Mother's Love

5 0 0
                                    

"I... ikaw na a... ang ba...bahala s....sa a...anak ko...."Hingalo niyang sabi sa akin. Di ko na masyadong maintindihan ang mga sinasabi niya dahil may masakit na din sa katawan ko.Nang ibinigay na niya sa akin ang isang sanggol ay dali-dali na akong bumaba sa bus. Nagliliyab na kasi ang likuran nito.Bago pa ako bumaba, tiningnan ko muna sya. Nakita kong ngumiti sya. Nakikita ko sa mga mata niya ang assurance. Wala akong nagawa kundi ngitian din sya.Pagkababa ko, tumakbo ako ng tumakbo hanggang narining ko ang malakas na pagsabog."Ma, gising! Nananaginip na naman kayo eh!" Nagising ako sa narinig ko. Haaaayyyyyy, naaalala ko na naman yung pangyayari na yun.Tiningnan ko ang anak ko. 6 years na ang nakakaraan ng mangyari ang aksidenting yun. At 6 years old na din ang anak ko.I just smile when I see his face. Nang dumating sya sa buhay ko, sya na ang naging inspirasyon ko, naging ilaw ko, at naging pag-asa ko. Lahat kaya kong gawin para lang sa kanya. Mahal na mahal ko sya.Bumangon na ako. Kailangan ko nang bumangon kasi may trabaho pa pala ako. "Ma, papasok ka ba ngayon?""Oo, bakit?""May school activity kasi kami, kailangan ko daw isama ang parents."Ito yung isang problema ko. Being a single mom, isa talaga yan sa mga iisipin mo. You need to balance your work and the time with your child. Di nman pwedeng pabayan ko ang trabaho ko at mas lalong di ko pwedeng pabyaan ang anak ko.Kaya ang hirap pumili."Ano ma? Sasama ka? Ok lang kahit hindi, maiintindihan ko naman. You need to work para sa akin. Sasabihan ko nalang ang teacher ko na may work ka kaya di ka nakapunta."Alam ko malungkot sya. Hindi rin kasi ako nakapunta last year sa family day nila. Sobrang lungkot niya ng umuwi ako galing trabaho. Pero, kahit kalian hindi niya ako sinumbatan sa mga pagkukulang ko bilang ina.Umupo ulit ako sa kama at tiningnan sya sa mata."Alam mo namang mahal na mahal kita diba?" malambing kong sabi."Alam kop o yun. Kaya nga, naiintindihan kita kung di ka man makapunta sa school."Napangita ako. He is smart. Kaya nga proud na proud ako sa anak ko dahil alam ko naiintindihan niya ang sitwasyon namin."So, gusto mo bang pumunta si Mama sa school o hindi""Alam mo naman ang sagot niyan Ma." Malungkot niya paring saad."Ok, pupunta ako. Sa isang kondisyon."Napangiti ito."Ano yun Ma?""Mamamasyal tayo afterwards, ok?""Yeheyyyyy!!!! Sure Mama. Thank you so much. You're the best!"Niyakap niya ako ng mahigpit. Alam ko, na kahit kaming dalawa lang kontento na sya. Hindi na sya nagtatanong tungkol sa papa niya. Kasi, pinaliwanag ko na sa kanya kung ano ba talaga ang sitwasyon."Maam, bakit di po kayo papasok? Our clients are expecting you today." Sabi ng secretarya ko."I know. Pero, may imporatnte lang talaga akong pupuntahan. Just tell the clients that I cancel the meetings today. At sabihin mong babawi ako."Saka ko pinatay ang phone ko. Yeah, importante ang cliyente pero mas importante ang anak ko.Nasa kotse na kami at nakikita ko ang excitement sa mukha ng anak ko. Yung ngiti pa lang niya, di nay un kayang tumbasan ng kahit ilang kliyente na dumating sa akin."Are you really excited?" tanong ko habang nagdadrive."Oo naman, Ma. Imagine, magkasama tayo kahit weekdays ngayon. Tapos, pupunta ka sa school pra magparticipate. Actually, di ko na sana sasabihin sayo na may activity kami kasi alam ko naman na may work ka. But I tried. And this time, I won it!" saka ito humalakhak.I feel guilty. Natamaan ako sa mga sinabi niya. Totoo yun, wala na akong oras para sa kanya. Si yaya Goring nalang ang palagi niyang kasama sa bahay. Ako ang naghahatid sa kanya sa school, pero pag-uwi, hindi ko na sya naabutang gising kasi late na akong umuwi.Natatanong ko tuloy ang sarili ko kung mabuti ba akong ina.Nang makarating na kami sa school, marami nang studyante at mga magulang na nakapaligid sa school. Siguro, kung di ako sumama sa kanya I'm sure malulungkot sya dahil mostly sa mga kakaklase niya may kasamang mga magulang.Hinila niya kung saan ang classroom nila. Nandoon pala ang titser nila."Goodmorning Teacher. Kasama ko ang Mama ko." May halong pagmamalaki."Hi Ms, Dela Cruz. Akala ko di ka makakarating. Sinabihan na kasi ako ni Ace na baka hindi ka dumating." Nakangiting sabi ng teacher nila."Pasensya na po huh, busy lang po sa trabaho" "I understand. Alam ko namanpo ang sitwasyon niyo. Hindi madali ang maging isang single parent. Lalo na at nagtatrabaho ka pa.""Salamat po sa pagintindi.""Halina na kayo, malapit na magsimula ang program!"Sumunod na kami sa teacher niya. Nang makarating na kami sa hall naghanap na ako ng mauupuan. Ilang minutes lang, nagsimula na ang program."Ma? Did you enjoy the program?" tanong ni Ace sa akin."Oo naman, marami akong nakita na mga talents mo na hindi ko man lang alam. Well, aside sa magaling ka talagang kumanta. Hindi ko alam, magaling ka rin pala gumawa ng tula on the spot" mangha kong sabi sa anak ko. Well, alam ko naman talaga na matalino ang anak ko. He also loves to sing and dance. Package na ang anak ko bukod sa gwapo pa. Blessed ako kasi biniyayaan ako ng halos perpektong anak."Mana lang naman ako sa inyo Ma eh!"Nandito kami ngayon sa park kung saan nagpromise ako ng ipapasyal ko sya. Marami kaming ginawa. Halos lahat ng activity sa park ginawa na namin. Pinatay ko muna ang phone ko dahil alam ko na marami na naman ang tatawag.I need to focus on him just for now. Kahit sa ganitong araw na to, maramdaman nya na may oras pa din ako kahit papaano.Ilang oras pa ang ginugol namin sa park saka pa namin naisipan ang umuwi.

Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon