LBHF [11]

204 24 25
                                    

VOTE, COMMENT, ADD IT TO YOUR READING LIST!

This is dedicated to Momoi_11 for being a great reader since then :* marami pa po akong gustong madedic kaya wait for the next chapters :)

London's POV

AKSAYA.

AKSAYA!

Isang malaking pag-aaksaya ng oras ang napala ko noong weekend. Wala manlang kaming progress na nagawa nung unggoy na iyon. Pagkatapos kasi nung madramang scene na nasusuka pa ako pag iniisip ko, aba si Clyde! umuwi na! akala mo sya pa yung biktima. Pasalamat talaga sya lasing sya noon kaya naiintindihan ko pa siya. Medyo nadala lang din talaga ako noong mga panahon na yon. Alam nyo na, mood swings.

Kaya ayon nakauwi nalang sila Miss. Sapak at half day akong nakikipaglandian kay Glen. Geezzz... Glen is one corny man. Nangangamoy mais na ako sa sobrang kacornihan nya sa buhay.

Pero hanggang ngayon? Monday na at may pasok na ule, pero ni anino ni Clyde hindi ko parin makita. Teka? Pumasok ba sya?

Well not that I care pero, kailangan nya rin akong tulungan. Malakas ang koneksyon ng magaling kong mommy kaya dapat pati dito sa school we play the bestfriend act. Tsaka alam na ng buong campus na magbestfriend kami. Narelease na kasi ngayon yung weekly news ng journalism club. Alam nyo na, celebrity ang unggoy na yon sa school na 'to kaya kahit ata pag-utot nya nakasulat sa balita. Medyo annoying nga kasi kami pa ang nakalagay sa front page. YUNG HINALIKAN AKO NI CLYDE.

Kaya ayon! halos lahat ng mga babae sa campus, pagpasok ko palang, pinagtitinginan na ako. May mga tinging malapit nang pumatay. May mga tingin ng inggit. At may mga tinging may muta pa. lol hahaha.

Kinonfront nga rin ako nung President ng fansclub ni Clyde. Tinatanong ako kung totoo daw na magbestfriend kami. Kaya umoo ako. Pero hindi pa sila nagpatinag. Tinanong pa nila kung bakit daw ako hinalikan ni Clyde. Napatawa naman ako. Pati pala yun big deal sa kanila?

And guess what I told them?

"ah the kiss thing? Nothing special. That's just a bestfriend's kiss. We do that all the time."

Kaya ayun halos mahimatay na yung Club president at ang kanyang mga alipores. jusko! para silang mga uod na binudburan ng asin sa pangingisay.

"Miss Perington."

"Miss Perington!" sabi ni Miss Perez sabay hampas ng stick nya dun desk ko. Hay nako, heto nanaman tayo. Napansin ko ng nagtitinginan nanaman ang mga kaklase ko. Tss.

"y-yes po?" I said giving her an innocent look.

"Are you listening to what I'm saying?" sabi ni Ma'am.

Naririnig ko nang natatawanan ng mahihina ng mga kaklase ko.

"haha. I bet hindi nya man lang kayang sagutan yung tanong sa board."

"oo nga. Puro yaman lang naman kasi siya."

Umaalingasaw nanaman ang mga hininga ng mga insecure dito sa klase. San ba nakakabili ng insecure repelant? Makabili nga ng isang sako para araw araw akong mags-spray dito sa loob ng classrom.

Akala naman nila ang hirap-hirap nung itinuturo. E nabasa ko na yan e. Anong akala nila, bobo ako well capital D-U-H. Pang harvard qualifier po ang grades ko. Kahit pa pagsama-samahin ang grades nila at imultiply mo pa sa tatlo, mas mataas parin ang grades ko. Dahil MATALINO ako. Hindi ko na kailangan pang magintindi sa klase to pass the test, the test needs to come to me to pass.

London Bridge Has Fallen (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon