Chapter 1

356 6 2
                                    

Under her possession

KABANATA 1

Tahimik kong pinapanood si inay sa panghuhula sa grupo ng studyante. Hindi ako nakapag tapos ng pag-aaral dahil nagkasakit si inay. 2nd year lang ang natapos ko at heto ako rumaraket nalang sa palengke minsan kumakanta sa banda. Kahit ganito ako talented naman ako.


"Hoy! Pila pila lang hwag kayo magsiksikan dyan" pinaghihiwalay ko ang kumpol na studyante. Malamang ay magpapahula na naman ang mga ito sa lovelife nila. Ang babata pa nila para sa ganiyan. G na g naman si inay sa pang hula sa kanila pero saakin ay hindi.


"Mga pre mukhang hindi ko na kailangan magpahula kase nahanap ko na ang love of my life ko" sambit ni tisoy. Mukhang nag yayabang pa ito sa maasim nitong kabarkada.


" Sino naman 'yan. Sayang at hindi ka na magpapahula" uto-uto na sabi naman nung isa. Moreno ito at ito lang ang may itsura sa kanila.


Napairap ako ng kumindat ito saakin. Putangina. Trip na naman ako ng bata. "Siya oh" turo ni tisoy saakin.


"Manahimik ka. Ang bata bata mo pa para lumandi dyan"


" Aids doesn't matter, bebe love" pacute na sabi nito.


" Anong aids. Hinayupak ka mag-aral ka muna bago ka lumandi" masungit na sabi ko.


Inalisan ko sila doon. May raket pa ako mamaya sa bar. May gig daw ang banda at malaki laki ang bayad sa amin. Sino ba naman ako para humindi. Nag iipon ako ng pang aral ko next year. Itutuloy ko ang kurso kong Culinary . Naghintay lang ako ng jeep. Malapit na rin gumabi mabuti nalang at nakasakay agad ako. Punyeta kalahati lang ng pwet ko ang nakaupo. Sabi maluwag pa super scam si manong.


Aabot nalang ako sa bar ng mabaho dahil sa samo't saring amoy. Paika akong naglakad pagkababa ng jeep. Ang sakit ng kalating pwet ko.


"Ay taray hindi siya ngayon late" sabi ni Gela. Para na rin itong manager namin dahil ito ang nag aasikaso kung saan kami pwedeng rumaket. Andon na ang lahat at ako nalang talaga ang wala.


"Paano pati masikip na jeep pinatos ko na para lang hindi malate. Kumikirot kalahati ng pwet ko sa sakit" reklamo ko. Tumawa lang sila sa pagkabulgar ko.


"Mag ayos ka na dyan at mamaya mga bigatin ang tao sa bar. Nirenta ba naman ang buong bar para lang sa birthday party"


" Hay nako. Gelo"


" Naah... Gelo sa umaga,Gela sa gabi" pag tama nito. Nalimutan kong hindi pa nga pala alam ng magulang nito na girlalo siya.


"Whatever Gelo. Pasok lang ako sa loob. Baka mangamoy pa ako habang nag pperform"


Deretso akong pumasok sa staff room. Doon nagbihis ng backless dress na kulay itim . Kinulot ko rin ang kulay red kong buhok. Naglagay rin ng light make up para hindi naman ako mag mukhang chaka. Ang alam ko ibang lahi ang nanay ko at iyong tatay ko naman ayon nadeads na. Parainom kasi kaya nasira laman loob.

Under her possessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon