Chapter 9

55 0 0
                                    

It's been a week, and everything went well. I already met Donovan's twin mother and discussed my situation. It was kind of weird at first since she was good to me as if I were her daughter. She even bought me a lot of designer dresses and bags because she said she wanted to spoil me.Halos ako an ang sumuko sa dami ng binili niya. Naninibago pa rin ako dahil nga sa buong linggo na kasama ko si tita ay nandon din ang kambal kung saan kami magpunta.Para na nga itong alalay namin e.


Inaayos ko naman ang gamit ko dahil sa nakapag enroll na ako ngayong pasukan. Kinakabahan man ay mas nangingibabaw ang saya. Finally, makakapag aral na ako ulit. Sabi nila hindi hadlang ang kahirapan but sadly to say hindi totoo iyon. Ang kahirapan nga lalo ang siyang dahilan kung bakit marami ang hindi nakapag-aral. Libre nga mangarap pero ang way papunta ron ay hindi libre. Mas gugustuhin ko pang maging alipin ng salapi.


Hindi ko mapigilan na mapairap nang makita ko na naman ang caller ko ngayong gabi. Gosh, hindi ba sila titigil dalawa. Ginawan ko na nga sila ng gc kasi tangina naman sabay silang tatawag saakin. Iisa lang ang phone ko tapos dalawa sila, ano naman laban nito.Hinayaan ko lang yon mag ring. Nagpatuloy lang ako sa pag-aayos ng gamit. Gusto ko na nga ibato itong phone kahit bago pa dahil sa sobrang ingay. Labag sa loob na sinagot ko ang tawag. Pagmumukha na naman nilang dalawa ang nakita ko.


"Ano na naman? Busy ako!" 


"You want my help?" bungad agad ni Nero . Ang gulo ng camera nito halos mahilo ako pag tinitingnan ko iyon.


Nabaling ang atensyon ko kay Neon. He is wearing his scrub. Nakapikit ito animo'y pagod sa trabaho. Malaya ko tuloy itong napagmasdan.


"Hey baby! Ako ang tingnan mo, hwag yang pangit na yan" nagmamaktol na sabi ni Nero.


"Aren't you aware that you two look alike?Kung pangit siya edi mas pangit ka" 


"Yah! Take it back,sweetie. "


Naiiling ko nalang ito tiningnan. Nakita ko naman na nakamulat na si Nero at seryosong nakatingin saakin. Nahihiyang inioff ko ang camera. Hindi pa rin talaga ako masanay sa presensya niya.Sa sobrang kaba ko ay pinatay ko ang tawag kahit na may sinasabi pa si Nero.


Halos mabitawan ko ang hawak kong phone ng mag ring iyon ulit. This time it was Neon and sa number ko ang twag niya hindi sa messenger. Nanghihina na sinagot ko iyon.


"H-hello?"


"Why did you hang up, hmm?" he said using his sleepy voice.Bakas din doon ang pagod kaya mas lalo akong nag-alala.


"May ginagawa kasi ako saka pagod k-ka, i dont want to disturb you. Kailangan mo ng pahinga kaya..."


"Pero ikaw ang pahinga ko," he paused "I badly want to see you."


Napapikit ako sa sinabi niya. My heart is beating fast, and I can hear it. This is the feeling I have been ignoring and denying. I can feel a strong attraction towards the twins, but Neon was obviously wreaking havoc on my system.


"Ikaw bahala," kabadong sabi ko at ini-end ang call.


Hindi ako mapakali dito sa loob ng kwarto. Hindi na rin naman tumawag si Neon kaya nakahinga ako ng maluwag. Kanina pa tulog si Inay at makmak sa kwarto sa ibaba. Kaya hindi nito malalaman na gising pa ako. Napabangon ako nang mag ingay iyong phone ko. Nanginginig na sinagot ko ang tawag galing kay Neon.


"H-hello?"


"I'm already outside, open the gate please."aniya.


Dali-dali akong tumingin sa bintana at nakita ko nga roon ang sasakyan niya. Halos manginig ako pababa ng hagdan para pagbuksan ito.Ipinasok naman nito ang sasakyan sa garahe at saka bumaba. I'm patiently waiting for him hanggang sa makarating ito sa gawi ko. 


When he got close to me, I received a warm embrace from him. He is so warm, and he easily locks me between his strong and big muscles. Para tuloy akong bata sa pagitan niya. Hindi ko inaasahan ang pagpatak nito ng munting halik sa nuo ko. I was taken aback pero nagparaya na rin sa ginagawa niya.


"I miss you a lot, don't you miss me?"


"H-huh"


He chuckled and gave me another kiss on the cheek. "You don't need to answer, I already know your answer."


Hindi tuloy ako makatingin sa kaniya ng deretso. Pumasok na kami lahat-lahat sa loob ay nandoon pa rin ang mapang-asar niyang ngiti.


"Malinis naman ang guessroom namin. Pwede ka doon matulog ngayong gabi, magpapaliwanag nalang ako kay inay kung bat ka nandito kinabuksan. Magugulat kasi iyon pag nakita ka"


"I want to sleep in your room"


"O-okay? Doon nalang siguro ako sa guessroom. Sabagay mas komportable nga doon sa kwarto ko. Doon ka na matulog, ako na ron sa guessroom"


"I mean, I want to sleep beside you, baby. Just sleep no monkey business"


"You're crossing the line,Doc. Hindi porke fiance kita its appropriate to sleep together. Kung ayaw mo edi umuwi ka nalang sainyo." inis na sabi ko.


Hindi porke naging mabait ako sakaniya itatake advanatage na niya. Inis ko siyang binigyan ng masamang tingin. Akmang aabutin ako nito nang bigla itong manghina kaya nag-aalalang nilapitan ko ito.


He's freaking hot. Literal na mainit dahil nilalagnat pala ito. Bakit hindi ko iyon napansin kanina. Kaya ba ang warm kanina pagkayakap niya kasi inaapoy na siya sa lagnat. Wala akong nagawa kundi alalayan siya papunta sa kwarto ko. He's half awake kaya hindi rin ako nahirapan pag alalay sa kaniya.Pumunta muna akong banyo para kumuha ng bimpo at tubig para ipahid sa kaniya. Hininaan ko rin iyong aircon kasi nilalamig ito. Buti nalang talaga may suot itong sando at boxer. Kahit naiilang ay hinubaran ko pa rin ito. 


Dinalhan ko rin ito ng mainit na sabaw ng nilaga na ulam namin kanina at paracetamol. Kahit na doctor ito ay hindi rin nito magagamot ang sarili niya. Naggagamot ito ng may sakit pero pag may sakit siya sinong gumagamot sa kaniya?


Inayos ko ang kumot sa kaniya para hindi siya lamigin. Hindi na rin natuloy ang pagtulog ko sa guessroom dahil nga sa may inaalagaan ako. Hindi ko rin naman ito maiwan.Marahan na pinasadahan ko ng tingin ang maamong nitong mukha. Kahit sinong babae ay talaga namang mahuhulog dito. Ang swerte naman ng magiging asawa nila, hindi na sila mag-aalala sa magandang lahi dahil ang pogi ba naman ng kambal. Wala sa sarili na nahiga na rin ako sa tabi nito habang pinagmamasdan ito matulog. Nakakunot pa ang nuo nito at bahagyang nakaawang ang labi kaya hindi ko mapigilan na humagikhik. 


"Good night" sabi ko nito bago ako sakupin ng dilim.



Under her possessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon