Chapter 3

71 1 0
                                    

Under her possession

KABANATA 3


After ng trabaho namin sa club ay umuwi na rin ako. Walang kasama si inay. Mamaya kase nirarayuma na 'yon,sino nalang ang hihilot sa kaniya.


Mabuti nalang inihatid ako ni Gab. Hindi na ako mahihirapan pa mag abang ng jeep or taxi. Nag drive thru na rin kami sa Jollibee. Pasalubong at pagkain ko na rin pag uwi ko. Malaki ang kinita ko ngayon, hindi na ako maghahanap pa ng ipambibili ng gamot ni inay.


Triny ko tawagan si inay pero hindi naman ito sinasagot.


"Hindi pa rin ba sinasagot?" Tanong ni Gab


" Hindi pa rin e. Baka tulog na?"


"Baka nga, anong oras na rin e" sagot nito.


Napasimangot ako. Kahit na! Magigising naman 'yon si Inay. Na ring lang naman pero walang nasagot.Kating kati na pwet ko bumaba. Hindi na rin ako mapakali. Natatakot ako baka kung ano na nangyari kay inay. Nirarayuma pa naman 'yon. Sino na lang ang hihilot sa mabaho niyang paa...charot!


"Wala na bang ibibilis 'yan?"


"Actually meron pa,pero road to heaven na ang destination nun" pabiro na sagot nito kaya nakurot ko tagiliran nito.


" Tangina naman e,seryoso ako. Nag aalala nako kay inay" nakasimangot na sabi ko. Patingin tingin rin ako sa labas .


Iyon na ata ang pinaka matagal na byahe naranasan ko. Kaagad kong inalis ang seatbelt ko at bumaba.


"Salamat bro" kumaway pa ako dito.


"Sa sunod 50/50 na tayo sa gasolina. Ang mahal mahal na oh" reklamo nito pero alam kong pabiro 'yon.


Aba siya itong nagsabi na isasabay na niya ako. "H'wag ka mag-alala bukas babayaran kita bente para sa pamasahe"


"Sa'n aabot bente mo...dyan ka na nga" aniya.


Kumaway lang ako nang paandarin nito ang sasakyan. Saka lang ako pumasok sa loob ng makalayo layo na 'yon.


Naabutan ko namang tulog na si inay. Andon din si makmak. Inampon namin siya ni inay. Nakita namin sa gilid ng simbahan. Nakaka awa naman. Magka yakap silang dalawa. Naligo lang ako saglit. Itinabi ko rin iyong dala kong Jollibee. Mahirap na baka madekwat pa ito ng pusa.


Pagkatapos ko maligo ay tumabi na rin ako sa kanila. Maingat lang ang mga galaw ko baka magising si inay. Once na nagising pa naman ito ay hindi na 'to makakatulog hanggang sa umaga na. Nakiyakap rin ako sa kanila saka natulog.

____
Kinabukasan ay tinanghali na ako ng gising. Alas nuebe na ng umaga ako nagising. Wala na akong kasama sa bahay. Wala na si makmak panigurado nasa kapitbahay na ito. Si inay ay sigurado nasa shop na ito para manghula.

Naghilamos lang ako at nag tooth brush. Pinuyod ko lang ang buhok ko ng may pagka messy bun. Binuksan ko pa iyonh speaker at plinay ang kanta ni Taylor Swift.

Under her possessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon