Under her possession
Kabanata 4
I help nanay in her shop. Naglinis ako ron at nagpintura na rin para naman hindi halata na luma na yon. Si inay ay manghuhula talaga pero ewan ko ba kung bat hindi niya nahulaan kung gaano kasama ang ugali ng tatay ko.
"NAY! Itatapon ko na po ba itong bola bola?"
Pinagmasdan ko iyon, masyado na iyon luma at may crack na rin pero hindi pa naman halata. Kasama na ata ito sa pagtanda ni inay.
"Ano ka bang bata ka, hwag mo nga yan pakialaman. Nagagamit ko pa naman yan"
Napakamot ako sa batok. Ito talaga ang hindi namin napagkakasunduan e.
"Eh nay, luma na e. Kita mo naman itong crack sa may gilid halos kasing edad mo na ata ito"
"Ipapamana ko pa yan sayo"
"Ay no thanks nalang talaga nay. Sa ganda kong to kahit yata hindi totoo sabihin ko e maniniwala sila...naengkanto ba ganon"
Nanliit naman ang maliit nitong mata.
"Nay, nahuhulaan mo ba ang future ko?" bigla kong tanong para ma divert ang pansin nito "Makakapag aral pa kaya ako or mag aasawa na"
"Let the universe decide your future. Nararamdaman ko na tatanda kang dalaga"
Napanguso ako sa sinabi niya. Ganiyan lagi ang sagot niya saakin pag tatanungin ko siya e. Konti nalang talaga maniniwala na ako na tatanda na talaga akong dalaga.
"Sayang naman ang ganda kung walang papamanahan" bulong ko.
Pinagpatuloy ko nalang ang paglilinis. May gig nga pala kami mamaya. Nagiging suki na rin kami sa resto bar na yon. Resto na nagiging bar na talaga pag lumalalim na ang gabi. Mas gusto ko talaga mag extra dun pag walang gig. Mataas din ang sweldo ng waitress doon at may mga tips pa. Balak ko rin mag bigay ng resume mamaya... magbabakasakali lang naman.
Inubos ko lang lahat ng oras ko sa pag tulong kay inay sa shop. Nakatatlong customer lang ata siya ngayon e. Madalas talaga matumal ang mga nagpapahula sa kaniya tas may araw din naman na sobrang dami. Nang gumabi na ay gaya nga ng napag usapan namin ay pumunta na ako sa gig namin.
Lahat sila ay andon na at ako na nga lang ang hinihintay nila. Nag-aayos na rin sila ng instruments kaya inayos ko na rin ang sarili ko. As usual i put my mask . And wear a tight leather skirt at black top tube.
We start to perform on stage. Our song was lit, and everyone was enjoying it. Hindi pa sila ganon kalasing kaya nasasabayan pa nila kami. While singing hindi ko mapigilan ilibot ang aking mata. I'm looking for him. The man who pays me for my mere presence. Nakailang ulit ko pa iyon ginawa. To my disappointment hindi ko siya nakita.
Oo nga naman, malay mo busy yong tao. Not all the time ay andito siya para gumimik or mag inom. Of course, he has his own life. Nagtratrabaho rin naman yon.
BINABASA MO ANG
Under her possession
Aktuelle LiteraturMikaela Villanueva lives with her grandmother, a fortune teller. She was earning a living by assisting her grandmother in fortune telling, despite the fact that she had no experience with this type of work. She deceives people in order to make money...