I yawned as I changed my clothes into PE uniform. Gaya nga ng nakuhang chismis ni Denisse hinihintay namin ngayon ang bagong prof namin sa PE. Nakabihis na kaming lahat at mga nakaupo nalang kami sa bleachers.
"What's our set up pag gawa ng report?" Cole, my classmate sa subject na iyon and also isa sa groupmate ko. Ewan ko nga kung anong ginagawa nito dito ngayon e tapos na sila ng PE. Sunod kami sa kanila and naka PE uniform pa rin ito. He then suddenly approached me.
"We will add you nalang sa gc. Gagawa kasi si Steph ng gc natin so basically siya rin mag a-add sayo. Hindi pa kasi kami nag uusap tungkol doon,maybe later pag may gc na?"
"I will add your facebook account nalang, ah so I can contact you."
Umiling ako. "Limit na kasi friends ko sa Facebook. Uh 5k na yon." palusot ko. Parang tanga man iyon pero tumango naman ito.
Natigil lang ang pag uusap namin ng may tumikhim. Ang kaninang maingay din na kaklase ko ay tumahimik. Bahagya naman akong napatigil nang makita ko si Nero kasama ang isang faculty teacher namin. Ang alam ko PE teacher din ito but under niya ang ibang year.
His lips turn into firm thin line even his eyebrow curved. In the months being together I know this...He is pissed. "Good morning, I will be your termporary PE professor." he was still glancing towards my direction. Hindi naman iyon napansin ng kaklase ko kasi busy sila sa pag tingin kay Nero. "You can call me Sir Nero."
"Sir,hanggang kailan po ?"
"As what I said I'm just your temporary prof. Hanggang sa hindi pa gumagaling ang dati niyong prof ay andito pa rin ako."
"Sir, do you have girlfriend po?"
He shook his head. "I have a fiance."
Kaniya-kaniya namang violent reaction ang narinig ko. Ako rin naman ay nagulat. Kailan pa siya nagkaroon ng fiance.Kunsabagay I distanced myself malamang wala akong naging balita sa kanila. Kung kanina ay nasa gymnasium kami ay ngayon andito kami sa open field. Gusto kong mapamura kasi ang init. Gaya nga ng inaasahan ko ay tatakbo kami doon pero hindi ko naman inaasahan na maglalaban laban pa kami. Matalim na tingin ang binigay ko dito bago pumila sa line ko. Relay race ito at kaniya kaniyang pwesto na kami ng mga kakampi ko. Excempted na daw sa susunod na activity ang kasali dito kaya naman we are all determined to win.
Isang malakas na pito ang pinakawalan niya kaya nagsimula na kaming tumakbo. May advantage ako sa mga kalaban ko ngayon dahil sanay naman ako dito pero tangina ang init talaga. Hindi ako nahirapan sa pagpasa sa kasunod ko. Hinihingal na naupo ako pagkatapos nun, nakakasilaw rin ang sikat ng araw kaya mas lalong naging singkit ang aking mga mata. Pinanood ko silang maglaban laban. Tumayo ako para magready sa susunod na round. Kabadong hinihintay ko ang kakampi kong palapit saakin. Hindi nagkakalayo ang agwat nilang lahat. As i finally grab the baton tumakbo na ako pero hindi pa ako nakakalayo ay naramdaman ko na ang mabigat na humampas sa may likod ko. Nawalan din ako ng balanse ay sunod na napahiga sa madamong field. Dahil sa masamang pagbagsak i feel a throbbing pain in my ankle.
Sunod-sunod na sigaw ang narinig ko galing sa kanila. My vision become blurry pati na rin iyong ulo ko ay masakit. Before i lost my conciousness I saw Nero carrying me.
BINABASA MO ANG
Under her possession
General FictionMikaela Villanueva lives with her grandmother, a fortune teller. She was earning a living by assisting her grandmother in fortune telling, despite the fact that she had no experience with this type of work. She deceives people in order to make money...