Pikit matang tumayo ako para pumunta sa banyo. Nag-iingat ako para hindi magising si Neon sa mahimbing na pagkakatulog. Nakaramdam ako ng hiya sa ginawa namin kagabi. I almost gave in, ang perlas ng silangan na pinakakaingatan ko ay muntik na niyang makuha. Mabuti nalang may katinuan pa palang natitira sa lalaking 'to kagabi. Nakatulala lang siya habang naliligo, paglabas niya ng bathroom ay tulog pa rin si Neon.
Gaya nga ng inaasahan ko ay gising na si Inay at makmak, nagluluto na ito ng almusal namin habang si makmak naman ay naglalaro sa laruan nito. Alam kong nangungulila ito sa mga kalaro niya even though marami itong laruan ay na b-bored pa rin ito.
"Kay Neon ba ang sasakyan sa garahe,apo?" agad na tanong nito pagkapasok ko sa kusina.
"Kay neon nga po,Inay. Dito po siya natulog kagabi hindi ko na po napaalam sainyo kasi tulog na po kayo at ayaw ko naman pong gisingin ka pa"
Kinuha ko ang heater sa may gilid at nilamnan iyon ng tubig. Gusto ko ng kape at paniguradong gusto rin iyon ni Neon.
"Bakit dito siya dumeretso?"
"Masama ang pakiramdam po, mas malapit po kasi dito kaysa sa condo niya. Inaapoy po sa lagnat kagabi kaya pumayag na po ako na dito siya matulog." kumuha ako ng tatlong tasa at nilagyan iyon ng mainit na tubig "Kape inay?"
"Mag tsaa nalang ako. Akyatin mo na rin si sir Neon sa taas, baka nagugutom na iyon. Aba'y kaya at nagkakasakit ay hindi man lang masilayan ng araw" iling na sabi nito.
Nagtimpla lang ako ng kape at ng tsaa niya. Pagkatapos nun ay umakyat ulit ako sa taas para gisingin na si Neon. Hindi na ako nahirapan kasi nadatnan kong gising na ito. He instantly smile nang makita ko.
"A-ano... almusal na daw" naiilang na sabi ko.
Hindi pa ito nakakasagot ay lumabas na ako. Ang akward ng ganap naming dalawa, hindi naman natagalan ay pumasok na rin si Neon sa dining area. Ito nga agad ang nilapitan ni makmak ng makita ito. Masyado naman atang attached itong batang 'to kay Neon. Ni hindi nga ako nito pinansin pagpasok ko kanina, ano change of favoritism na ba ang paligsahan.
"Ayos na ba nag pakiramdam mo iho? balita ko'y nilalagnat ka raw kagabi."
"Ayos na po ako, magaling po kasi ang nag-alaga." malokong sagot nito kasabay ng kindat.
"Anong alaga ba ang ginawa ng apo at bakit mukhang masaya ka yata ngayon"
Halos masamid na ako sa sinasabi nilang dalawa. Dalawang alaga ang inalagaan ko kagabi,la.
Naghanda na ako ng plato sa lamesa. Hindi pa kami nakakain ng biglang dumating si Nero. Mukhang nagulat ito nang makita ang kambal, nagtatakang tingin ang pinukol nito kay Neon.
"Ang aga mo rin ata ngayon, oh siya dito ka na rin mag agahan. Mabuti na lamang ay marami ang nailuto ko" basag ni Inay sa katahimikan.
"May dala rin po akong leche flan, panghimagas po"
Nilapag nito ang dala sa mesa bago ako nito binigyan ng halik sa pisngi. Hindi agad ako nakapag react sa mabilis na ginawa nito. Mukhang wala naman pakialam si Inay sa ginawa nito.
BINABASA MO ANG
Under her possession
General FictionMikaela Villanueva lives with her grandmother, a fortune teller. She was earning a living by assisting her grandmother in fortune telling, despite the fact that she had no experience with this type of work. She deceives people in order to make money...