As usual ang maingay na bar na naman ang kasama ko ngayong gabi. Not as a performer but a waitress in disguise. Nakakatuwa lang na sa unang gabi ko ay maayos naman ang naging pakikitungo saakin ng iba pa. They even offered themselves para tulungan ako since nag- aadjust pa daw ako sa sistema. Bini-baby na nila ako nyan, hindi naman ako bobo para di ma adapt agad at saka im used to this kind of work kasi nakikita ko naman iyon.
"Table 8 yan Mikay." sabi ni Seven habang binibigay saakin ang bucket ng alak.
"Kanina pa sila naorder ah, hindi pa ba sila lasing?" i asked out of curiosity. Si Lena kanina ang nakuha ng mga order nun at dahil tapos na ang shift nito ay ako naman ang pumalit.
Seven shrugged "May mga bagong dating kanina, customer na sila ng bar na ito kaya alam na talaga namin kung barkada ba nila ang dumating"
Tumango ako bilang sagot. Dala ang alak na order nila ay umakyat na ako sa second floor. Masyadong maraming tao kaya nahirapan ako dumaan. Namumuo na rin nga ang pawis sa nuo ko kahit malamig naman.
Tama nga ang sabi ni Seven, sobrang dami nga nila and i think lahat naman sila ay may class. Kahit na sobrang dami nila ay hindi naman sila magulo. I take a deep breath bago hinatid ang order nila. I even plastered my charming smile, mahirap na baka mareport pa sa manager kung magsusungit ako. Sa sobrang dami nila hindi ko na sila tiningnan sa mukha isa-isa.
"Thank you,Miss" sabi nung isa. Doon ko lang napansin na napatigil na pala sila and they're all looking at me.
"May additional order pa po ba kayo,sir?" kabado na tanong ko.
"Hoy! may gusto pa ba kayong iorder?" pasigaw na tanong nito sa kaibigan.
"Pwede bang take out nalang miss, since may gusto akong iuwi" aniya nito na ikinasigaw ng iba pa niyang kasama.
I still smile at him kahit pinapatay ko na siya sa isip ko. "Then, anong order mo sir?" nakangiwing tanong ko.
"Can i order you?"
Sumagad na naman ang ingay dahil sa sinabi niya. Gusto ko na umirap sa kaniya. Iyong iba pa ay nagpaparinig na kunin na daw number ko.
"Tss"
Saglit ako napatingin sa may gilid ko.I bit my lips nang mapansin siya. He is also eyeing me, sobrang bored ng mata nito. Animoy walang pake sa nangyayari sa paligid niya. Bahagyang napa awang ang bibig ko when he licks his lower lips.
"I'm going home" sabi nito. Natigil na rin ang pansin saakin at sakaniya iyon natuon.
"Dude, ang aga pa para umuwi. Wala naman asawang naghihintay sayo. Let's enjoy the night, ang daming chicks ay oh" turo nito sa mga babaeng nakapaligid sa kanila. Ngayon ko lang din napansin na mas marami nga ang mga babae doon at lima lang silang lalaki.
"Someone's waiting for me." he says.
"Sino naman, ang aso mong si Holy? Shit pare mas mahal mo pa ata aso mo kaysa saamin e. Kasama mo na nga sa bahay tapos hindi mo pa maiwan iwan. Are you planning to marry her?" birong sabi nung isa.
Ngumisi lang ito at nagkibit balikat. "She needs me"
Iyon lang ang sinabi niya bago naglakad paalis. Ako naman ay pasimple na rin na umalis. Hindi ba niya ako kilala. Eh kanina lang ay nagpahula pa ito saakin or he's doing it intentionally.Sino nga naman ba ako para pansinin infront of his friends. Im just a nobody na nakilala lang niya kanina by unexpected reason it is. Kung paano siya napunta sa shop namin at napilit na magpahula.
I just shrugged my thoughts. Wala naman akong mapapala kung ganyan siya. Its his choice naman and i totally understand it. Ganon na rin siguro ang gagawin ko pag nakita ko siya accidentally. Just act like a total stranger. Its just Im dissapointed...konti lang.
Bumalik ulit ako kay Seven para kunin naman ang order ng iba. Mabuti nalang naging matiwasay ang pag serve ko sa ibang customer. Some of them was hitting on me. Asking for my number or for a date. I know they are just drunk at sa sobrang lasing nila ay nagbibigay sila ng malaking tips. Ang lahat ng tip na iyon ay nilalagay namin sa tip box kasi bubuksan iyon half of the month para hatiin saamin. So, kung anong pinaghirapan namin ay lahat kami makikinabang.
"Ang laki ng tip ngayong gabi. Ngayon lang yan napuno nang ganiyan teh. Baka sa kinsinas ay makatatlong box tayo" masayang sabi ni Vicky.
"Ang galante naman pala ng mga manginginom dito. Doon kasi sa barangay namin ang tanging binibigay lang ng lasenggero ay maraming problema. Bukod doon ay wala na." mapait na sabi ko na siya naman ikinatawa nila.
"Mga bigatin din kasi ang mga customer dito. May iba nga diyan lowkey lang pero anak pala ng Senator." Sabi naman ni Miwa.
"Amoy anak mayaman nga ang mga yan" bilang tugon ko.
Tumango tango sila " Correct ka dyan sis. Ang babango pa lalo na iyang nasa table 8. Kilala sila bilang babaero pero may pagmamalaki naman. They are all professionals and ang alam ko rin ay may mga company sila"
Hindi na ako magugulat sa narinig ko. Si Doc nga kanina e, halata naman na he's wealthy. Maayos at branded na damit pati nga iyong relo niya rolex. Ang mga ganiyang tao ay mahirap pangarapin....sobrang hirap abutin. Buti nalang talaga ang itlog ng ibon ay kaya pa.
"Bukod sa mga gwapo sila ay malaki rin ang kanilang..."
Sinadya nilang bitinin ang sinasabi. Nagkatinginan naman sila bago ngumisi ng patago. Para silang nag-uusap gamit ang kanilang mga mata. I know what they mean, hindi ko nga lang yon pinagtuonan nang pansin since hindi ako sigurado. Hindi naman kasi nadadako ang tingin ko sa may umbok nila. Im busy admiring their beauty. Next time itatry ko sumulyap.
Ako na nahiya para sa naiisip ko.
"Uy namumula siya, iniimagine mo na no?" biro nila kaya mas lalo akong nahiya.
Ngayon pa talaga namula. Minsan pahamak din itong kutis ko e. Walang malilihim pag namula.
"Naiinitan lang" palusot ko. Hindi naman ito benta sa kanila. They keep on teasing me kahit na may trabaho pa kami. What am i even thinking. Ganito nalang ba ang epekto nila saakin. Gwapo naman talaga ang magkakaibigan but he is uhm far charismatic. Sa kaniya lang ako na attract and this is wrong. Interesado nga siya sa ibang ako pero hindi sa ganitong anyo ko. Interesado siya sa babaeng naka mask at hindi sa babaeng manghuhula. tangina!
BINABASA MO ANG
Under her possession
General FictionMikaela Villanueva lives with her grandmother, a fortune teller. She was earning a living by assisting her grandmother in fortune telling, despite the fact that she had no experience with this type of work. She deceives people in order to make money...