nako! Pero pano magkakapera dito eh ako lang naman magisa dito. Mga pagiisip ko talaga.

Paglapit ko. Isang susi na may chain na puso. Kanino to?

ISIP ISIP ISIP!

AHHHHH! Yung susi ni bestfriend! Dito ko nga pala nilagay para di mawala. Makakalimutin kasi ako eh.

Makaligo na at makaalis para masurprise si bestfriend. ^____^

AT JAKE'S HOUSE

May naririnig akong nagtatawanan. Aba masaya siya. May bisita siya. Edi masaya madami kami. Sana this time may babae na. Para di ako forever alone.

Pinasok ko na yung susi sa pintuan. Kinakabahan pako baka kasi nagpalit na siya ng pinto. Pag-pihit ko pakaliwa! Boom! Yun pa din yung pinto. Sarap sa pakiramdam akala ko ako ang masusurprise eh.

Pagbukas ko ng pinto. Nga-nga ako. Sino tong mala-adonis na to na sobrang gwapo. Nagsuot pa ng sando kitang kita tuloy  yung pagkamacho niya. Parang si bestfriend din sa tangkad.

Akala ko ba ako ang mag-susurprise?!! Bakit ako ang nasurprise?!

"Who are you?!" Hala ka englishero. Teka naliligaw ba ko ng bahay? Pero bakit yung pinto di napalitan? Bakit di nagsasabi si Jake na lumipat na siya.

"Hey who are you?!! Are you a robber!!" Takshapo! Ako magnanakaw?! Ganda kong to. Chos~

Pano ba kasi magenglish! Mapapasabak na naman to.

"Ahm, ahhh. Are you own this house? Ahhm, *lunok laway* ahhh *para akong nagaaral kumanta dito*" wala kong matanoong. "What?" sagot niya. Namumutla na ko diko alam sasabihin ko.

"Brad sino yan?" Tanong nung nasa likuran niya. "I don't know, she must be a robber pero maganda siya eh pero diba kahit ganito kaganda magnanakaw din? Kaso may susi siya at nakanganga eh." Nung sinabi niya yun saka ko lang nalaman na nakanganga nga ako. Ano ba yan, nakakahiya. Naging sakit ko na to. Pero teka..... Nagtatagalog siya?!!

"Uy! BESTFRIEND! Nadalaw ka! I miss you!" Sabay yakap sakin. Ahh, gumaan pakiramdam ko, andito si bestfriend. Ibig sabihin di siya lumipat bisita lang tong mokong na to. Makapag-who are you akala mong siya may ari ng bahay di na lang sinabing may tao. Kaasar, nagnosebleed tuloy ako.

"Pasok ka!" Sabay akbay sakin ni Jake papunta sa sala saka ko inirapan yung lalaki.

Pagdating namin sa sala. Wow! May babae, ang ganda! Eto ata gf ni bestfriend. Sa wakas makikilala ko na din.

"Bestfriend. Ganda nito ahh. San mo nabingwit yan? Galing mo talaga. Bagay kayo." Bulong ko sa kanya.

"Kaibigan ko yan. Yung bf niyan nasa kusina. Sira to." Pagtingin ko sa kusina andun yung bf niya. Busy sa pagkain.

"Sayang ganda pa naman. Bagay kayo. Ayiieh!" Sabi ko sa kanya sabay ngiti. Umismid lang siya.

SUPLADO! Sigaw ko sa isip ko. Baka kasi magalit kapag sinigaw ko talaga yan.

"May papakilala pala ako sayo, tara dito." Pumunta kami sa backyard tapos nakita ko yung lalaking gwapo na sumalubong sakin sa pintuan.

"Marvin meet Antonette ang pinakamaganda kong bestfriend. Antonette meet Marvin ang pinakagwapo kong bestfriend." Aba may bestfriend palang iba to! Akala ko ako lang. Daya! Dapat may bestfriend din akong babae. Hmp! >.<

"Siya ba yung papakilala mo sakin? Maganda siya ahh. Galing mo talagang pumili. I feel like I'm inlove tuloy. Hi ganda!" Sabay wink niya. WAAAAAAAAAAH! Matutunaw ako sa kgwapuhan niya. I feel like I'm inlove din.

Inabot niya yung kamay niya para makipagshake hand. Inabot ko din yung kamay niya sabay sabing, "Hi." With a smile. Ang lambot ng kamay niya. Dinaig pa yung kamay ko na parang papel de liha. >.<

"Maiwan ko muna kayo diyan huh?" sabi ni Jake waaaaaaah! Wag! Baka ma-rape ko to. Jokes! "Galingan mo bestfriend. Eto na chance mo. Inlove daw siya. Regalo ko na siya sayo sa pasko." Bulong sakin ni bestfriend na tumatawa habang lumalakad palayo samin. Hmp! Mapang-asar talaga.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

DONT FORGET TO VOTE COMMENT AND SHARE IF YOU LIKE IT. THANK YOU! :]

Friendship o Love-life? (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon