Nakauwi na ako from that death defying scene sa garden ng science club.
Di ako sumabay kay Jeron. Galit ako sa kanya! Hmp.
Paano, pwede naman kasing sabihin na may crush ako iba or may jowa na ako, na imposible mangyare, tsk. Malay mo magselos pa si Jupiter pero seriously? Tibo?! What the hera and zues on mount olympus nga naman oh! Alam ko boyish ako and totomboyin pumorma pero babae ako! Babaeng babae ako!!! Never ko naimagine na tibo ako! Like eew! No offense ha! Di ako racist or what so ever pero, baka ma turn off si Jupiter sa akin huhuhuhu. Wala na ngang pag asa na magustuhan nya ako, maiiba pa lalo tingin nya sa akin?
Tsk, naiiyak na ako. Nagkulong ako sa kwarto ko at doon umiyak.
Antagal kong nagpapansin kay Piter. Nagpaputi ako, nagpapayat ng konti kasi madami pa din ako kumain >3< at nag focus sa sports at study kasi baka sa mga paraang yun mapansin nya ako.
Kanina sa science garden, nakita ko kung pano nag iba yung itsura nya from gulat ⊙﹏⊙ to pagkailang at medyo naeewan
Naturn off na sya ng bonggang bongga. Tangna naman kasi! Pati ba naman yung kakarampot na pag asang pinanghahawakan ko nachugi pa.
Iyak lang ako ng iyak. Shete naman. Nakakahiya. Nakakalungkot. Nakakairita si jeron!! Argh
*tok *tok
Bumukas ang pinto at iniluwa nun ang kakambal kong halimaw. Tumalikod ako.
Jeri...
Jeri... sorry.
Sorry na.
Jeron, anong mararamdaman mo kung sabihin ko kay bea na bading ka, at makita mo yung mukha nya unti-unting magbago yung tingin sayo?
Jeri, pasensya na. Natense kasi ako kanina.
Anak ng putense naman oh! Jeron pwede mo namang sabihing may gusto akong iba. Malay mo biglang maiba ihip ng hangin at magustuhan ako ni piter bigla tapos ligawan pa ako. Ok lang sana eh. Kaso naiinis ako sayo o nalulugmok lang ako sa kahihiyan kasi kung ikaw nasa katayuan ko, makikita mo yung taong pinakagusto mo na mawirdohan sayo, grabe lang jeron. King ina!
Jerina, alam ko may mali ako kaya nga sorry. Pero sana maisip mo din na kahit papaano natulungan din naman kita. Maybe nagulat lang talaga si Jupiter dun sa sinabi ko pero as if naman na maniniwala agad agad yun eh alam naman nila na maloko ako, tayo. Atleast hindi maiilang si piter na lumapit sa'yo kasi alam nyang crush mo siya diba? At least yung pag- salba ko manlang sa friendship kuno nyo ni piter maappreciate mo.
Cricket noises.... walang nag uusap sa aming dalawa. Pinagninilayan ko din kasi yung sinabi nya.
Yeah. Di ko naisip yun. Pinangunahan ako ng hiya at inis. Natulungan nga naman ako ni Jeron. Ok, magpapakumbaba ako. Mali eh...
Jeron...?
Hmmm..?
Bakit K9 ang tawag sa aso?
Bakit?
Kasi pag k10 pusa na yun.
Oo nga no? Hahaha pwede. Ako may joke din
Oh ano yun?
Anong sasabihin ng kaliwang sapatos sa kanang sapatos pag natapakan nya?
Hmmm.. ano?
Shoeri po!
Hahahaha.
Pero jeri, seryoso, sorry ha.
Ok na yun, sorry din ha? Saka thank you.
Lika na kain na tayo. Hala ka kay mamsi at papsi pugto mata mo! Hahaha
Hahaha mo mukha mo. Gawa mo to eh.
Oo na lika na!
------------------------------
Thank you for reading.
Amm.. boring ba? Hehe pasensya na ha? Babawi ako soon! -08
BINABASA MO ANG
Reality Check
أدب المراهقينIsang storya na hindi naniniwala sa forever, umaapaw sa pagkabitter, walang happy ever after pero meron itong moral lesson for you to know better. iAmZeroEight OriginallyNVM2k15