Chapter 14

45 1 0
                                    

The sunlight shone upon my tired face. I opened my eyes and eyed the guy next to me. Lahat ng ginawa namin kagabi ay nag flashback saakin. I feel my face heated. Marahan akong tumayo sa pagkakahiga.

Hindi naman ito nagising sa mahimbing na pagkakatulog. I pulled my hair out of frustration. Nakakainis, ang rupok ko pag dating sa kanilang dalawa. I admit that I feel something between them, like what we call attraction, but this is wrong. In the eyes of society, loving two men is definitely insane.Matatawag kang malandi dahil hindi lang isa ang karelasyon mo. Ngayon ko lang narealized ang kagagahan na ginawa ko.

Bakit ba ako nagpadala sa init ng laman. Sa kanila pa talaga na mag kapatid at worst is kambal pa. Wala sa sarili akong lumabas ng kwarto. Hindi na ako magtataka kung bakit hindi ko maabutan si Inay sa sala or sa kusina. Malamang ay umalis na ito kasama si makmak.

Nakita ko nalang ang pagkain na nakalagay sa mesa pero hindi ko iyon ginalaw. Wala akong gana. Para bang wala akong karapatan kumain ngayon sa kasalanan na ginawa ko.

Lord, kung bawal naman po pala magmahal ng dalawa bakit ganito.

Kahit sa pagdidilig ng halaman ay wala ako sa sarili. Kung nakakapagsalita nga lang ito malamang kanina pa ako namura.

"Hey,morning,baby." nabitawan ko iyong hawak kong hose. Tumatama na tuloy ang tubig sa may paa ko.

"Hey, what's wrong?" Nero gently pull me closer to him para maialis ako sa rumaragasang tubig. "Do we have a problem,baby?"

"D-don't touch me" humiwalay ako sa pagkakayakap ng kamay ni Nero sa bewang ko. Mas lalong nadagdagan ang pangungunot ng nuo nito.

"This is wrong....Everything's wrong"

"What are you saying, baby. Ano bang nangyayari sayo?" gulong gulong sabi nito. He tried to reached me pero ako iyong lumalayo tuwing tatangkain nitong hawakan ako.

"Iyong nangyari kagabi, Nero. Mali iyon...dapat hindi iyon nangyari" sabi ko.

Nabitin sa ere ang kamay nito "What? Are you—"

"What happend last night? What did you do to her,Nero?" Neon growl as he walk towards our direction.

Hindi ko mapigilan hindi mapapitlag ng hatakin ako nito papunta sa kaniyang likod. Neon's mad. Lumalabas ang ugat nito sa leeg sa sobrang galit.

"So what? Ikaw lang ba ang pwedeng umangkin sa kaniya,Neon. You don't own her." Nero lips twitched.

"Fuck you!" gigil na sabi naman ni Neon. "You fucking asshole!"

"What? You're not her fiance, Neon. Baka nakakalimutan mo na tumanggi ka."

"That was before pero binabawi ko na yon. I'm working on it,Nero."

Mas lalong lumaki ang ngisi nito "You're too late,bro. I already signed the fucking agreement. She's my fiance now" Sa sinabi ni Nero mas lalong nagalit si Neon.

Buti nalang nahawakan ko ang damit ni Neon kung hindi ay nagka sakitan na sila dalawa.

"Stop you two. Hindi na ba kayo nahiya. Andito pa ako sa harap niyo pero kung mag usap kayo parang wala ako." nagpupuyos sa galit na tiningnan ko silang dalawa. "No one owns me. I owned myself. May karapatan akong tumanggi."

"B-baby" mahinang pagtawag sa sakin ni Nero. Inilingan ko ito.

"Wala pa man lang nag aaway na kayo. This is the reason i don't want to agree to this set up." puno ng disappointment ang boses ko.

Nanghihina naman na tumingin lang silang dalawa saakin. "Kung ganito lang naman pala ang kalalabasan. You two better shut the fuck up and leave me alone. Gusto ko ng tahimik na buhay. Kung ito pala ang magiging kapalit ng pagtanggap ko ng binigay ni mama. Ibabalik ko nalang, kakausapin ko rin bukas si tita about this." puno ng inis ang boses ko ngayon. Hindi lang naman sila ang may mali. Ako rin may pagkakamali. I let them invade my system. Hinayaan ko na magpadala sa kanila.

"Don't do that,sweet heart. It's your mom's wealth kaya sayo 'yon" sinubukan ni Neon na lumapit saakin pero lumayo lang ako. Ganoon din si Nero.

"Umuwi na kayo. Bigyan niyo ako ng time para mag isip." sabi ko bago sila talikuran. Naupo lang ako sa sala at nakiramdam sakanila. Walang kibo hanggang sa makaalis na silang pareho. Doon lang ako nakahinga ng maluwag.

Ang sakit nito sa ulo. Bakit ba kasi pinasok ko itong problemang 'to. Tahimik lang din ako kumain hanggang sa napagpasyahan kong umalis. Pupunta ako sa dati naming bahay. Andon si Inay malamang ay nanghuhula. Wala pa kaming ginagawa sa school. Kaya maluwag pa schedule ko. MWFS ang schedule namin at hindi na rin masama.

"Nay." nakangiti kong tawag kay Inay nang makapasok ako.

Nagulat pa ito nang makita ako. Mukhang hindi inaasahan na pupunta ako doon. Ngumiti lang ako at tahimik na inayos ang ilang gamit niya doon. Hindi naman ako nito matanong kasi may kliyente ito ngayon. Mga suki na rin iyon ng shop kaya di na ako magtataka kung bakit sila bumabalik doon.

I can feel Inay gazed. Pasulyap sulyap ito sa gawi ko. Sa tuwing nahuhuli ko ito ay ngumingiti nalang ako. Nang mabagot ako ay pumunta ako sa likod ng bahay. Andon pa iyong mga halaman namin. Andito pa rin ibang gamit namin. Dito nalang siguro ako matulog ngayon? But i have classes tomorrow. Ang hassle kasi malayo ito sa school ko. Baka ang mangyari pa ay malate ako.

Tangina. Nalinis ko na yata buong bahay ay hindi pa rin nawawala pagkabagot ko. Lilinisan ko na rin sana iyonh bodega namin dito kung hindi lang dumating si Inay. May hawak itong tinapay at 1.5 na coke.

"Meryenda ka muna" nilapag nito ang dala sa mesa sa may sala. Bumalik naman ako doon at naupo sa bamboo chair. Kumuha na rin ako ng baso.

"May problema ka?" tanong nito sa kalagitnaan ng pagkain ko ng tinapay. "Tungkol ba ito sa kambal" dagdag pa nito.

Halos maluha ako ng mabilaukan ako sa sinabi ni Inay. Napainom tuloy ako ng coke dahil nagbara iyon sa lalamunan ko.

"Tama nga ako" malumanay na sabi ni Inay. Kita ko pa na malalim itong bumuntong hininga. "Kinukulit ka ba ng dalawang iyon? Pwede mo naman sabihin saakin" sabi pa nito.

Alinlangan pa ako. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas doon. Mukhang napansin naman ito ni Inay. "Alam mo bang kaya ayaw kitang hulaan. Kaya sinasabi ko sayo na tatanda kang dalaga?" panimula nito.

"I can see two men fighting over you. Nakikita ko ang pinagdaanan ng magulang mo—ang pinagdaan ko."

Gulong gulo ako sa lahat ng lumalabas sa bibig ni Inay. "Mahirap na nga magmahal ng isa paano pa kaya ang dalawa? Natatakot ako na maranasan mo iyon and yet ito na nararanasan mo na. Dalawa ang tatay mo, Mikay. Pareho silang asawa ng mama mo. Gaya ko, dalawa rin ang asawa ko." Malumanay na sabi nito. Tumingin ito sa kawalan.

"Inay?" Gulong gulo na tawag ko dito.

"Mahirap paniwalaan diba? Tatlo kaming nagmamahalan. Ako, ang lolo mo at si Wenena. Sa aming tatlo ako nalang ang naiwan. At gaya sa magulang mo. Ang papa mo, mama mo, at si Benjamin. Sa kanilang tatlo ang papa Miguel mo nalang ang naiwan pero ayon nga hindi nakayanan. Hindi ka naalagaan." sa sinasabi ni Inay mas lalo akong nagugulat sa nalalaman ko.

"Alam mo naman siguro ang polymorous relationship diba? Hindi tanggap sa lipunan ang ganitong set up." parang nanuyo ang lalamunan ko sa sinasabi niya.

Iyon din ang naiisip ko. Kaya hindi ko matanggap.

"Naguguluhan po ako sa kanila at sa sarili ko. Hindi ko matanggap inay. Kasi mali yon, hindi naman pwede na dalawa ang mahalin mo." huminto ako saglit "Nag-aaway lang silang dalawa dahil saakin. Naguguluhan ako inay. Ayokong sumugal lalo na't hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko. Baka na ppressure lang ako kaya ganito."

"Hindi ka naman minamadali. Ang pag ibig dapat pinagninilayan. Kung papasok ka sa isang relasyon dapat handa ka at buong buo. Magkakasakitan lang kayo kung hindi"

Tumango tango ako. "Gusto mo ba silang dalawa?"

Doon ako natigilan. Hindi pa ako sigurado. Sobrang gulo pa ng isip ko. "Hindi ko po alam" pag amin ko. Napayuko nalang ako.

Kinuha naman ni Inay ang kamay ko at marahan iyong hinaplos. "Pag isipan mo ng mabuti. Ikaw lang naman ang makakapag sabi niyan. Kung ano man magiging desisyon mo. Susuportahan kita. Tandaan mo yan" ito ang huli niyang sinabi bago nag unahan tumulo ang luha ko. Hindi ko na alam...

Under her possessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon