Warning!!!!
The first day of school is not bad and Denisse tells me everything. They even tour me around the school. Nakakatuwa lang na sinamahan nila ako buong maghapon. Andito ako ngayon sa labas ng room ni makmak. Uwian na rin sila pero naglalaro pa kaya hinayaan ko na. On the way pa lang rin naman si Nero kaya okay lang. Kinausap ko muna itong teacher ni makmak. Hindi pala nagkakalayo ang edad nila. Matanda lang ito saakin ng tatlong taon. Kaya pala sobrang bata pa nito tingnan.
"May hinihintay pa ba kayong sundo?" tanong nito habang inaayos ang loob ng bag.
Tumago ako "Hinihintay pa namin pero on the way na daw"
"Mabuti naman at may sundo kayo, mahirap kasi ang sakayan dito. Sobrang layo pa ng sakayan kaya mapagod."
Sumang-ayon naman ako kasi ito rin ang una kong napansin dito. Medyo malayo nga ang sakayan pero okay naman. Kayang-kaya ko kaya yon lakarin saka exercise din yon. "May mga sundo kasi karamihan ng nag-aaral dito. Pansin ko rin na sobrang laki ng parking lot kasi halos lahat ng studyante at may sariling sasakyan"
"Mga anak mayaman ang mga nag aaral dito kaya ganyan. May mga scholar din at mabait naman ang mga tao dito pero depende pa rin kasi may mga alam mo na, lumaking spoiled kaya minsan masasama ugali. Graduate ako rito at isa rin akong scholar, dito ko na rin naisipan magturo kasi mataas rin ang sahod."
Marami pa siyang nakwento kaya lang dumating na si Nero kaya wala akong nagawa kundi mag paalam. Masama ang timpla ng mukha nito. Hindi ko alam kung galit ba ito saakin, pero ano namang ginawa ko?
"Anong problema mo?" hindi ko na mapigilan na hindi itanong.
"You slept with him. I'm mad, baby. It's so unfair." nakangusong sabi nito habang salubong ang dalawang kilay.
Pinamulahan agad ako. Tangina paano ba nito nalaman. "See, hindi ka makatingin saakin tapos namumula ka pa." aniya.
"May sakit kasi niya nun." dahilan ko.
"Hindi ako pinanganak kahapon. May iba pang nangyari sainyo. Kaya pala ganon makangiti si Neon." inis na sabi nito.
Naguguluhan ako sa inaakto niya. Why he sound jealous. "Ano bang sinasabi mo dyan nahihibang ka na ba?" pagak akong tumawa.
"We both like you, baby. Damn, may the best man win. Hindi ako mag papatalo"
"Oh my God! Nahihibang na talaga kayong dalawa" hindi makapaniwala na sabi ko.
Napansin ko na iginilid nito ang sasakyan saka ako nito marahan na tiningnan. Nanghihina ako sa paraan ng tingin nito. Naging nalikot na rin ang mata ko.
"I know this is unrealistic. Sino nga bang hibang ang magiging ganito. Hanggat maari ayaw kong maging karibal ang kakambal ko, Ella."
"A-ano..."
"I know this is too fast but we... we both like you damn much. I-i don't know nahihibang na nga ako.Para akong nasisiraan ng bait sa sobrang selos ko."
Mas nagulat ako sa sunod nitong sinabi. Hindi ako nakagalaw,nangangapa rin ako ng sasabihin sa kaniya.
"I'm going to court you....Pwede ba?" mahinang sabi niya.
Napaiwas ako ng tingin. "Baka m-magising si makmak" pag iiba ko.
"Maghihintay ako sa sagot mo. Kung isa sa amin ang pipiliin mo, bakit hindi nalang kaming dalawa. Two is better than one." mahinang sabi nito pero rinig ko iyon. Nahihibang na talaga silang dalawa. Jusmiyo.
BINABASA MO ANG
Under her possession
General FictionMikaela Villanueva lives with her grandmother, a fortune teller. She was earning a living by assisting her grandmother in fortune telling, despite the fact that she had no experience with this type of work. She deceives people in order to make money...