Chapter 14: First Date

98 5 0
                                    

*Kriing* *Kriing*

"Arrrrgh! Ang aga aga naman!"

"Hello?"

"Good morning beautiful. Kumain kana?"

"EWAN KO SAYO ISTORBO KA NG TULOG! ANO BANG KELANGAN MO?" 

"Punta ako diyan pwede ba?"

"Anong gagawin mo dito? Wala akong papakain sayo."

"Edi alis tayo. Treat ko. Okay? Mamayang 11. Magready kana. Bye. I love you." *Beep*

Time Check: 8:00 am.

"Langya! Kaaga aga pa eh." Makabangon na nga.

Naligo na ko para magready pumasok.

*Tok tok tok*

"Sino yan?"

Pagbukas ko ng pinto, may nakita akong lalaki nakatayo may hawak na bulaklak na nakatakip sa mukha niya.

"Hi, beautiful. ^__^ Aba, nakabihis kana ah. Ready na ready ka. Yan ang gusto ko sayo eh masunurin ka eh." Sabay abot niya sakin ng mga bulaklak at diretso pasok sa apartment ko. Akala mo kung sino.

"Anong ginagawa mo dito? Aalis nako maya-maya. May pasok ako ngayon." Sabi ko sa kanya.

"Nakalimutan mo ba?! Kakain tayo ngayon. Tinawagan pa nga kita eh. Bakit ba makakalimutin ka? Baka makalimutan mo na ko niyan." Sabay simangot niya parang batang nagsusumamo.

"Hindi ko nakalimutan. Nag-oo ba kasi ako? Eh bigla mong binaba yung phone. May pasok ako ngayon kaya di ako pede."

"Anong oras ba pasok mo?"

"Mamayang 4."

"Eh bakit nakabihis kana? So it means sasama ka sakin? Kilig naman ako dun. ^__^" 

"Hindi! Asa ka naman. Malayo kasi yung school ko isang oras mahigit yung biyahe. Kaya nagbibihis nako para pagkatapos kong kumain. Lalarga na ko. Hindi yung natataranta ako kung may naiwan ba ko."

"Hatid na kita? Kumain kana ba?"

"Hindi pa. Lilibre mo ko? :D" 

"Ayan diyan ka magaling. Kapag libre mabilis ka pa sa alas kwatro. Nakaready kana ba?"

"Oo. Kakain pa ko kaso diko alam kung anong kakainin ko pero kung lilibre mo ko. Gora!" 

"Ok. Let's go!" 

Pumasok na kaming parehas sa kotse. 

Waaaah! Tipid na naman sa budget. Buti na lang andito to. Wala pa naman kaming work, akala ko mamumublema nako sa kakainin ko. ^__^

 "Andito na tayo." Sabi niyang naeexcite na parang  bata. Ang cute niya bigla.

Pagtingin ko sa labas. Nasa mall kami. Saan kami kakain? Sa food court? Ang cheap naman nitong lalaki na to.

"Saan tayo kakain?"

"In my favorite place. Sa food court ^__^ I'm sure you will like what we gonna eat there. :)"

Favorite place niya yun? Ang yaman niyang tao tapos ang cheap niya. tsk kunaaaaat!

Habang papunta kaming food court parang may kakaiba eh. Kanina pa siya tingin ng tingin sakin tapos sabay ngiti ng napakacute. Actually, kanina pa siya nakangiti eh. Parang tanga lang na nakangiti. Ganito ba katakaw to at tuwang tuwa kapag kakain?

Friendship o Love-life? (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon