A/N: hello! Daily na po uli ang pag-UUD ko :) this chapter contains Glendict's Point of View. Sana magustuhan nyo siya kahit papano hahaha lol
VOTE, COMMENT, ADD THIS TO YOUR RL!
- - -
Glen's POV
"Bye babe" sabi ko sabay halik sa pisngi ni London. She waved goodbye and I started to walk palabas ng school niya. May kailangan pa kasi akong gawin sa school e. Regular parin naman dun ang klase dahil hindi naman festival don.
Excited na ako! Mapapanood ko mamaya si London magperform bilang Juliet. Siguro ang ganda-ganda nya mamaya. Sana dito nalang rin ako nag-aaral. Para lagi ko siyang makakasama. Kaso masyado na atang alanganin kung magtransfer ako this time of the year. Anyways gagraduate narin naman kami and I plan to go where she does.
Obsessed? Yeah right.
Siguro para kay London, she's just granting somebody's wish. Pero I'm damn serious about this relationship thing. Siguro nga trip ko lang noong una na maging gf siya. Pero noong nakausap ko siya, at mas lalong nakilala ko siya. Damn, nahulog na talaga ako.
Kaya nga I'm trying to be considerate as possible as I can. Kasi hindi naman katulad ng nararamdaman ko ang nararamdaman ni London. Kasi alam kong hindi niya pa ako mahal.
Ni isang beses nga hindi ko pa sya naririnig na mag I Love You sa'ken e. Masakit, oo. Pero I have to understand, kasi nga I'm the one who started it all. Ako lang naman yung nagpupumilit ng sarili ko sa kanya. Kaya hanggang sa abot ng aking makakaya, iintindihan ko siya. Kahit na panoorin ko siya, kissing somebody else. Kahit na si Clyde pa, titiisin ko. Kasi I don't want to let her go.
Akala kasi ng ibang tao ganun lang kadali magpalaya. Na ganon lang kadali gawin yung "pag mahal mo, palalayain mo". Pero hindi. Dahil kung mahal ang isang tao, mahihirapan kang mag let go. Hanggat may natitira pang pagkakataon o paraan para makasama siya, gagawin mo.
Geez. Sobrang corny ko naman. Nakakatawa ak-
"So what's the plan about that London Perington?"
I came back to my senses ng narinig kong nag-uusap ang ilang mga istudyante. Napatago ako. They're talking about London. Pakiramdam ko may gagawin silang masama. Siguro isa sila dun sa mga sinasabi ni London na galit sa kanya.
"Mamaya sa play, abangan nyo nalang ang surprise namin." Sabi nung isang babae. Shit. They're planning to ruin the play. Anong gagawin ko? Kailangan malaman 'to ni London.
Tatakbo na sana ako pabalik kila London pero my phone ringed. Hindi ko sana balak sagutin pero iba yung ringtone na tumunog. Nakadesignate kasi yun dun sa phone sa bahay na ginagamit pag may emergency lang.
I can't help but answer it.
"Hello? What is it?" Tanong ko kaagad. Subukan lang hindi to importante, I'm firing them.
[sir! Si ma'am po!]
"Huh? Anong nangyari kay ate?!" Goodness sake! Ano naman kayang nangyare sa babaeng yon?!
[sinugod po sya sa ospital.]
"Ano?! Bakit?"
[sinubukan niya pong magpakamatay! Hindi pa po namin alam ang kalagayan nya sir, pero sinugod na po namin siya sa St. Jude Hospital, buti nga p-]
Biglang tumigil yung transmission nung boses. I looked at my phone and damn! Bakit ngayon pa sya nalowbat?! Shit naman oh!
Ano ng gagawin ko?! London's play is about to be ruined, and my ate needs help. Why the heck am I trapped in this situation? Ang hirap mamili! Both problems are at stake here, at sa akin pareho nakasalalay ang kahihinatnan.
Damn! Sige na nga! Pupuntahan ko na si Ate! Babalik nalang ako dito before magsimula ang play. Mamaya pa namang ten o'clock yun. Kaya ko 'to.
+ + +
"Ate!" Sigaw ko pagkabukas ko ng pinto.
Shit. Bakit nagkakaganito si Ate?!
"Are you her relative?" Tanong kaagad sa akin nung doctor.
"I'm her brother." Sagot ko.
"Well okay na ang kalagayan ni miss Niña. Naremove na namin yung lahat ng pills na nainom niya. Buti nga naagapan e, that amount of pills can take an elephant down" Said the doctor.
Nagpaalam na sya and then left.
I sat beside her and looked at her. Shit! Bakit nagkakaganito ang ate ko?! Dahil ba yun dun sa asaw nya? Bakit kasi hindi niya pa hinihiwalayan yung lalaking yun! Alam nya namang nambabae ang gagong yon! Tsaka wala na yun pakialam sa kanya e!
"Hmm" I hear her wake up.
"Hindi pa ako patay? Ha, weird." She said in a weak tone. Nakakaawa tingnan ang ate ko, parang gusto ko ng mapaiyak.
"Fortunately hindi pa." Sabi ko sabay ngiti. Sa mga gantong panahon hindi dapat nastestress si Ate. Hindi ko muna siya pagagalitan.
"Bakit ate?" I asked.
"Hmm?" She said.
"Why are you holding into something you know, you will never have?" I asked. Fixed marriage lang kasi si Ate at ang asawa niya. Katulad lang din ng mga napapanood sa telenobela. At unfortunately tanging ang ate ko lang ang nagmamahal.
Ang asawa nya? Ayun, hindi ko na mabilang ang naging babae. Pero ewan ko ba dito kay ate. Hindi parin siya sumusuko. Kahit alam niyang hindi talaga sila para sa isa't isa.
"Hahaha." She chuckled.
"Kasi mahal mo." She said. Those three words crept into my spine. Hindi na ako nagtanong pa, wala na e! Relate na ako. Bakit pareho kami ng sitwasyon ni ate? Nakakatawa naman. Nasa lahi ba namin ang pagkakaroon ng unrequited love?
Napaisip tuloy ako, will I end up like her?
"Kasalanan ko rin naman kasi kung kailan huli na, saka lang ako kumilos. Dapat dati ko pa pinaramdam na mahal ko siya. Kaya ikaw, habang hindi pa huli ang lahat, do everything you can." She said. Alam na kasi ni ate kung paano naging kami ni London. I share everythinng to her. Sya lang naman kasi ang nandyan para sa akin. Our parents are now in states.
Napangiti ako. I just nodded and hugged her. Tama naman sya. Hindi pa naman huli ang lahat sa amin ni London. Alam kong she will love me the way I do sooner. Kailangan ko pa ng konting push.
"I'm going to London for a bit. I need a breather. Pagbalik ko, I'll fix things up. I'll have the divorce papers." Sabi niya.
I nodded. And came back to my senses.
"What time is it?!" Tanong ko sa maid namin. Damn! Yun nga palang kay London! I might be too late.
"9:30 sir." Sabi nung maid namin looking at her phone.
"I'll have a call." Sabi ko sabay grab dun sa phone nya.
I dialled London's number and called it.
Shit! Ayaw sumagot!
"Ate! I have to go! London needs my help!" Sabi ko sa kanya.
She nodded and gave me a smile. I kissed her cheeks and went to my car. Damn it! I hope maabutan ko siya!
I started the engine and drove as fast as I can. Damn it! Baka kung anong mangyari sa kanya. Why is she not answering my call?!
Sobrang bilis na ng patakbo ko. I have to tell her quick. Pero I was stopped by the traffic.
"Geez!"
BINABASA MO ANG
London Bridge Has Fallen (Ongoing)
Ficțiune adolescențiSo here's how my story goes: To make mommy grant anything I want, kailangan kong magpanggap na bestfriend ni Clyde. Ang unggoy na tinitilian sa buong school. At kapalit ng pagtulong niya, kailangan ko naman siyang tulungang mapalapit sa babaeng maha...