Someone's POV
"Mahal ko siya pero mahal ko din bestfriend ko kaya siguro kelangan ko umiwas para sumaya sila."
Jake's POV
Namimiss ko na yung bestfriend ko. Bakit kaya galit sakin yun? Wala naman akong ginagawa bigla nalang gumaganun yun. Matawagan nga.
Bakit walang sumasagot? Grabe naman magalit yun. First time nun magalit sakin. May nagawa ba kong masama? May nasabi ba kong masama sa kanya?
*Ding Dong* <doorbell
"AY KALABAW MAPUTI!"
Asar yun ah. Nagiisip ako dito. Sino ba yun?
Pagsilip ko si Marvin. Mukhang badtrip din. Bakit kaya?
Lumabas ako at pinagbuksan siya.
"Wassup bro? What's the matter? What's with the face?"
"Nothing bro. I'm just tired." Sabay simangot niya.
"May trial mamaya. Di ka pupunta?"
Tumingin lang siya sakin saka dumeretso sa kwarto niya.
Napano yun? Dapat ako yung nagdadrama dito diba?
*Beep* <may nagtext
"AY UWAK NA MAPUTI!" Ano ba yan! Palagi na lang akong nagugulat.
Antonnette: Bestfriend! Pasensya diko nasagot yung tawag mo. May pinuntahan ako. Nasa school na ako ngayon. Text kita maya usap tayo. Ingat! :)
Akala ko ba galit siya sakin? Baliw din eh. Sunduin ko na lang siya mamaya para surprise. :D
Makapaglaro muna ng online games.
Time Check: 8:30 pm
Uwian na ni bestfriend mamayang 9pm. Makaalis na.
Nakita ko si Marvin nagmamadaling umalis.
"Yo bro! Where you going?"
"Somewhere. I'm going. bye!"
Wow ah. Ang weirdo niya ngayon. Bahala na. Kelangan ko ng sunduin si bestfriend. Matagal tagal na din nung huling di kami nagpansinan. Puro na lang kasi si Marvin kasama niya. Nagseselos na ko.
Sumakay ako ng kotse ko at nagmadaling pumunta sa school ni Antonnette.
30 minutes lang andun na ko. Saktong 9 pm andun na ako.
Sa school ni Antonnette. Lalabas na sana ako ng kotse ko nung mapansin ko yung kotse sa harapan ko. Kilala ko yung kotse na yun ah. Pagtingin ko sa gate ng school. Nakatayo dun si Marvin at kinakausap si Antonette. Kaya pala nagmamadali para sunduin si Antonette. Hays, makauwi na lang.
Pinaharurot ko yung kotse ko. Wala na kong pake kung may masagasaan ako. Ang sakit-sakit.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
Friendship o Love-life? (EDITING)
RomantikSi Antonette. Simpleng babae, kalog, makulit, cute at mapangasar. Kaya naman tong bestfriend niya na si Jake tuwang tuwa tuwing kasama siya palagi kahit napipikon na siya sa kaaasar ni Antonette. Ikaw ba naman kasing asarin sa ibang babae dika mapip...