Time sure flies. Tapos na ang vacation and I'm, i mean we are on our way to school.
Since nasa loob lang ng village namin ang halfblood high, naglalakad or minsan nag babike kami ni jeron. Si klajong may service. Elem. Pa lang yun eh.
Today, lakad lang kami. Baka 'daw' kasi makasalubong namin si bea sabi ni Jeron. Ang kire talaga nun! Andaming inexplain sa akin na mga good things na makukuha sa paglalakad para lang sabayan ko sya.
Nagkukwentuhan kami kung paano kami magpapakilala sa klase mamaya nang biglang..
Cla-clary si bea yun diba? Sabay turo dun sa babaeng pasakay ng kotse.
Sundan natin bilis! Sabay takbo. Habol habol namin yung kotse nila bea hanggang sa ayun nakarating na kami sa school.
Grabe hingal na hingal kami.
Nahulas tuloy ganda ko! May patakbo takbo pa eh!
Hoy Jerina Clarrisse! Nahulas ka lang no! Di ka maganda! Si Bea! Yun ang maganda!
Maganda nga! Arte naman. Nagkotse pa malapit lang naman tong school.
Ayaw lang siguro mapagod agad!
At ako di ako napagod sa pagtakbo? Ang sabihin mo! Mayabang yan!
Bakit ba ang bitter mo kay bea? Ha?
Eh kasi pag siya anjan nalilimutan mo ako.. bulong ko
Anong sabi mo?
Wala! Sabi ko pumasok na lang tayo!
Naglakad na kami papunta sa room. Isa lang kasi section bawat year dito. Kokonti lang kasi nag aaral. Exclusive lang kasi sya para sa mga taga Olympus village pero syempre nakikilahok pa din sa mga inter school contest. And maybe you're wondering kung bakit ganun reaksyon ko kay bea. Pinapaasa kasi nun si Jeron. Samantala pag wala yung kakambal ko nakikita kong nakikipaglandian yun sa mga boys. Tss. Saka kinire nun sa piter. Buti na lang may jowa si piter nung time na yun. Yun nga lang, hindi ako, pero atleast hindi yung makating bea na yun! Argh!
Pagpasok sa room, anggulo! Ang ingay! Kami kami uli kasi ang classmates hahaha!
Jerina!!! Jeron!!! Sigaw ni Kiko, katropa namin!
Pumunta na kami sa pwesto ng barkada at yun nagkwentuhan. Ako, tahimik. Iniintay ko pa si Piter.
And ayun! Dumating na sya. Wearing his bright smile while holding Micha's hand.
Aray ba Clary? Bulong sa akin ni Jeron
Tumungo na lang ako at di nag usap.
Anjan na si ma'am!!! Siga ni Nonito! Isa pa naming katropa na laging tambay sa labas para makahanap ng chicks.
Umayos ng upo ang lahat. Terror daw kasi ang adviser namin ngayon.
Good morning class! I'm miss Katatonya, 45 years old and i am your adviser for this year.
Good morning Miss Katatonya! sagot namin. Di naman pala ganun kastrict si ma'am. Apat na subject na puro introduction lang then wohoo lunch na! Palabas na kami ni Ayesha, bestfriend ko, nang... napahawak ako sa leeg ko.
Aye, yung locket ko!
Oh ano meron?
Nawawala nung locket ko!!
Ha? Yung may picture mo at ni -- oomph
Tinakpan ko na bibig nya bago masabi na picture ko at ni Piter. Grabe lang! Madami pa kayang tao. Deds ako pag nalaman nila!
Hanapin na lang natin please!
Hanap kami nang hanap tapos pag angat ko ng tingin,What tha f---!!!
Hawak nya yung locket ko!
BINABASA MO ANG
Reality Check
Teen FictionIsang storya na hindi naniniwala sa forever, umaapaw sa pagkabitter, walang happy ever after pero meron itong moral lesson for you to know better. iAmZeroEight OriginallyNVM2k15