A/N: Warning! Katangahan ni London ahead! Pagpasensyahan nyo na po siya ha?
VOTE | COMMENT | ADD THIS TO YOUR READING LIST
- - -
London's POV
tingin sa kaliwa.
tingin sa kanan.
*sighs*
Hindi ko tuloy maenjoy ang mga pagkain sa lamesang 'to. Sino ba naman ang hindi makakapag focus kapag napagigitnaan ka ng dalawang taong may history? History ng bugbugan.
Yep! Andito ako ngayon sa bahay, nagdidinner kasama si Mom. Oh! Anjan rin pala si Glen at Clyde. Just what the fuck diba?
I gave mom a *pasalamat ka nanay kita kung hindi patay ka sa akin* look.
Paano ba naman?! Pinaupo ako sa gitna ni Clyde at Glen. Ginawa ba naman akong pagharang sa mga masasamang tingin ng dalawa. Nako! Kahit hindi sila nagsasalita parang nag-aaway ang mga tingin nila.
Si Glen, naiintindihan ko pa. Pero si Clyde, diba siya ang may kasalanan non? Bakit feeling biktima sya? Haaaayyys.
"Congratulations anak! Success ang play niyo!" Sabi ni mom sabay bukas ng bote ng wine. Oo nga pala, ang dinner palang ito ay para sa pagcecelebrate ng play namin. Ewan ko diyan kay mom, ang daming alam.
"Ah... Thank you po..." I tried to fake a smile. Paano ba naman nababalutan ako ng aura ng kadiliman na inilabas ng dalawang ito. Hindi ko tuloy mafeel na magcelebrate. Mas gusto ko pang magluksa.
"Ah. Babe?" I tried to approach Glen.
"Yes babe?!" And he answered like he's prepared.
"Tss." Narinig kong sabi ni Clyde dahilan para sikuhin ko ang tiyan nya. Pabor din naman pala ang pagkakatabi namin. Kaya kong bugbugin si Clyde ng hindi nagrereklamo.
"Uhm, do you like the food?" Tanong ko. Wala na Kong maisip e. Yan nalang para tigil tigilan na nila ang staring contest.
"Yeah! Actually hindi nga ako makapaniwala na ang galing ng mommy mong magluto." He said and then smiled at mommy. Pagkatapos nun humarap sya kay Clyde at nagsmirk.
Para san yon?
"Enebenemenyen. Konti lang hijo. Sige kain ka pa." Sabi ni mommy holding her cheeks. Ay. Parang may nararamdaman akong paninipsip ah.
"I love your paella tita! Can you teach it to me somehow?" Bigla naman akong nagulat ng nakisali si Clyde. Ay. May nararamdaman akong katakawan.
"Ah. Sorry hijo, first time ko palang nyan e. Hindi ko pa namamaster yung recipe." Sabi ni mommy while blushing.
"First time?!" Sabi ni Clyde na may pasamid samid effect pa.
"Eh sobrang sarap na nito e! Akala ko nga, specialty nyo to. Hala! Pano pa kaya sa susunod?!" Sabi ni Clyde in an amazed tone.
Si mama naman, ayun nawiwindang na. Pano pinauulanan ng dalawa ng papuri. Kala mo naman totoo. Matabang naman talaga luto niya. Pag hindi lang siya nakatingin nilalagyan ni manang ng lasa.
Masyado kasi pateenager si mommy kay hindi siya masyadong magaling magluto. Madalas nga pizza ang kinakain nya habang nanunuod ng netflix, habang nakasuot ng sweatpants. Jusko 45 years old na siya pero dinaig pa akong magrelax.
"Anyways," napaayos si mom ng upo.
"Kamusta naman ang relationship niyo ni London, Glen?" Biglang napatanong si mommy.
Napatigil naman sa pagsubo si Glen and started to talk.
"Okay naman po. We go out often, do some stuffs, and do shopping. She's a really a greAt girlfriend." Sabi ni Glen sabay akbay sakin. Tumingin siya kay Clyde and then smirked again.
Ano ba talagang meron?
"That's great!" Sabi ni mommy giving a sweet smile.
"How about you Clyde?" Nagulat naman ako kay mommy.
"Kamusta ang pagiging magbestfriend nyo?" Mom asked with much more excitement. Minsan feeling ko may pinapanigan talaga si Mom e.
Okay lang nga sa kanya na makipaghalikan ako bukod kay Glen, basta si Clyde. I mean, hindi ba parang ineencourage ako ni Mom na mangaliwa?!
"Well it's fun! We might fight sometimes but, we sure do love each other." Sabi ni Clyde sabay akbay rin sa akin. Ngayon, dalawang kamay na ang nakaakbay sa akin. Malapit na ako mag suffocate.
Halata mo kay mom na pinipigilan ang sarili niyang pumalirit. Haay nako, may conspiracy na nagaganap dito.
"Pero as a FRIEND lang na love." Sabi ni Clyde sabay smirk kay Glen. Mas lalong dalawa hinigpitan ang pagkaka akbay sa akin. Hinihila nila ako sa side nila! Jusko! Baka bigla nalang tumalsik ang ulo ko neto!
*coughs*
"Can you remove your arms? Mamatay na ako sa tindi ng akbay nyo e!" I said still coughing. Ginawa naman nila yun and just continued with the death staring contest.
Wala na.
Wala na akong gana.
+ + +
"We'll go ahead tita!" Sabay na sabi ng dalawa.
Haayyy. I left out big sigh. Salamat naman at lilisan narin ang dalawang ito. Kung hindi pa sila aalis, baka kanina pa ako namatay sa mga akbay nila.
"Sure come back again!" Sabi ni Mom waving them goodbye.
They went out of our door and voila malaya na ako!
Umakyat na ako sa kwarto ko to change clothes. Nako, masyado na akong nastress sa mga kaganapan kanina. I should wear lose clothes ton-
Nagulat ako ng napadaan ako sa bintana ng kwarto ko.
Si Clyde at si Glen. Hindi pa sila umuuwi. And they are standing at our gate. Facing each other, giving those scary stares. I can't help but get curious.
I went donwstairs and went out of our house.
Unti unti akong pumuslit sa mga bushes sa may gate.
*sighs*
I felt relieved ng nakatago na ako sa mga damo, close enough to hear them.
"Stop it." Biglang nagsalita si Glen.
"Ang alin dude?" Clyde chuckled.
"Sticking with London. Find a new bestfriend." Sabi nya in a very serious manner. Ano bang nangyayare dito? Bakit ako ang topic nila?!
"Eh pano kung ayaw ko?" He said chuckling.
"Do you like her?" Nawindang naman ako sa sinabi ni Glen. Galing palang sya sa stop sticking tapos bigla na siyang nagjump sa do you like her? Hindi ba pwedeng do you hate her muna?!
Tsaka, Hahaha pinapatawa nya ba ako?! Si Clyde magkakagusto sa akin? E unggoy yun e -
"And what if I do?" Napabanat ang baba ko sa bermuda na kinauupuan ko. Hindi ko alam kung paano magreact! Hindi ko alam kung dapat ba akong masiyahan o magalit o madiri o ano! This night could not get any worse!
"Akin si London!" Bigla naman akong nakarinig ng boses na hindi nanggagaling kay Glen, o kay Clyde, pero familiar sa akin.
"Who the heck are you dude?" Sabi ni Clyde.
Bumalik na ako sa pagtingin sa kanila at nagulat sa nakita ko.
"I'm Piper Perington. Pipe nalang for short! Ako ng pala ang minamahal na kuya ni London! At akin lang sya!"
And just when I thought this night couldn't get any worse.
BINABASA MO ANG
London Bridge Has Fallen (Ongoing)
Teen FictionSo here's how my story goes: To make mommy grant anything I want, kailangan kong magpanggap na bestfriend ni Clyde. Ang unggoy na tinitilian sa buong school. At kapalit ng pagtulong niya, kailangan ko naman siyang tulungang mapalapit sa babaeng maha...