Chapter 12

35 0 0
                                    

Since that day hindi ko na mapigilan silang dalawa. Naging abala na rin ako dahil sa nalalapit na pasukan. Sobrang excited ako lalo na new environment at new classmates ang makakasama ko ngayong school year.


"Bumaba ka na dyan, iha. Anong oras na ay oh baka malate ka pa sa unang araw mo sa klase," panenermon agad sa akin ni inay. 


Binigyan ko pa muli ng huling sulyap ang sarili ko sa salamin bago bumaba para mag almusal. Gaya ko ay naka gayak na rin si makmak para pumasok. Nakakatuwa lang na sa iisang school lang kami kaya hindi ako mahihirapan na sunduin siya pag uwian. Sakto naman pagkatapos naming kumain ay saka dumating si Nero. Nag insist kasi ito na siya daw muna ang maghahatid saamin ngayon. Wala naman daw siyang ibang gagawin kaya naisipan niya. Syempre tumanggi rin naman ako lalo na't nakakahiya. Papasok na nga rin ako sa isang driving lesson kasi sayang naman itong kotse dito at para hindi na rin abala sa kambal.


"Hindi mo naman kailangan gawin ito. Kaya naman namin ang sarili namin at saka mag tatake na rin ako ng driving lesson. Sayang naman yung sasakyan na binigay ni tita kung hindi ko gagamitin,hindi ba?" nahihirapan na sabi ko habang inaayos ang seatbelt. Wala akong nakuhang tugon kay Nero kaya tiningnan ko ito.


"Hoy?" pag tawag ko sa atensyion niya.


"If thats what you want. Sabihan mo nalang ako kung kailan ka ma start para ma monitor kita" isang malalim na buntong hininga ang binigay nito.


Alinlangan akong tumawa sa kaniya " Hindi naman na kailangan. Sigurado naman akong maayos naman akong matuturuan dun"


"I insist. Habang hindi ka pa natuto ako na muna ang maghahatid sa inyong dalawa. And i dont take no as an answer" malalim na sabi  nito. 


Nagpatuloy lang ito sa pag drive. Hindi naman iyon kalayuan, kaya mabili rin kaming nakarating. Hindi ko pa rin mapigilan na hindi mamangha sa laki nun. Gaya pa rin nung unang reaksyon ko ng unang makarating ako rito. Hindi pa rin ako masanay sanay sa laki nun.


"Salamat nga pala,Nero. Magchachat nalang ako sayo pag tapos na ang klase naming dalawa ni makmak" nakangiti kong sabi pagkababa ko sa kotse nito. 


Tumango lang ito bago pinaharurot ang sasakyan. Agad ko namang iginaya si Makmak sa classroom niya. Buti na lamang ay nakita agad namin iyon. Nakangiti namang sumalubong saamin ang teacher nito.


"Good morning,makmak" nakangiting bati  nito. Ganoon din ang ginawa nito sa bagong dating na studyante. Mukhang fresh grad pa itong teacher nila at sobrang ganda pa.


"Una na ako makmak, hwag masyadong pasaway kay teacher ha?" 


"Opo" bibong sabi nito. Tumalikod na rin ako at naglakad papuntang college buildings. Sobrang laki nun kaya mahabang lakarin ang gagawin ko. Hindi naman ako nagrereklamo pag ganito kasi sanay naman ako maglakad. Mabuti nalang hindi mainit dito sa hallway at umagang umaga pa kasi. May nakikita akong same course ko dahil sa uniform namin. Iba't iba kasi ang uniform kada department kaya mabili namin malaman kung anong course ng bawat isa.


Sumunod naman ako sa kanila kasi lahat kami ay isa lang ang pupuntahan. Magkakaroon kasi kami ngayon ng open ceremony and orientation muna bago kami ilagay sa kaniya kaniya naming room. Halos malula ako sa laki nang makapasok ako doon. Sobrang dami na rin ng tao. Agad naman akong pumila sa culinary department. Mag aatendance lang doon at uupo na kami sa naka assign saaming seats.

Under her possessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon