Maaga akong nagising kasi mamimili kami ngayon ng gamit for school. Sumakay na kami sa aming munting kotse at off to Sm na kami.
Maya maya tumunog yung cellphone ko. Iniimagine ko si Piter yon. Pero sino ba lolokohin ko? Eh ni number ko nga baka di nya sinesave so asa pa ako.
Tss. Gm lang pala. Ani ko
Bakit? Kala mo si *oomph tinakpan ko bunganga nitong Jeron
Hoy! Ano yan? Jerin, Jeron tigil nyo nga yan! Sabi ni papsi. Masanay na kayo, ibaiba talaga tawag sa akin. Si jeron, minsan ron lang.
Eh papsi, itong si--*oomph Clary ano ba?!
Hmph! Tinalikudan ko nga
Ikaw na nanakit ikaw pa may ganang magalit. Ampeymus mo pre! Di ko mareach kasikatan mo! Tae mo Clary! Pareparehas lang tayong mabaho ang utot!
Haba ng speech mo Jeron! Tinalikuran lang eh! Saka magtoothbrush ka! Ambaho ng hininga mo!
Hoy! Mas malapit ang bibig mo sa ilong mo! Hininga mo yon!
Hoy! Tumigil na kayo. Jerina, jeron ha!
Sori mamsi. Sabay naming sabi.
Sorry lalaking bakulaw.
Sorry din babaeng halimaw.
Nakarating na din kami sa Sm.
Mamsi, ok lang po ba na humiwalay kami ni Jeron sa pagbili? Para din po maasikaso nyo si klajong ng maayos.
Kaya nyo ba? Tanong ni mamsi
Opo. Kaya na namin ni clary.
Sige. Ibibigay na lang namin sa inyo yung budget. Tig 7000 kayo. Tipirin nyo ha. Sabi ni papsi. Kita kita na lang tayo ng mga 12 sa kenny rogers.
Sige po papsi! Sabay namin sabi.
Naglalakad kami ni Jeron nang...
San tayo pupunta? Tanong nya
Aba ewan! Sinusundan lang kita! Sagot ko
Anong sinusundan mo ako?! Eh ikaw sinusundan ko! Argh! Ano ba to!
Ewan ko sayo Jeron! Dun na nga tayo sa Department Store!
At naglakad kami papunta dun. Tae kasi tong kasama kop! Saksakan ng abnoy.
Clary, sa mga bag muna tayo. Anong tatak kukunin mo?
Jansport!
Sige, ganun na din akin.
Natapos kami pamimili ng gamit. Pero habang nagpipili, iniisip ko na bigla kong makikita si piter tapos magkakaroon ng sparks tapos chuk! Happy ever after! Pero sino ba niloko ko? Wala namang ganun. Mag asawa nga naghihiwalay pa eh!
Dumiretso na kami ni Jeron sa Kenny rogers at inintay sila mamsi.
Palingon lingon ako expecting na makikita ko si Piter, pero wala. Walang Piter na nag apper. Kumain na kami at nakauwi pero wala talaga. Haay wala nga pala ako sa movie. Kung may script lang ang reality, gagawin ko ang lahat para i-edit yun at gawan kami ng love story ni Piter.
BINABASA MO ANG
Reality Check
Teen FictionIsang storya na hindi naniniwala sa forever, umaapaw sa pagkabitter, walang happy ever after pero meron itong moral lesson for you to know better. iAmZeroEight OriginallyNVM2k15