Before reading, please be reminded that I am not a professional writer and maaari nyong maencounter ang mangilan ngilang papansing mga grammatical errors. Just please bear with it for a while. I'm trying my best to edit it all. Salamats!
P.s. If you like it, do add it to your reading list. I'm updating daily.
+ + +
Mahirap mainlove sa taong hindi ka mahal. Umaasa ka na nga sa wala, nagiging tanga ka pa. May mga bagay kasing nagagawa mo kapag naiinlove ka. Mga bagay na mas malala pa sa pagkalimot mo sa napkin mo sa panahon na meron ka O kaya naman nahuli ka ng crush mong tinitikman ang kulangot mo. Masakit. Sobrang sakit. Dahil alam mo sa sarili mong hindi sya titingin sa'yo sa paraang gusto mo. Na hindi siya ngingiti sa'yo para mapalaglag ang panty mo. Na hindi siya lalapit sayo dahil mahal ka niya, pero dahil nalimutan nya ang assignment nya at ayaw nya mapagalitan ng teacher nyo. Pero alam mo yung mas masakit? Yun yung ikaw mismo ang nagsabing "bestfriend" mo ang taong mahal mo. At alam mo yung mas masakit? Yung ginagawa ka niyang tulay para magkalapit sila ng taong mahal niya. London na nga ang pangalan ko, naging bridge pa ako. Naging London Bridge na nga ako in short. Kaya naman naging dahilan ito para isumpa ko ang kantang "London Bridge is Falling Down".
Ako si London. I am being a fucking bridge, and I'm falling down.
BINABASA MO ANG
London Bridge Has Fallen (Ongoing)
Teen FictionSo here's how my story goes: To make mommy grant anything I want, kailangan kong magpanggap na bestfriend ni Clyde. Ang unggoy na tinitilian sa buong school. At kapalit ng pagtulong niya, kailangan ko naman siyang tulungang mapalapit sa babaeng maha...