Chapter 8

47 1 0
                                    

Under her possession


Nagpatuloy pa rin ang pangungulit saakin ni Nero. Hindi ito natitigil hanggat hindi ako nito napapapayag sa gusto niya.I also asked inay for everything para naman malaman ko ang totoo. Ang damot lang saakin ng panahon dahil  kung mas maaga ko lang nalaman hindi na kami maghihirap pa ng ganito. 


Ang gulo ko rin e, ako na nga itong nilalapitan ng grasya but i choose to ignore it. Nasasanay na rin ako sa presensya ng taong 'yon. Sa araw-araw ba namang ginagawa ng Diyos, ay wala rin yatang araw ako nitong hindi naiinis. Kahapon nga he even bribe makmak para lang mapapayag ako nitong sumama sa mall. Marami itong binili lalo na ang mga gamit ko. And i was expecting his presence this morning kase naging morning routine na ata nito na dito na mag almusal. 


"Andito ka na naman" panimula ko agad nang makita ko ang malapad nitong likod. Natigil naman ito sa pag pphone at humarap saakin.


I was stunned for a moment. Hindi ito si Nero kundi ang kambal nitong si Neon. Anong ginagawa nito dito ngayon.Mas lalong lumakas ang tahip nang dibdib ko nang malamlam ako nitong tiningnan. Marahan ang naging galaw nito na animoy tinatansya. Matagal din ang naging titigan namin bago ako nag-iwas ng tingin.


"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. 


Hindi pa rin makatingin dito nang deretso. Feeling ko malalagutan ako nang hininga pag nagtagal pa ang titig ko dito. 


"Ella" he said using his raspy voice. "I.." 


Tila hirap itong sabihin ang gusto nitong sabihin saakin. He sound hesitant to do so. 


"Umuwi ka na"


"H-ha?" tila nagulat ito sa sinabi ko "Im here to apologize.Im sorry for what i did, i shouldnt do that" marahan na sabi nito. He was tapping his fingers and hindi rin mapakali ang paa nito.


"Wala nang kaso saakin yon... Kung yun lang ang pinunta mo rito, pwede ka nang umalis." i suggest. 


Malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito. "I-i" he cough "Pwedeng makikain?" nahihiya na sabi nito. Agad namula ang tenga at leeg nito. Ang mata rin nitoy naging malikot. He's using the same technique, sa lahat nang pwedeng gayahin niya iyong kay Nero pa talaga. Cute!


"Wala kaming ulam ngayon. Tinapay na may palaman na itlog lang ang meron."


Tiningnan kong maigi ang magiging reaction nito. Baka naman ayaw nito ng almusal ko?Pwede naman akong bumili sa palengke....


"Its okay, that's my favorite tho" aniya. Palihim nitong nakagat ang ibabang labi para pigilan ang nagkukubling ngiti. 


Mas lalo tuloy akong kinabahan kaya tumalikod na ako sa kaniya at naglakad na papuntang kusina. Inihanda ko na ang kakainin naming dalawa. Nag timpla na rin ako  nang 3n1 coffee para saaming dalawa. Hindi ko alam kung magugustuhan niya ba iyon.


"What's this? This smells like coffee" tila nagtataka sa inabot ko. Inamoy amoy nya pa ito at nagtatanong ang matang tumingin saakin.

Under her possessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon