Chapter 2

81 1 0
                                    

Under her possession

KABANATA 2


Tahimik akong pumunta sa bar counter para mag water break. Nakakapagod kaya kumanta. Ang hyper pa nila kase hindi pa sila gaanong lasing. Mga nasa tamang huwisyo pa at nakakasabay sa kinakanta ko. Nagpahinga na rin iyong kasama ko. Nanghingi lang ako ng tubig kase bawal akong uminom. Mapapalo ako sa pwet ni inay pag naamoy niya ang alak.


"Hey" kumaway pa ako sa lalaking ito. Im still wearing my mascara. So he can only see my lips.


Hindi ito sumagot sa halip tumingin lang ito kaya nahihiya kong binaba ang kamay ko. Umiwas ako ng tingin at inubos ang iniinom kong tubig.


"Stay for a minute. " He finally says

.

Tumingin ako sa kaniya ng may pagtataka pero sumunod pa rin ako.


"May kailangan ka ba?"


"Just your presence" sabi nito. Patuloy pa rin nitong pinaglalaruan ang baso na may lamang alak.


"May bayad po oras ko, sir" i joked. Para malighten lang ang atmosphere naming dalawa.


" How much?... Name your price." he said. Nasamid ako sa sinabi nito.


" Nag jojoke ka ba? Lasing ka na yata e, kung ano-ano ang sinasabi mo? " pangiwi pa akong ngumiti sa kaniya.


" Hindi ako lasing. I've made it clear miss. Name your price and you'll accompany me." kumuha pa ito ng alak kaya pinanood ko ang bawat galaw nito. "Your presence will help para walang lumapit saakin ngayon"


" What makes you think na hindi ako tulad ng mga babaeng yan? "


He smirked. Goddamn, he looks so hot. "You seemed not interested to me, and you're pretty."


"Pretty daw. Ginagago mo ba ako e hindi mo nga alam buong mukha ko"pagtataray ko.


" I don't need to see your whole face to call you pretty. I trust my instinct, and your eyes are pretty." nakatitig pa ito. Nailang tuloy ako ng konti.


"Thanks. I got this chinita eyes from my mom. Maganda naman talaga ako kaya tama yan instinct mo" proud na sabi ko. Tumawa pa ko para hindi halata na kinakabahan ako sa presensya niya. Dapat nga e nagsasaya ito dahil party ang dinalohan pero heto siya kinakausap ako at babayaran pa daw time ko.


Sino ba ang tatanggi sa offer niya. Dagdag kita ko na rin yon at malaking tulong na kung malaki rin siya magbigay ng tips. Nakalibre pagkain pa ako kase panay order siya. Hindi na nga ako nakabalik sa table namin. Ang kaning water break lang ay natagalan.


"Doctor ka pala?" mangha na tanong ko pagkatapos ko marinig ang kwento niya about sa work niya.


"Yeah."


"Single? Ready to mingle ka ba?"walangya na tanong ko. Aba curious lang naman ako sa buhay niya. Wala naman masama sa pagtatanong e.

Under her possessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon